Damsel in Shining, Shimmering Armor

27 0 0
                                    

Chapter Two

Damsel in shining, shimmering armor

Tinatamad s’ya. Linggo iyon araw na ng kanyang pag balik sa bahay ng auntie Yvette n’ya dahil klase na naman bukas.

Ilang weeks na syang nakaka survive sa klase…talagang purposely ay iniiwasan na nyang maki gulo, maka gulo o ma gulo.

Noong nakaraang linggo nag pa transfer sya ng seat sa kanyang adviser dahil nga nasa likod nya pala yung naka engkwentro nya sa hallway buti sumang ayon ang adviser dahil nag maka awa sya…naka relate ito.

Huli na ng malaman nya kung sino yung lalaking sinagot-sagot nya!

Wahhhh! Ignorance of the law excuses no one!

 Ito pala si Ashton “Ash” Cruse…ang pinaka mayamang estudyante ng school…at may side line pa pala ang mokong…Alpha daw ito ng isang grupo na tinatawag na Untouchables, isang grupo ng mga rich male kids na hindi kinakalaban ng mga pipitsuging gang dahil takot silang, ehemmmm, mamatay.

Para bang naka bangga nya yung Yakuza (School edition)! Jusme.

Maloloka s’ya!

Naka hilata lang sya sa sahig ng kanyang kwarto…malinis din naman kasi iyon. Mama n’ya kasi talagang gusto kumikintab sa linis yung sahig or else may fine kapag hindi nilinis ang kwarto.

Bumangon s’ya dahil may naalala.

Pumunta sya sa kwarto ng kanyang mama.

Knock.Knock.

“Pasok.” Naka upo ang mama nya harap ang laptop nito, may ginagawang trabaho. Isang School accountant ang mama nya, habang ang papa nya naman ay may shop na nag se-service sa mga kotse ng repair, car spa o kaya ay ang pag papa detail o papa upgrade dito. Na put up nya yung negosyo after 10 years na pag tatrabaho sa Dubai. Isang Mechanic yung tatay nya…bali hindi pa naman ganun ka laki ang shop dahil 7 years pa ito, pero kumikita na rin naman kasi magaling ang papa nya at maayos ito makitungo sa customers nito plus magaling yung mama nya sa pag balance ng books.

“Mama…may requirement po pala ako. Kelangan na po pala ito bukas.”

“Ano bayun?”

“3000 po, e para sa swimming suit na gagamitin sa P.E.”

“Ano? Agad agad na ba yan? Ang mahal naman ata ng swimsuit nayan? Pwede ba pag mga ganyan mag sabi ka ng ahead of time, Allison ng masama sa budget?”

“Nawala po kasi sa isip ko, Mama. May pinagdadaan ako sa school na yun.” Tingin si Mama sa kanya.

“Gusto mo bang bumalik sa dati mong school?”

“Wag na mama…mas challenging naman po kasi talaga doon at tsaka ang ganda po ng facilities sigurado pag don ako gumradweyt…hehehe, makaka pasok ako sa magandang university.” Sabi nya para wag ng mag alala ang Mama nya.

“Sige, ibibigay ko nalang sayo mamya bago ka umalis. Singilin mo nalang ako ha? Doon ka naman magaling, sa singilan.”

 “Salamat po.” Aniya at niyakap ito.

“Sandali, ma? Amoy sunog?”

“Oh, no! yung bini bake ko!” at nagtatakbo itong bumaba sa hagdan…habang naka ngiting sinundan nya ito.

***

Nasa swimming pool area na ang mga studyante maliban sa kay Ash. Medyo hindi maganda ang pakiramdam n’ya.

May hang-over pa ata s’ya, e…and bummer, two hours of sleep.

“Okay everyone, line up…let’s do stretching first…”anang instructor nila sa P.E. na si Ms. Wella…wala masyadong tumitingin dito kahit nga kuntodo ito sa swimsuit…ang payat e…nag bigay pa sya ng instruction at sumunod ang mga studyante…pagkatapos non ay tinawag na kung sinu-sino ang magkaka sabay sa isang “friendly” swimming competition among students, bali anim sa bawat batch.

The Crazy Things I Did for LoveWhere stories live. Discover now