Matched & Paired

38 0 0
                                    

Chapter Six

Matched & Paired

Wala syang ginawa sa bahay nila kundi ang kalikutin ang motor ng papa n’ya. Sinabi kasi nito na kelangan ng e tune up yun, kaya imbis na sa shop sya na gumawa…natutu kasi sya dahil nga ang papa nya naturuan din naman sya kahit papaano.

Pagkatapos nun ay nanood lang sya ng movie. Wreck-it-Ralph. Destroyer din yun pero gusto na nga lang nitong mag bago…and he could do that kung may medallion! Okay…panoorin nyo nalang para ma follow ang story.

May naalala tuloy sya! Bakit ba kusang pumapasok ang taong yun sa utak nya? Banned ito sa utak nyang hindi gumagana sa ngayon.

Nagpagulong gulong sya sa kama…ang tagal ng lunes…argh! Bakit ba ganito. Natulog nalang sya para ihanda ang sarili. Pupunta sya mamya sa Gym…doon na nya ibubuhos lahat ng ito!

The next day ay Sunday, nag simba silang mag pamilya at galing simbahan ay kumain sa isang restaurant na paborito nilang kainan…pag katapos nun ay nag paalam si Grae na aalis sya ng 2pm dahil mag go-grocery pa sya para dun sa kanyang kakainin pang one week.

Hinatid sya ng papa nya sa sakayan ng bus.

“Anak…”

“Papa?”

“Okay ka lang ba?”

“Opo naman. Bakit nyo po natanong.”

“Wala…basta kapag ka may kelangan ka, gusto mo ng kausap, text mo ‘ko. Mag re-reply ako, gusto mo tawagan pa kita, naka post paid na kasi ako!hehehe.” echuserong tatay talaga.

“Oo, na papa…kulet.” Hinagkan nya ito sa pisngi at umakyat na sa bus. Pinanood nyang mag wave ang papa nya habang papalayo na ang bus. Although nasa late forties na ang papa nya, makisig pa rin ito. Nag e-exercise parin kasi ito at ang mama nya, and they’re really health conscious kaya, ang babata pa nilang tingnan dalawa.

Napa pikit sya…makakatulog na sana sya ng biglang nag ring ang cellphone nya.

May tumatawag…unknown number…naka limutan na nya yung cellphone nya. Wala rin naman syang ka text minsan kaya nag mimistulang orasan nalang yung cellphone, mp3 o kaya ay calculator.

“Hello?”

“Nasaan ka ba?! Bakit wala ka dito sa bahay mo?! Alam mo bang kanina pa akong umaga nandito?!”

“Ha? Who you? Wrong number po ata kayo? Babye.” At ibinaba nya yun. Bulyawan ba sya sa cellphone! At sino ba yun?

Nag ring ulit ang cellphone nya.

“Hello?”

“Why did you hung up on me?!”

“Ha? Sino ka ba? At bakit kaba naninigaw ha?”

“It’s Ash, Stupid.” Napa ohhh sya.

“Wag kang pumunta sa bahay kapag weekend. Wala kang madadatnan dyan. Nasa amin ako ngayon. Bukas pa ako uuwi dyan kaya umuwi ka na.” sinungaling, e pauwi na nga e.

“What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Did you know na nilamok ako dito sa bahay mo kagabi…and this morning nalipasan na ako ng gutom kaka abang na lumabas ka…and why are you not answering your damn phone last night or kanina?”

Dakdak nito…parang nais na ata ni Ash na kainin sya…from the tone of his voice.

“Kasi po kagabi nasa gym ako, iniwan ko yung phone ko sa bahay…kanina naman po nasa simbahan kami ng pamilya ko, cellphone not allowed. At sino ba kasing nag sabi na abangan mo ‘ko?”

The Crazy Things I Did for LoveWhere stories live. Discover now