KABANATA 7

54 9 0
                                    


CATHLEEN'S {P.O.V}

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking silid papungas-pungas pa akong nagmamadaling lumapit doon,dahil tila nais ng gibain ang pinto ng kung sino mang nasa labas non.

"Bruha!!!" Napamaang ako sa bumungad sakin pagbukas ko.Si Sandra.

"Anong nangyari Leen?" Tanong naman ni Eva.

"Nasaan si Alexis?" Sigunda ni Renalyn.

Gulat parin ako dahil hindi ko alam kung pano napunta dito ang tatlo kong kaibigan hindi parin ako makapaniwala na nasa harap ko sila.

"Ano na bruha? Titigan mo na lang kami?" Reklamo na ni Sandra dahil hindi parin ako makapagsalita."Hala nabuang kana day' asa si Alexis uy!" Tinapik nito ang aking mukha.Napabuntong hininga ako bago tumalikod sa mga ito,agad naman silang pumasok saking silid at tumabi sakin sa pagkakaupo sa kama.Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko,kung pano ako mag papaliwanag na hindi sila magugulohan at kung saan ako mag sisimula.

Pumikit muna ako at muling humugot ng hininga at pagdilat ko isa-isa ko silang tiningnan tila naunawaan naman ng mga ito na hindi ako ok kaya niyakap nila ako agad at doon kona hindi napigilang mapaluha.

"Leen naman eh' bakit kasi hindi ka tumawag samin gayong may problema kana man pala." Sabi ni Renalyn.Humiwalay muna ako mula sa pagkakayakap ng mga ito bago mag salita.

"Wala akong cellphone." Matipid kong sagot.

"Ano?" Halos panabay pa nilang react .

"Bakit? Saan napunta yong cellphone mo? At tika nga muna nasaan ba si Alexis? Bakit hindi namin sya makita?" Sunod-sunod na tanong ni Sandra.

At bago ko pa masagot yong tanong na yon may kumatok sa pinto kahit naiwan yong bukas at pag tingin ko isang kawaksi ang naroroon.

"Ma'am Cathleen pinababa na po kayo ni Alexis para po sa breakfast." Sabi nito,tumango na lang ako at nagpasalamat.

"Ha? Nasa baba na pala si Alexis? Bakit hindi namin nakita kanina?" Tila nagugulohang saad ni Renalyn.Napailing na lang ako bago nagtungo sa banyo upang mag ayos ng sarili.

Pagdating namin sa kusina natigilan yong tatlo kong kaibigan ng makita si Alexis sa hapagkainan,sabay-sabay pang napabaling ang tingin nila sakin na punong-puno ng pagtataka.

"Kumain na kayo." Seryusong anyaya ni Alexis na sakin lang naman nakatingin bago muling tinuon sa pagkain ang paningin.

"Sino sya bruha?" Bulong ni Sandra bago kami mag kanya-kanyang upo kaya Hindi kona ito nagawang sagotin.

"Ang gwapoo!" Sign language ni Renalyn na halatang kinikilig.

"Ulalam!" Pang gagaya din ni Eva kaya hindi ko maiwasang kabahan kasi baka makahalata si Alexis sa mga kalukohan ng mga kaibigan ko.
Sinenyasan ko na lang ang mga itong tumahimik at kumain na lang.

"Hindi mo ba ako ipakikilala sa mga kaibigan mo?" Natigilan ako sa tangkang pagsubo ng pagkain.Binayo ng kaba ang dibdib ko.Pano ko sya ipakikilala?

"Hi' ako si Renalyn." Hindi na nakapag antay na pakilala ni Renalyn at halos mapunit na ang pisnge nito sa laki ng ngiti ng abotin ni Alexis ang mga palad nitong inilahad.

"Ako naman si Eva." Nakipagkamay din ito kay Alexis.

"Sandra." Tila nahihiya pa,pero halata namang nag papa-cute napailing na lang ako.

"Kinagagalak ko kayong makilala." Nakangiting sagot ni Alexis at hindi ko alam kung totoo ang mga ngiting iyon."Ako si Alexis." Sabay baling nya ng tingin sakin.Naramdaman ko na mang natigilan yong mga kaibigan ko."Ang tunay na asawa ng kaibigan nyo." Saglit pa itong umismid bago muling binalik yong ngiti.Binaling ko na lang ang tingin sa mga kaibigan kong pare-parehas nakanganga ngayon dahil sino ba namang hindi magugulat.

"Umayos kayo." Mahina kong saway sa mga ito.At nakahinga ako ng maluwag ng walang paalam na iniwan kami ni Alexis.

"Panaginip ba ito?" Sabi ni Sandra.

"Uo nga,nanaginip ba tayo?" Sang-ayon ni Renalyn habang si Eva tulala parin.

Isa-isa kong binatukan ang mga ito gamit ang aking kutsara.

"Arayy!" Sabay-sabay nilang hinaing.

"Ano? Gising na kayo?" Sarcastic kong tanong.

"Ang gulo naman kasi bruha,ano ba kasing nangyari?." Reklamo ni Sandra.

Pinatapos ko muna silang kumain at bumalik kami agad saking silid at doon ko nilahad ang lahat.

"Oh'my gosh! Ano ito, telenovela?" Hindi makapaniwalang react ni Renalyn matapos kong mag kwento.

"Sabi kona nga ba hindi mapagkakatiwalaan yang si Alexis--i mean si Alexander.Unang tingin ko pa lang sa taong yan kahina-hinala na." Umandar na naman ang pagiging pulis ni Eva.

"Pero mga bai dili pud nato sure kung mapagkakatiwalaan din itong tunay na Alexis,pano kung may balak sya kay Leen para makapaghigante kay Alexander." Tama si Sandra,sumagi din yon sa isip ko.Baka gamitin lang ako ni Alexis laban sa kapatid nito.

"Anong gagawin ko? Nagugulohan ako, pano ako makakaalis dito? Tulongan nyo naman akong mag isip ng paraan." Tila disperada ng turan ko.

"Makipaghiwalay ka,yon lang ang tanging paraan." Sagot agad ni Eva.

"Korak, annulment lang ang makakatulong sayo." Sang-ayon ni Sandra.

"Naku' wag,sayang naman Ang gwapo kaya ni Alexis na tunay." Malanding sabi ni Renalyn agad naman itong binato ng unan nong dalawang hindi sang-ayon sa sinabi nito."Charrot lang' seryuso nyo naman." Nakasimangot nitong inayos ang buhok na nagulo.Sa ulo kasi ito tinamaan ng unan.

KINAKABAHAN ako at hindi Alam kung itutuloy ko pa ba ang binabalak.Humugot pa ako ng hangin bago muling humarap sa pinto ng silid ni Alexis at ng akmang kakatok ng muli akong naduwag kaya binaba ko ulit ang aking kamay.Paulit-ulit akong nagbuntong hininga bago pikit matang kumatok ng tatlong beses.Nilaro-laro ko pa ang mga daliri habang taimtim na nanalangin bago tuloyang bumukas ang pinto.Pag angat ko ng tingin agad nagtama ang mga mata naming dalawa.Nag-iba ang tahip ng aking dibdib,bumibilis ito lalo hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kakaibang nadarama.

*********

SWEET LIESWhere stories live. Discover now