Chapter 7

24 0 1
                                    

Isang maulan na umaga ang gumising sa akin.Nagising ako dahil sa lamig at hindi ko mahanap kung nasaan ang kumot ko.

Umambon kasi kanina at lumamig ang simoy ng hangin,bukas pa naman ang bintana sa kuwarto ko at tanging kurtina lang ang nakaharang dito kaya napagdesisyunan ko na bumangon nalang sa higaan.

Sabado ngayon at wala akong masyadong gagawin,wala din akong homeworks or projects dahil tapos ko naman nang ipasa.Start na ng panibago naming lesson para sa 4th grading sa lunes.

Niligpit ko ang pinaghigaan,mabilisan lang iyon at bumaba na para mag-almusal.Naabutan ko duon si Nay Selia na nasa kusina at may kausap sa telepono.Nagulat siya sa biglaang presensya ko.Nakita ko ang ginawa niyang pag-igtad ng mapansin ako.

Ibinaba niya ang telepono.Mukhang pribado ang pag-uusap nila ng nasa telepono.

"Kumain ka na d'yan,nakapagluto na ako ng almusal."Sabi niya atsaka lumabas upang duon ipagpatuloy ng sa tingin ko'y importanteng tawag.

Naghain ako ng sariling pagkain at hinugasan ako pagkatapos.

Same usual routine lang ang ginawa ko, matapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan tapos naligo na ako.Matapos magbihis ay bumaba ako sa sala upang manood ng tv.

Hindi ko na mahagilap si Nay Roselia kaya sa tingin ko ay pumunta na iyon sa grocery.Nakita kong naiwan niyang bukas ang gate kaya lumabas muna ako upang isarado iyon.

Habang sinasarado ang gate ay napansin ko ang nakaparadang jeep sa harap ng bahay nila ate Remuse.

Malaki ang bahay nila,wala pa sa kalahati ang bahay namin.Mula sa gate ay kita mo ang limang kotse nila pero madalas ay dalawa lang ang madadatnan mo.Siguro dahil laging ginagamit ng parents niya na laging nasa trabaho. Sa gilid nang bahay nila ay isang maliit na water station kung nasaan si Ate Wendy na kasambahay nila na siya ding namamahala ng water station.

Pero kahit ganun ay hindi mo mahahalata na mayaman sila Ate Rem base sa kilos niya.Kaibigan nga ako nun eh.

Minsan naman kapag ako lang ang naiiwan sa bahay ay pinapapunta niya ako sa kanila para makinuod sa maliit na theater room nila.

Kagaya niya ay mabait din ang parents niya,last year ay nagbigay ng libreng school supplies at feeding program ang parents niya sa kabilang school.

Mula sa gate ay lumabas si Kuya Dominic at kasunod niya si Ate Liliana na ang kasunod naman ay si Augustus.Automatic na umikot ang mata ko ng makitang magkahawak kamay silang lumabas.

Seriously?Nakaglue ba ang kamay nila at hindi matanggal ang kamay nila sa isa't-isa?Psh.

Padarag kong sinarado ang gate at bumalik na sa loob.

Ang boring na nga dito sa bahay nadagdagan pa ng inis tsk.

Masyado akong naiinis kahit makita ko palang si Lilliana,dahil duon ay naiinis din ako kay Augustus.Hindi ko alam kung bakit pero naasar talaga ako.

Hapon na nang tumila ang ulan at may araw na.Kahit sumisilip na ang araw sa mga ulap ay ramdam ko pa din ang malamig na hangin.Kakagising ko lang matapos makatulog habang nanonood ng tv.Agad akong bumangon para uminom ng tubig.

Kumuha ako ng baso at binuksan na ang pitsel para salinan ng tubig ang baso ng makadinig ako ng malakas na putok.Dahil sa putok na iyon ay nabitawan ko ang babasaging baso at nabasag ito sa sahig.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binalot ako ng kaba.Nanginginig kong kinuha ang dustpan pati ang walis,dalawang panibagong putok ang nadinig ko at dahil duon ay tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"TULONG YUNG ANAK KO TULONG!"

Hindi ko na pinagpatuloy ang paglilinis sa nabasag na plato at tinawagan si Nay Selia.Masyado akong kinakabahan kahit hindi ko alam kung anong klaseng putok iyon.Nadinig ko na din ang walang humpay na boses ni Aling Susan na humihingi ng tulong sa labas.

Love Me BackWhere stories live. Discover now