KABANATA 10

77 17 15
                                    

CATHLEEN'S {P.O.V}

"Can we talk?" Nagulat sya sa biglang pag sulpot ni Alexis sa kanyang likod habang nakatayu sya sa may veranda.Pagkatapos kasi nilang mag almusal dumiretso na sya roon.

"Yeah,sure." Humarap ako dito matapos humugot ng hangin.Umiwas agad ito ng tingin ng mag tama ang mga mata namin.Tumingin ito sa kalangitan na tila ba may bigat na nararamdaman.

"Gaano na kayo katagal mag kakilala ni Alexander?" Paunang tanong nya.

"Nine months." Sagot ko na hindi inalis ang mga mata dito.Bahagya kumunot ang noo nito hindi ko alam kung dahil ba sa naging sagot nya o dahil sa biglang pagsilip nang araw na kanina nagtatago lang sa mga ulap.

"M-minahal mo sya agad sa loob ng syam na buwan?" Tila hindi makapaniwalang usisa nito.

"Ang pagmamahal hindi masusukat kung gaano katagal,kasi hindi naman oras ang magtatakda nito kundi ang mga puso nyo." Diretsahang sagot ko.Pansin Kong napangiwi ito."Kaya nga may love at first sight diba?" Mabilis ang naging pagbaling nito ng tingin sakin.Unti-unting napangiti hanggang tuloyan ng natawa habang napapailing pa.Napaismid na lang ako.

"May pagmamahal bang maaaring magbago at maging iba ang tinitibok ng puso?" Bigla ulit itong sumeryuso,parang tanga lang kanina tawang-tawa. Napalunok ako dahil tila natuyo ang aking lalamunan.

"M-marami." Sagot ko sabay iwas ng tingin,may iba kasing kahulogan yong tanong nya sakin o ako lang nagbigay ng ibang meaning."May mga taong sa una pinagtagpo,ngunit hindi nakatakda sa huli.." Halos manginig na yong mga tuhod ko sanhi ng kabang bumabayo saking dibdib.

"Para saan pang nagkakilala kayo,kung hindi naman pala kayo hanggang dulo? Hindi pag mamahal yon,kundi panlilinlang." Napataas ang isa kong kilay sa naging komento nito.

"H-hindi mo pa ba naranasang mag mahal?" Usisa ko.

"Mag mahal? Huh'." Napangisi ito. "Sa una lang yan masaya sa huli iiyak ka." Muli akong natigilan."Ikaw sa tingin mo ba masaya ka ngayon? Nasaan yong taong mahal mo? Diba wala sya ngayon sa tabi mo? Ang pagkakatanda ko pag mahal mo raw ang isang tao walang iwanan,pero bakit nag iisa ka ngayon?" Tagos hanggang puso ang mga katagang yon,tama ito nasaan yong taong sumumpa na mamahalin ako habang buhay. Gumawa ng krimen kaya nasa kulongan sya ngayon. Tila may isang tinig na sumagot saking tanong. "Nagtiwala ka sa taong nine months mo lang nakilala.Nagpakasal ka na hindi mo manlang namalayan na ibang pangalan ang ginamit nya.Sa palagay mo totoo ba yong pag mamahala na pinaramdam nya sayo? O ngayon na isip mo na sa simula pa lang niluko kana nya at pinag planohan nyang lahat ng ito." Halos mapunit yong puso ko sa subrang sakit at tuloyang ng bumuhos yong emosyong matagal ko ng kinikimkim.

"T-tama na.." napahagulhol na lang ako.Kasalanan Kona man talaga ito,binigay ko agad ang buong tiwala ko.

"Yeah,tama na." Tumango-tango pa ito."Makaalis kana." Tinalikuran kona ito."Tinawagan kona yong mga kaibigan mo upang sundoin ka." Natigil ang tangka Kong pag hakbang at tila may bigat na naramdaman."P-pinapakawalan na kita." Lalong gumulo ang isip ko,Hindi kona magawang igalaw ang mga binti ko."Ipapahanda kona lang yong annulment papers at tatawagan kana lang ni Attorney Lapuz pag ok na ang lahat." Lalong nanigas ang buo kong katawan pero ramdam kong patuloy parin ang pagdaloy ng aking mga luha."At k-kung sakali mang dumating yong araw na magkita ulit kayo ng kapatid ko,malay mo handa kana nyang pakasalan gamit ang sariling pangalan." Muli na naman akong napahagulhol dahil pakiramdam ko down na down ako,yong pakiramdam na wala sayong nagmamahal."Iniwan kona sa kwarto yong cellphone mo." tumahimik ito saglit. "M-mag iingat." Linagpasan na nya ako at wala na akong nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin.

ALEXIS'S {P.O.V}

Matapos naming mag-usap umalis ako ng bahay,parang ang bigat kasi ng aking kalooban.Pero alam kong tama yong ginawa ko.Hindi kami mag kakilala,wala kaming relasyon at kahit pagkakaibigan walang namamagitan samin.Kapwa kami estranghero sa isa't-isa kaya walang patutungohang itong pagsasama namin. Bakit? Nagsasama ba kayo? Tila napahiya naman ako sa sarili.

Hating gabi na ng makauwi ako at medyo lango ako sa alak,nag kayayaan kasi kami ng barkada na agad ko na mang pinagbigyan dahil baka sakaling mabawasan manlang kahit kunti yong bigat saking dibdib.

Madilim na ang buong kabahayan tanda na mga tulog na ang lahat.Agad akong umakyat patungo saking silid,yong silid na pinahiram ko kay Cathleen ng nandidito pa sya.Sigurado akong nandon na ulit yong mga gamit ko kasi yon ang bilin ko sa isang kawaksi kanina,na pag alis ni Cathleen agad ibalik yong mga gamit ko sa tunay kong kwarto.

Pagbukas ko ng pinto agad ko itong ni-lock.Pagkatapos hinubad ko yong damit ko at tanging sando at boxer short na lang ang tinira kong saplot.Pagiwang-giwang pa akong lumapit sa kama at agad humiga.Pagpikit ng aking mga mata mukha ni Cathleen ang aking nakita.Napabuntong hininga na lang ako matapos tumagilid pakaliwa ng bigla akong matigilan dahil sa banayad na paghinga na tumatama saking mukha,dali-dali kong binuksan ang lampshade na katabi lang ng aking kama.Laking gulat ko ng tumambad sakin ang mukha ni Cathleen na mahimbing ng natutulog.

"C-cath?" Hindi ko napigilang ibulalas.

"Hmm..?" Ungol nito.

"B-bakit nandito ka pa?" Kahit tulog na ito pinilit ko paring itanong.

"Kasi hindi pa ako umalis." Antok na sagot nito.At napansin ko pilosopo pala ito pag tulog.

"O? Bakit hindi ka pa umalis?" Muling tanong ko at nagbabakasaling sagotin nya ulit ako.

"Hmp.. ayaw ko." Nakapikit paring sagot nito at kumibot-kibot pa Ang labi habang nakanguso.Para tuloy itong batang antok na antok.Tila napalitan naman ng saya yong kaninang bigat na aking nadarama.Kahit pa hindi ko alam kung gising ba ito o nanaginip lang.May ganon daw kasi minsan,nakakausap mo ang taong tulog na hindi nya alam.

"A-ayaw? Bakit? Diba gusto mo yon?" Napapangiti na ako.Muli akong humiga paharap dito at pinagmasdan ito."Bakit ayaw mong umalis?" Muli kong tanong pero halatang nakatulog na ito ulit dahil naging banayad na ulit ang paghinga nya.Unti-unti kong tinaas ang isang kamay patungo sa maamo nitong mukha,hinawi ko ang ilang hiblang buhok na nakatabing sa pisnge nito."Cath.." sambit ko sa kanyang pangalan.

"Ayaw kitang iwan.." Natigilan ako at pati palad ko huminto sa mga pisnge nito.Hindi kona tuloy alam kung ako ba yong nananaginip o ito.Pero ramdam ko yong malakas na kabog ng aking puso.

**********

SWEET LIESHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin