"Amused? someday you'll own this"

"Wag kang magsalita ng tapos Yannie"

"tch!" siniringan niya ko bago siya pumasok sa loob.

Susundan ko sana siya kaso biglang sumulpot si Sir Jeff.

"Good morning Zeke. Welcome to Cabrera's. I'm here to guide you for your first day and explain to you every single detail about this place." aww! Nosebleed. Straight english yun ah.

Nagbow siya sakin kaya nagbow din ako sa kanya as a form of respect. Mas matanda pa rin naman siya sakin e.

"Good morning po and thankyou." 

"Shall we proceed?" 

"Hindi dapat ako ang gagawa nito para sayo" sabi niya habang tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

"E sino po pala dapat?"

"Dapat secretary mo gagawa nito. Pero dahil biglaan naman ang dating niyo ni Yannie, dipa kami nakahanap at nakapaghire. Yung secretary kasi ni Lucio, nagresign na din. Una kala namin maternity leave lang kaso yun, di ata kayang pagsabayin ang pagtatrabaho at pagiging maybahay. Pero don't worry. Maybe tomorrow meron na. alam mo naman ngayon sa Pilipinas, ang dami ng nangangailangan ng trabaho."

Masyado akong pre-occupied sa mga sinasabi niya ng... 

"ouch!!" 

"oooops Miss sorry" 

Dahil nahulog lahat ng dala niyang folders, tinulungan ko siyang pulutin yun isa isa. Kababaing tao nito, pinagbibitbit ng ganito kadaming files. nug iaabot ko na yung mga folders...

"monica?" 

"Zeke!!" 

Parehong bakas sa mukha namin ang gulat na makita ang isa't isa sa ganitong lugar at ganitong pagkakataon. Ramdam kong may gustong gawin at sabihin si Monica pero hindi na niya tinuloy dahil nabaling yung atensyon niya kay Sir Jeff. 

"Good Morning Sir"

"Good Morning" pagkatapos niyang sabihin yung maikling line na yun, nag-ring yung phone niya. 

"sandali lang ha. Kakausapin ko lang to" naglakad na siya palayo samin.

hinintay muna ni Monica na makalayo samin si Sir Jeff bago siya nagsalita.

"ui Zeke!" sabay palo sa balikat ko. "wow ang gwapo natin ngayon ah. Saan ang prom?" Pechay naman Monica oh. ano ako? highschool? 

"Grabe ka. ang tagal nating hindi nagkita. Tapos lalaitin mo lang ako?" 

"aba. saan banda sa sinabi ko ang lait dun Zeke? Sinabihan ka na ngang gwapo ikaw pang maarte. O sige na binabawi ko na. Ang pangit mo ngayon Zeke. Walang pagbabago pangit kapa rin." 

"grabe. double triple quadruple ouch!"

"ang arte. Kamusta naman? bakit kasama mo si Bog Boss?" 

" eto ok naman. Medyo nag-aadjust sa bagong buhay. Ah yun ba? Nililibot niya lang ako"

"nililibot? Bakit siya pa?"

"wala pa daw kasi akong secretary?" 

"secretary? ano ka chics?"

"baliw! kasalanan ko bang kaylangan ko nun? Hindi ko nga alam bakit kaylangan ko pa nun e."

"baki ano bang pakay mo dito?" 

"Ako muna papalit kay Sir Lucio." 

O_O

"OHMAYGAHD ZEKE? SIR LUCIO? ASIN MR. CABRERA? Umamin ka nga, totoo ba yang sinasabi mo o pinagtitripan mo lang ako?" 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now