STATUS: Complicated

27 0 0
                                    

Chapter Seven

STATUS: Complicated

Kringggggggggg!!!! Kringggggg!!!!!

Bumangon sya kahit nakapikit, nilagay nya talaga sa mesa sa may dingding ang alarm clock para mapilitan syang bumangon.

5am na. Pinatay nya ang alarm clock at naghikab sya, nag palit ng kanyang damit pang jogging at pumunta sya ng banyo para mag hilamos. Maka tapos gawin ang mga paghahanda ay nag jogging na sya…mga target ay thirty to forty five minutes lang dahil mag luluto pa sya ng agahan nya, maliligo, kakain at pupunta na ng school.

Adja!

Mabilis ang kanyang pag jog. Sanay kasi sya, at araw-araw nya iyong Gawain…nahawa sa parents.

Malapit na nyang marating ang bahay, huminhingal sya at halos ma bingi sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Napansin nya ang naka park na kotse sa tapat ng bahay…ang kanyang ULTIMATE CRUSH! Ang BMW!!

Teka, ang aga naman ata ng BMW?

Kapag may BMW…may kasama itong ASH. Nag low speed sya at ng marating ang kotse ay tumigil sya. Kinatok nya yung bintana ng BMW, nakaka siguro syang ke Ash ang BMW nay un dahil nga memoryado nya ang plate number nito. Ganun lang sya ka praning.

Bumaba ang glass window nong kotse.

Tada! Si Ash. he looked gorgeous wearing his school uniform, tsaka…nag pa gupit ito? Ehehehe. Mas pumogi!

Humihingal pa sya.

“Ke…aga-aga…mo…atang magpunta ng…school…”

“Hindi pa ako sa school pupunta at bakit ba lagi nalang nag jo-jogging ka? May laban ka ba? E, hihigitan mo pa ata si Pacquiao sa pag wo-work out mo.” Hindi ito naka tingin sa kanya. He was staring straight. There was something different about him today.

“Hindi naman…pero…mas mabuti na yung laging handa at fit…Malay mo may laban talaga?”

“Ano ka boksinggero?” mas masungit ito ngayon. Yun ang something different dito?

“Hehehe. Bakit nga pala ang aga mo?”

“Dito ako mag be-breakfast.” Hindi parin sya nito tinitingnan.

“Ah, oo nga pala ano? baba ka na dyan. May kape sa loob.” Yaya nya rito…

Grae, kaibigan mo na yang taong yan, pag bigyan mo na para naman grumadweyt ka ng walang problema…pagbigyan mo na, sakay nalang sa trip, pag ka hindi naman nya nagustuhan na maging kaibigan ka lalayas rin yan sa buhay mo, sakyan nalang, okay?—Aniya sa sarili.

“O, Ano? Baba ka na! antayin na kita sa loob, sunod ka nalang.”

Nag patiuna na sya sa pag pasok sa loob at narinig naman nyang sumusunod ito sa kanya.

Nang makapasok ito sa bahay ay naupo ito sa couch. He was silently still at parang mas nakakatakot yun.

“Anong gusto mong ulam?”

“Kung anong gusto mong kainin, yun na lutuin mo…ayoko mag isip kung anong uulamin, why are you asking me.”

Ang suplado nito?Bad mood ang aga?

Pinigil nyang magalit. Ayaw nyang masira ang first day as friends nila.

“Okay, kapag trip mong mag kape may 3 in 1 doon sa pinag lagyan natin kagabi. Ligo lang ako sandali.”

At hindi na nya ito pinansin at mabilis na nagpunta sa banyo…may connecting door naman kasi sa banyo at sa kanyang kwarto kaya doon na rin sya dumaan. Nag bihis sya ng uniform nya…nag lotion na rin konti, sinuklay at binlower yung buhok. Natapos sya ng fifteen minutes. Lumabas sya ng kwarto at nakitang nandoon parin si Ash sa couch, glaring at the walls of the house.

The Crazy Things I Did for LoveWhere stories live. Discover now