KABANATA 6

114 9 0
                                    


CATHLEEN'S  {P.O.V}

Parang nakalutang na sya sa kanyang kinauupoan dahil sa subrang kaba at tila mas gusto na lang nyang lumubog at maglaho na ng tuloyan.Isa syang istranghero sa dalawang kasalo sa hapunan.Hindi sya kilala ng mga ito at mas lalong hindi nya kilala ang mga ito.Ngunit minabuti na lang nyang manahimik at pinag patuloy ang pagkain.

Nararamdaman nya ang panaka-nakang sulyap ni Alexis sa kanya na mas lalong nag papadagdag ng kabog ng dibdib nya.

At ng matapos ang hapunan saka lang sya nakalaya sa matinding tensyon sa pananatili nya sa tahanang ito.Lumabas muna sya ng kabahayan at tinahak ang daan patungo sa likod kung nasaan ang malaking swimming pool.Umupo sya sa isang bench doon at natuon ang buong atensyon sa kulay asul na tubig na kumikinang-kinang pa dahil sa ilaw na tumatama roon.Panay ang hugot nya ng hininga at tila nangangapa sa mundong ginagalawan nya.

Gusto nya ng makakausap upang kahit papaano gumaan manlang yong bigat sa dibdib nya.Pero hindi nya magawang tawagan ang mga kaibigan sa pagkat kinuha ni Alexis yong cellphone nya para daw sa kanyang kaligtasan na mas lalo pang nag pag gulo sa kanyang isipan dahil hindi nya alam na nasa panganib pala ang buhay nya, pero anong klaseng panganib naman yon,Wala naman syang natatandaang kaaway sa tanang buhay nya.Pakiramdam nga nya mas nanganganib sya sa poder nito dahil hindi nya ito kilala.Kaya kailangan nyang umiisip ng paraan kung pano makakaalis sa lugar na'to.Nag palinga-linga sya sa paligid at nadismaya lang sya sa taas ng pader na nakapalibot sa buong kabahayan,nakatakas nga sya kay Alexis pero hindi kay kamatayan.

Pinalipas pa nya ang ilang minuto bago nag pasyang pumasok na sa loob at tuloy-tuloy na pumanhik sa taas patungo sa kanyang silid.Ngunit bago sya makarating doon madadaanan nya ang library room at napahinto sya doon ng makitang nakaawang ang pinto.Sumilip sya at nakita nya yong isang kawaksi na tila may inaayos na libro.Kumatok sya upang agawin ang atensyon nito.

"May kailangan po kayo ma'am?" Tanong nito pagtingin sakin.

"Pwedi pumasok?" Paalam nya.

"Pwedi po,kasama nyo naman po ako." Napangiti sya at tuloyan ng pumasok at napadako agad ang mga mata nya sa mga picture na naroroon.

"Sino sya?" Tukoy nya sa isang picture ng batang babae na cute na cute habang nakangiti.

"Si Alexis po." Natigilan sya at natulala.Ilang sandali pa ang lumipas bago naglakbay ulit ang tingin sa iba pang picture na naroroon.Hanggang humantong ako sa picture ni Alexis na bihis lalaki na pero sa tantiya nya maaring mga seven years old palang ang gulang nito sa picture.Napatayu sya ng matuwid ng may isang ideya ang pumasok sa kanyang isip.Marahas na napabaling ang kanyang tingin sa kawaksing tila nagtataka na din sa naging reaction nya."Lesbian po si Alexis,hindi nyo po ba alam?" Gulat na tanong nito at tanging iling lang ang aking naging tugon."Maiwan kona po kayo ma'am, may gagawin pa po ako." Tila na ngangambang paalam nito at agad ng lumabas ng silid.Muling binalik ko ang tingin sa mga larawan.At napansin kong habang lumalaki sya pawala ng pawala Yong mga ngiti nya at muli akong tumigil sa isang litratong hitsura na nya ngayon isa iyong stolen shot.Naka kunot pa ang noo nito na tila nasisilaw sa sinag ng araw habang nililipad pa ng hangin ang maiksing buhok.At hindi man nya aminin ang gwapo ng kuhang yon,para itong modelo.Kaya hindi sya maka paniwalang isa itong lesbian dahil mas malakas pa ang dating nito sa tunay na mga lalaki.Hindi mo mahahalata kung hindi mo malalaman sa pagkat pati boses nya,mga tingin nya ay nakakalinlang.Dahan-dahan syang umatras upang lisanin na ang silid na yon ng bigla syang mapasinghap dahil sa pagtama ng kanyang likod sa matigas na bagay,ngunit na nakonpirma nyang hindi bagay yon dahil sa init na nararamdaman nya mula roon.

"Nagulat ba kita?" Muli syang napasinhap kasabay ng pagtakip ng mga palad sa sariling bibig.Bumulis na naman ang tibok ng kanyang puso na tila may hinahabol na naman ito na hindi nya alam kung ano.

Bahagya syang lumayo dito dahil sa pakiramdam na hindi nya mabigyan ng pangalan na bigla na lang nitong pinukaw sa pagkatao nya.

"I'm sorry k-kung nangahas akong pasokin ang silid na ito." Pinilit nyang itago yong kaba sa dibdib nya.

"It's ok,kahit anong tungkol sakin maari mong pasokin,bukas na bukas ang aking pinto at handa kang tanggapin." Dire-diretsong sagot nito.

Hindi nya maintndihan yong naging sagot nito pero alam nyang may ibig yong ipahiwatig.

"T-thanks, s-sige matutulog na ako. Goodnight." Paalam nya at hindi manlang nag angat ng tingin ngunit napansin nyang tumango ito bago pa sya makalabas.

ALEXIS'S   {P.O.V}

Gulong-gulo ang isip nya ng makabalik ng buhay sa kanyang tahanan.Napag alaman nyang ang stepbrother nya ang may kagagawan ng tangkang pag patay sa kanya wala pa man silang matibay na ebidensya  pero siguradong ito talaga kaya pina-natili nya si Cathleen sa poder nya dahil maaring may alam ito sa lahat,pero nagtaka sya kanina habang tahimik itong pinagmamasdan ng hindi nito namamalayan.Gulat na gulat ito ng mapag alamang lesbian ako,akala ko nag papanggap lang ito ng mga nakaraang araw na hindi ako kilala.Mas lalo tuloy gumulo ang isip ko.

Nakita kona ito sa larawan bago ako umowi dito at hindi ko inaasang mas maganda ito sa personal,yong inosente nyang mukha na tila walang kamuwang-muwang sa mundo.Pero sabi pa nga nila yong inosente ang maraming tinatago.

Kanina habang kausap nya ang nag iimbestiga ng kaso napadungaw sya sa bintana ng kanyang silid dahilan upang mahagip ng kanyang tingin si Cathleen na nakaupo sa isang bench at tila malalim ang iniisip habang nakatuon sa swimming pool ang mga mata.Halata ang lungkot sa bawat pag buntong hininga nito.At tila may tumutulak sa kanyang puntahan ito.Tinapos na muna nya ang pakikipag-usap sa phone at lumabas na ng silid.Palampas na sya sa pinto ng library ng makitang bukas iyon at narinig nya ang pag uusap ng mapadako ang paningin ng kawaksi sa kanya sinenyasan nya itong wag maingay,at nag paalam naman agad ito Kay Cathleen.Tahimik syang pumasok at palihim na pinagmasdan ang mga kilos ng taong naiwan.Manghang-mangha ito at tila hindi maka paniwala habang patuloy ang pagsuri saking mga larawan.At nagtaka sya ng huminto ito sa isa nyang litratong kuha ni Sam isa sa mga kaibigan nya,hindi nya alam yon kasi sa totoo lang hindi talaga sya mahilig sa camera.Pinag katuwaan lang sya ng barkada.At ng isang araw na bumisita sila dito dala nila yon at walang paalam na nilagay doon,hinayaan kona lang.

Napatayo ako ng tuwid ng dahan-dahang umatras si Cathleen at Alam ko ng tatama ito sakin,pero Hindi ako umiwas bagkus ginawa ko talagang panangga ang aking katawan dahil kung hindi tatama ang likod nito sa pinto.

Wala na ito,pero naiwan sa ilong ko yong amoy nya ng hindi sinasadyang madikit ang katawan nya sakin kanina.

Sinadya mo Kaya..

Hindi man nya aminin may kakaiba syang naramdaman sa tagpong iyon.
Napailing na lang sya at lumabas narin matapos isara ang pinto.

Mula ng aking masilayan,
Tinatanglay mong kagandahan,
Dina maawat ang pusong,
Sayo ay mag Mahal..

Laman ka ng puso't isipan,
Dina Kita maiiwasan,
Pag ibig ko sana ay pagbigyan..

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa,
Kahit na alam Kona ang puso mo ay may Mahal na ngang iba..🎶🎶🎶

BAKIT BA IKAW by Michael Pangilinan

SWEET LIESWhere stories live. Discover now