"Ok lang naman ako gamutin mo na lang 'tong mukha ko" napatingin ako sa kanya sa gulat.

"Anong gamutin ka dyan!"

"Hoy! Tinulungan kita. At dahil sa 'yo nagalusan tong gwapo kong mukha."

"Gwapo daw" bulong ko.

"Ano!"

"Sabi ko gagamutin ko na!"

"Good. Lets go."

Nang makauwi kami nagulat sila nang may galos sa mukha si kuya Philip. Nilagay ko ang mga chips na binili sa kusina. Kinuha ko din ang first aid kit at nilapag sa lamesa. Pumunta ako ng sala para tawagin si kuya Philip.

"Bakit?" Tanong nya.

"Magpapagamot ka di'ba?!" Sabi ko sa kanya. Sabay irap.

"Chumachansing ka bro ah?" Rinig kong natatawang sabi ni kuya Carlos.

Sumunod sya sa akin sa kusina at umupo sa upuan ng dining.

"Dito mo ako gagamutin?" Tanong nya.

"Bakit 'san mo ba gusto?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sa veranda para mahangin" bakangiti nyang sabi. Inirapan ko sya.

"Arte naman" sabay bitbit ng first aid kit at pumuntang veranda.

Umupo na sya doon at nag kukuha na ako ng bulak ng makita ko syang malalim ang iniisip.

"Ang lalim ng iniisip ah?" Sabi ko habang nag lalagay ng betadine sa bulak. Bigla naman napunta sa akin ang atensyon nya nang nagsalita ako.

"Uhm...ano...kasi.." umiwas sya ng tingin.

"Ano?"

"Pwede bang mag open?"

Tumango ako.

"Oo naman. Anything. I wil listen." Sabi ko at ngayon ay dinadampi ko na ang bulak sa gilid ng labi nya.

"Di ko kasi masabi mga problema ko sa mga kaibigan ko eh. Alam kong pag nagsabi ako 'di nila ako papakinggan or pagtatawanan lang nila ako"

Kumukuha naman ako ng bagong bulak at lalagyan ulit ng betadine.

"That's why I'll listen." Nginitian ko sya. Dinampi ko naman doon sa pisnge nga 'yong bulak.

Napangiwi sya sa sakit.

"Go" sabi ko.

"Palagi kasi kaming nag-aaway ng parents ko." Tapos na akong mag gamot sa mga sugat nya kaya naka tingin ako sa labas at pinapakinggan sya.

"Ako naman I always do my best just to make them proud."

Napatingin ako sa kanya. I feel him, ganyan 'din sila mommy dati bago ang birthday ko eh.

"But the end of the day lagi na lang akong naikukumpara sa "magaling, matalino, madiskarte" kong kuya. Kaya minsan nasasagot ko sila. Lagi din akong nangangatwiran." Napasinghot sya kaya napatingin ako. Tumingin din sya.

"'Di ba dapat they should congratulate me not being compared to my kuya?"

"Alam mo? If I were you, kausapin mo sila. Mag-usap kayo. Sabihin mo na you can do your best at many things in your own way. Ipakita mo sa kanila 'yong mga bagay na 'di nila nakikita sa'yo. Ipakita mo dapat na mali ang mga sinasabi nila." Pagpapayo ko.

"Ganon?" Sabi nya.

"You know what?" Dagdag nya.

"What?"

"If feels good pag may mapapagsabihan ka ng problema. Nakakagaan ng loob."

"Don't worry if ever na may problema ka pa I'm always right here. Makikinig sa mga ioopen mo. Kaya pag may problema ka? Lapit ka lang sa'kin kahit busy ako. Basta about sa mga problem marami akong time" malumanay kong sabi.

"Thank you" sabi nya ng nakangiti.

"Wala 'yon quits na tayo"

"Sige na papasok na ako at baka kung anong isipin nila at ang tagal na'tin dito sa labas"

"Sige dito muna ako kasi mahangin" nginitian ko sya. 'Yong ngiti na wala nang mata. Sabay tayo nya.

"Ang cute mo" nakangiti nyang sabi.

"Wehh?" 'Di makapaniwala kong tanong.

"Oo nga. Para kang chihuahua" sabay tawa. At gulo sa buhok ko na para akong ginawang aso.

Sinimangutan ko sya at inayos ang buhok.

"Joke lang!" Sabay pasok sa loob.

Nangmakapasok na sya ng bahay naisipan kong pag pantasyahan sya. Charot!

Pero in fairness ah! Ngayon ko lang nakitang ngumiti ang isang 'yon. As in ngayon lang kasi laging syang seryoso at nakasimangot. Gwapo pala sya pag naka ngiti eh.

Yieeee!!! Kinikilig ako pag naiimagine kong nakangiti sya. Pero 'di ko sya crush ah.

Pero kasi eh!!

Basta nga!!

Pumasok na ako nang makaramdam ng antok. Nadaanan ko sila kuya sa sala papunta sa kwarto ko.

"Matutulog ka na?" Nagulat ako nang marinig 'yon.

Sabay-sabay kasi sila kuya Zian, kuya Warren, at kuya Philip

Napatingin naman si kuya Carlos, kuya Billy at kuya Zian sa kanilang dalawa ng nagtataka.

"Akyat na po ako kuya." Sabi ko.

Pag ka akyat ko nag hilamos ako at nag bihis ng pantulog.

Paghiga ko nag phone muna ako saglit. Nagulat ako may 2 new messages

Binuksan ko 'yon at nagtaka ako ng galing kay kuya Philip at Warren 'yon.

Kuya Warren:

Goodnight❤

Kuya Philip:

Goodnight ang thank you talaga sa pakikinig sa akin.

Nireplyan ko silang dalawa at natulog na ako.

Goodnight na din sa inyo. Matulog na din kayo.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now