KABANATA 11

64 13 2
                                    


ALEXIS'S  {P.O.V}

Napabalikwas ako ng bangon ng pag gising ko wala na si Cathleen sa tabi ko.Matapos kong magbihis dali-dali na akong lumabas ng aking silid.

"Good morning grandmom." Bati ko ng maabutan ko ito sa sala habang may binabasang magazine.

"Good morning." Sagot nya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

Dumiretso na ako sa kusina at hindi nagpahalatang hinahanap ng aking mga mata si Cathleen.

"Si Miss Cathleen po ba hinahanap nyo?" Nagulat ako sa pagsulpot ng isang kasambahay sa harap ko.

"H-ha? Ahmm.." Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Bumalik na po sya sa kwarto nyo,nandyan po kasi yong mga kaibigan nya may lakad yata sila nakita ko po kasing may dalang maleta si Miss Cathleen kanina." Mahabang hayag nito at binayo ng kaba ang aking dibdib.

Aalis na ba sya? Walang sagot na tumalikod na ako at nagmamadaling tinahak ulit ang hagdan pa akyat,ng bigla din akong mapahinto dahil biglang sumakit yong ulo ko,hindi ko yon ininda nagpatuloy ako sa pagpanhik ng muli na naman itong kumirot na halos mapapikit na ako habang nakahawak sa ulo.

"Ahhh.." Hindi kona napigilang mapadaing dahil subrang sakit na.

"Alexis?"  Pilit kung inaninag kung sino yong nasa harap ko.Si Cathleen pala at tila napunta yong kirot sa puso ko ng makita kong nasa tabi nito ang bagahe."Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"U-hmm.. y-eah.." naghahabol na ako ng hininga dahil nakaramdam na rin ako ng paninikip sa dibdib.

"Hindi ka ok." Sabi nito sabay hawak sa isang kamay ko."Manang! Tulong!!" Malakas na sigaw nito at agad naman nagsilapitan yong mga kasambahay.

"My god' Alexis anong nangyari?" Nag-aalalang tinig ni grandma."Ihanda nyo yong sasakyan!" Tarantang dagdag pa nito.

"O-ok lang ako,s-sila na bahala sakin maari ka nang umalis." Baling ko kay Cathleen na hindi ako binibitawan kahit marami na ang umaalalay sakin.

"Madam wala po tayong driver,pinayagan po kasi sya mag day off ni Alexis ngayon." Singit ng isang kawaksi.

"Ako na mag da-drive." Mabilis na sagot ni Cathleen."Please.. lumaban ka." Luhaan na ang mga mata nito pagharap sakin.Tango na lang naging sagot ko bago ako tuloyang mawalan ng malay.

CATHLEEN'S  {P.O.V}

"Kailan mo balak umalis?" Tanong ni Sandra habang nasa lobby kami ng hospital kung saan dinala si Alexis.

"Two weeks na syang walang malay girl,hihintayin mo pa ba syang magising?" Tanong din ni Eva.

Nong unang araw kasi dito ni Alexis,pinauwi kona muna sila sabi ko tatawag na lang ulit ako pag kailangan kona sila.Pero kahit hindi ako tumawag binalikan nila ako ngayon at pinipilit ng bumalik ng maynila.

"Gusto ko na mang makapag-paalam sa kanya ng maayos." Sagot ko sabay buntong hininga.

"Tingin ko girl no need na,kasi diba bago may mangyari sa kanya tinawagan na nya kami para sundoin ka.At ang nangyari pa nga kinabukasan mona kami pinapunta kasi yan din ang dahilan mo.Gusto ko mag paalam ng maayos." Mahabang lantiya ni Renalyn.

SWEET LIESWhere stories live. Discover now