KABANATA 8

66 11 0
                                    

CATHLEEN'S  {P.O.V}

KINAKABAHAN ako at hindi Alam kung itutuloy ko pa ba ang binabalak.Humugot pa ako ng hangin bago muling humarap sa pinto ng silid ni Alexis at ng akmang kakatok ako muli akong naduwag kaya binaba ko ulit ang aking kamay.Paulit-ulit akong nagbuntong hininga bago pikit matang kumatok ng tatlong beses.Nilaro-laro ko pa ang mga daliri habang taimtim na nanalangin bago tuloyang bumukas ang pinto.Pag angat ko ng tingin agad nagtama ang mga mata naming dalawa.Nag-iba ang tahip ng aking dibdib,bumibilis ito lalo hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kakaibang nadarama.

"May kailangan ka?" Bigla akong nabalik sa wisyo ng magsalita ito.

"P-pwedi ka bang makausap?" Tanong ko sabay iwas ng tingin.

"Pasok ka." Iniwang nito ng malaki ang pinto.Natigilan naman ako at nag alangang pumasok."Pwedi rin dito muna rin sabihin." Tila naramdaman nito na ayaw kong pumasok.Napalingon-lingon naman ako sa paligid wala naman tao kaya siguro pwedi konang sabihin dito.Tumingin muna ulit ako sa mga mata nito bago humugot ng lakas ng loob.

"Ahmm.." Hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang nais ko.Binaling ko muna ulit ang paningin sa iba tapos muling binalik din dito.Nakataas na ang isang kilay nito at tila naiinip na."G-gusto ko sanang.. Kasi ano,ganito kasi yon--hindi ko alam ang... Hayst'." Napakagat ako sa labi at napapikit ng mariin."Gusto ko ng annulment." Mabilisan kong sabi at napasigaw ako ng bigla nya akong hilahin papasok ng kanyang silid at sinandal ako sa likod ng pinto matapos maisara iyon.Nakataas ang dalawang kamay nito sa magkabila side ko,dahilan upang kumabog ng malakas ang aking dibdib at halos naririnig kona yon.

"Anong sabi mo?" Mariin nyang tanong at diretsong nakatingin sakin.Napangiwi naman ako at hindi makatingin dito.Nanginginig na yong mga kamay kong syang nagsisilbing pagitan ng aming mga katawan.At hindi ko rin maiwasang pag pawisan dahil sa kaalamang subrang lapit namin sa isa't-isa.

"P-pweding,d-distansya ka... muna?" Kabadong sabi ko.

"No." Marahas nitong sagot.Nanlaki naman ang mga mata ko at nanginginig narin yong mga tuhod ko,dahil nawawalan na ako ng lakas sa subrang bilis ng tibok ng aking puso.

"H-hindi n-na ako makahinga." Nahihirapan ng sabi ko.At muli lang akong napasigaw ng buhatin ako nito patungo sa kanyang kama at paupo akong binaba roon."Ano ba?!" Hinampas ko ito sa braso dahil naiinis na ako."Mamatay ako sayo ng maaga,ang hilig mong mang bigla." Napalitan na talaga ng inis yong kaba ko kanina.Nakahalukipkip lang itong tumayo saking harapan at seryusong tumingin sakin.

"Ok na? Maari kona bang marinig kung ano yong sinasabi mo?" Bali walang tanong nito.

"Bingi ka ba? Sabi ko gusto ko ng annulment,gusto kong makipaghiwalay,at tuloyang---"

"Tumakas?" Pagsalo nito dahilan upang matigilan ako.

"T-tumakas? Saan? Ano ako krimi---" huminto muna ako saglit at marahas na napatayu."Wag mong sabihing pinagbibintangan mo akong..." Hindi ko magawang taposin yong sinasabi ko,napapikit ako ng mariin upang kalmahin ang sarili para hindi tuloyang mabuhay ang galit na pinipigilan ko."Para malaman mo,hindi kita kilala at unang-una ngayon lang kita nakita sa tanang buhay ko." Mariin ang pagkakasabi ko ng mga yon.

"Hindi manlang ako na banggit ng kapatid ko sayo?" Halatang hindi ito naniniwala.

"Hindi." Agarang sagot ko at sinalubong ang mga tingin nito.Bigla itong ngumisi.

"Bakit ngayon mo lang naiisip ang annulment? Payo ba yan ng mga kaibigan mo? Buti pa sila agad naisip yon." Tila nang-uuyam na turan nito. "pano na lang kung hindi ko pala sila pinapunta dito ibig sabihin ba hindi mo parin maiisip ang gagawin?" Tumaas ng bahagya ang gilid ng labi nito.

"Wala kang alam sa totoo kong nararamdaman.Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit ako humantong sa sitwasyong ito.Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan dahil sa ginawa ng kapatid mo,at hindi mo rin alam kung ilang ulit ng pumasok sa isip kong talunin yang mataas nyong bakod makalayo lang sa lugar na'to lalong-lalo na sayo!!!" Bulyaw ko rito at halos kapusin na ako ng hininga."Sa tingin mo? Gusto kong manatili dito? Ni hindi ko nga kayo kilala,daig ko pa ang nasa gitna ng malaking apoy na hindi alam kung kailan matutupok ng tuloyan." Mabilis akong humakbang patungo sa pinto pero nanatili lang akong nakatayu roon."Sa maniwala ka o hindi wala akong kinalaman sa nangyari sayo,ang mali ko lang agad akong nagtiwala sa kapatid mong ni hinliliit ng daliri hindi ko pa pala kilala." Saad ko bago binuksan yong pinto."Sana ibigay mo yong gusto ko,dahil ayukong makulong sa magulo nyong mundo.Gusto kong maging masaya." Hindi kona maiwasang mapaluha."Gusto kong mabuhay ng tahimik." Pinahid ko ng palihim ang mga luha ko."K-kaya please.. p-pakawalan muna ako." Yon ang mga katagang binitawan ko bago ako tuloyang lumabas.

********

SWEET LIESWhere stories live. Discover now