Kabanata 10

178K 7K 2.4K
                                    

Kabanata 10

"Good morning, Ma'am!" Ngising-ngisi si Ate Linda nang salubungin ako pero nanatili akong nakasimangot.

"Ay, badtrep ka, Ma'am? Anong nangyari? Di ka makadiskarte kay Sir Warrion?" Aniya kaya ngumuso ako at tinignan s'ya.

"Warrion who?" I asked.

"Sus, si Ma'am!" Tawa ni Ate Linda at pinalo ang braso ko. "Tatampo ka pa."

"Wala nga akong kilalang Warrion," Maang-maangan ko pa at napatawa si Ate Linda sa akin.

It's been a week but I was still annoyed at that man! Kitang badtrip ako at dapat sinusuyo pero iba s'ya! Bawat irap ko ay ngingisi lang s'ya kaya iritadong-iritado ako!

"Ito talaga si Ma'am," Tawa n'ya at maya-maya ay may tinuro. "Nasa may garden si Sit Warrion."

"Oh, anong ginagawa?" Naglakad ako patungo sa pintuan at kaagad namang sumunod sa akin si Ate Linda.

"Oh? Kala ko ba 'di mo kilala 'yung Warrion?" Nanliit ang mata n'ya, tila nang-aasar kaya sumimangot ako at napangisi s'ya.

"Nagdidilig, Ma'am." Aniya at napangiwi ako roon.

Lumabas ako roon at humalukipkip habang nakatingin sa likod ni Warrion habang nagdidilig roon.

"Ate Linda, tell me..." Sumulyap ako sa kanya.

"Ay, alam ko 'yan, Ma'am! Tell me...what do you desire?" Aniya at nagtaka ako roon.

"Madali lang 'yan, Ma'am. Pangarap ko talaga sa lalaki mga kagaya ni Sir Warrion, gwapo, macho, medyo masungit kasi sabi nila halimaw sa alam mo na, kama." Hagikhik n'ya. "Tapos, pinakasobra sa lahat, matambok ang pwet."

I stopped and blinked.

"Okay...okay, I get you, saan mo nalaman 'yan?" My brow raised.

"Ay, sa pinanuod ko sa netflex!" Ngisi n'ya. "Diba, share tayo ng account?"

Napatango naman ako at napatawa roon.

"Alright pero 'di 'yan ang tanong ko." I said. "I mean...kung ikaw, bakit ka magdidilig ng bulaklak at halaman?"

"Ako?" Napaisip s'ya. "Syempre, Ma'am, matutuyot kapag di ko didiligan."

"Diba?" I eyed her and glance at Warrion. "Halaman lang ba ang natutuyot?"

"Ay, mayroon pa bang iba?" Takang sabi n'ya at napailing lang ako at napahugot ng hininga.

"Nevermind," I sighed.

"Nga pala, Ma'am." Aniya. "Maglalaba ako ngayon, baka gusto mo tumulong?"

Nagtaka ako sa kanya. "Huh?"

"Sabi kasi ni Sir Warrion mahusay ka raw maglaba kaya alukin daw kita--"

"That man!" I gritted my teeth, sinapo ko ang noo ko at nagtatakang bumaling lang sa akin si Ate Linda.

"Next time nalang, Ate." I murmured at nang umalis s'ya ay halos sakalin ko na si Warrion sa isipan ko.

Can't he get over that?!

I was about to go to his direction when I heard my Mom walking, hindi nga ako nagkamali at nang makita ko s'ya ay pababa na s'ya sa hagdan suot ang kanyang heels at isang kulay asul na dress.

"Hello, darling!" She greeted the moment she saw me, mabilis naman akong tumakbo palapit sa kanya at yumakap sa kanyang baywang pagkababa.

She chuckled, naglalambing na humalik ako sa kanyang pisngi at niyakap n'ya ako pabalik.

Heart of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon