To the Rescue?

43 0 0
                                    

Chapter Ten

To the Rescue?

Mula nang makabalik sila mula sa weekend ‘vacation’ sa bahay nila ni Grae ay para na ata nyang makulit na anino si Ashton.

Hindi pa nga naka labas si haring araw ay nasa harap na ito ng bahay nya kasama syempre yung forever crush nyang si BMW. Kulang nalang sabihin nitong dito na sya tumira o kaya ay matulog…minsan sumasabay ito mag jogging sa kanya, o kung hindi man maka sabay sa kanya may ginagawa na rin ito ngayon sa bahay, marunong na rin ito sa kusina…Oo, marunong na itong “magluto” ng MAINIT NA TUBIG. Something he was very proud of, na nakapag init na daw sya ng tubig…grabe para lang napaka dumb, e. Hindi rin nya ma sisi…e kulang na nga lang may sumubo dito diba? Servants at his beck and call, e sinong matututo ng gawaing bahay kung ganyan nga?

Kasama nya ito araw-araw sa breakfast. Sa lunch. Sa Dinner. Ito ang huling taong nakikita nya bago sya matulog at ang unang taong nakikita nya sa umaga.

Kung lunch break kasama nya ang untouchables kumain, at syempre…lagi syang nasa tabi ni Ash kasi nga mawala lang sya sandali para na itong sira na hanap ng hanap sa kanya.

Tanong dito, tanong doon. Kaya kapag ka aalis sya, tini-text nalang nya ito kaagad para hindi na ito mag hanap. Para na rin sa pag maintain ng world peace. Sinanay na rin n’ya ang sarili sa ganun. Kilangan nalang nyang pakibagayan.

Noong araw na yun, mukhang wala rin atang pagbabago kasi bago paman sya maka labas mula sa huling klase nya sa umaga ay nag sisigaw na ang cellphone nya sa ringtone ni Ash.

Pinapapunta na sya ng canteen.

Bumuntong hininga na nag lakad na sya.

Papunta na sya ng canteen ng Makita nya na may kaguluhan sa loob, pumasok sya at naabutan nyang nakikipag talo si Portia sa pinsan nitong si Ash dahil daw masyado nang mino monopolized ni Ash si Grae.

Nang Makita nila si Grae ay parang nag tug of war yung dalawa, ayun, pinag agawan nila si Grae.

“Ash, babae si Grae okay? Baka nakalimutan mo? She needed female friends, companion…baka sa laging pag papasama mo sa kanya sayo at sa—sa untouchables tubuan na sya ng bigote!”

“Ewww..” narinig nila mula sa mga babaeng studyante.

“Gross!”

In the end, Ash let her go.  

 “Fine! Take her. Pero isuli mo pagkatapos.” Anito na para bang bata na naagawan ng laruan.

Anak ng pritong hito! Ano ako? Bagay? Laruan?

“Oy, Ash ha…hindi ako laruan na pwede mong ipahiram kung kelan mo gusto, di ako robot para kontrolin mo lang. Tao ako ha, Tao! Kaya mag tigil ka.” Inis na sabi ni Grae rito.

“Whatever. Just go already.” He said and glowered at his friends na pulang pula na sa pag pipigil na tumawa.

“What?” aniya sa mga kaibigan.

“Uhmfft! Hahahaha! Grabe ka, Ash! Ikaw na! Wahahaha!” ani Winsley na napapahawak pa sa tiyan nito.

He just stood and head for the door. Asar na asar sya kaya nawalan na sya ng ganang kumain.

***

“Great! Ilang linggo kitang hindi nakita tapos talagang pinag dadamot ka pa talaga ng pinsan ko. That guy, he’s so obvious!” Reklamo ni Portia at ininom ang fruit juice nito. Kanina pa ito dumadakdak dahil nga raw sa pagka irrational ng pinsan nito. Attentive nalang na nakinig sya.

“Obvious sa ano?” natatakang tanong ni Grae rito.

“Wala. Never mind. I don’t wanna spill the beans for him. Hindi nya ako mapapatawad if ever.” And she rolled her eyes…ewan sa mag pinsan na ‘to ang hirap intindihin. Napaka complex.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Oct 05, 2014 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

The Crazy Things I Did for LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt