1

4.6K 68 12
                                    

Kabanata 1

Memories

"Shit"

Agad na sabi niya sa matinding pananakit ng ulo. Agad niyang dinilat ang kaniyang mata at tiningnan ang paligid. Naramdaman niyang may mabigat sa kaniyang palad. Yuon ay ang kaniyang ama.

Agad na naramdaman ng kaniyang ama ang paggalawa niya.

"C-Cresia? Gising kana anak!" Tuwang tuwa na naiiyak ang kaniyang ama.

"Yes dad, medyo masakit ang ulo ko. Anong nangyari kagabi?" Tanong niya.

"Kagabi? Anak? Mahigit 5 taon kanang natutulog. Na Comatose ka, nakalimutan mo na ba nangyari nuon?"

Agad siyang nagulat at napatingin sa repleksyon sa salamin na nakita niya sa gilid ng drawer.

Naaalala niya parin ang lahat, pero hindi niya alam na nakatulog siya ng 5 taon.

Ibang iba na ang kanyang mukha, hindi na mukhang walang kamuwang muwang ang kaniyang mukha. Lalo siyang gumanda at nag iba ang hugis at mas lalong pumorma ang kaniyang mukha.

"30 na ako ngayon?" Naalala niya dahil limang taon siyang na Comatose sa hindi malamang dahilan.

"Teka anak tatawag lang ako ng doctor" sabi ng papa niya at lumabas na.

Napatingin siya sa Bintana, nakita niya ang labas. Wala sila sa Pilipinas, nasa ibang bansa sila alam niya dahil ibang iba ito.

Biglang sumakit ang ulo niya.

"Cresia!!" Sigaw ng isang babae

Nakita niyang niyakap ng lalaki ang babae, tila pinoprotektahan kapalit ang buhay nito na minsan hindi niya naramdaman kahit siya ang dapat protektahan.

Agad na kumirot ang kaniyang puso, kitang kita niya kung paano nag aalala ang lalaki sa babaeng nakahiling sa kaniyang matitipunong braso nito.

"Gino.."
Naalala niya ang lalaki.

Pagtapos nun ay agad na bumagal ang oras habang nakatingin lang siya sa dalawa bigla siyang nakarinig ng isang putok ng baril.

Naramdaman niya nalang ito sa kaniyang gilid ng nuo, dahilan ng kaniyang pagbagsak.

"Anak! Ayos ka lang?!"
Naalala niya ang mapait na ala ala tila gusto niya ng kalimutan.

Bakit hindi siya nag ka amnesia? Bakit naalala niya parin iyong gagong lalaking iyon pagtapos ng mahigit 5 taon niyang pag tulog

"Ms, Drink this and later it will calm you after that we will going on our procedure" tinanggap ng ama niya ang binigay ng doctor.

Hindi parin mawala sa isip niya si Gino, masakit pa rin pala.

Tila may sakit kaya siya sa puso? O mas matinding dahilan pa?

"Pa, sino si Gino?" Biglaang niyang pagtanong kahit kilala niya ito.

"Iyon? Iyong gagong yon? Walang kwenta yun! Siya ang dahilan kung bakit ka nag ka ganito ngayon"

"Sabi na nga ba" sabi sa loob ng isi
Hindi nalang siya makagasagot dahil unti unti siyang inaantok dahil siguro sa ininom niyang gamot.

Paggising niya narinig niya ang ama niyang seryosong may kinakausap sa laptop, baka yuon ay kaniyang ka sosyo sa kompanya.

Pero nawala iyon sa kaniyang pag iisip ng may narinig siyang pamilyar na babae. Hindi niya ito malilimutan isa ito sa mahal niyang kaibigan.

"Pa si Andra ba yan?"
Gulat na napa baling ang kaniyang ama sa kaniyang sinabi.

Mali ang nagawa niya dahil ang alam ng papa niya ay hindi siya makaalala.

"Nakikita ko po siya sa panaginip ko" sabi nalang niya

"O-oo eto kausapin mo" sabay higa ng laptop sa kaniyang hita habang siya ay nakahiga.

Nakita niya si Andra, malaki na ang pinag bago nito mas lalo rin siyang gumanda. Ibang iba sa dati niyang kaibigan

"H-hi Cresia, naalala mo pa ba ako?" Ngiti ng dalaga

Tumingin muna siya sa kaniyang ama senyales na kailangan niya muna mapag isa nung nakuha ng papa niya ay ngitian niya at nagpasalamat

"Syempre ikaw lang naman ang kaibigan ko noh!"

"A-akala k---" ng malaman niya kung ako nas isip ng dalaga ay sumagot agad siya

"Hindi, wala akong amnesia, Andra pwede bang tayo tayo lang muna makaka alam? Ikaw at ako?" Sabi niya na nakatingin sa dalagang tulala

"Bakit?"

"Alam mo bang gustong gusto kong malimutan ang nangyari nuon? Kitang kita mo kung paano ako bumagsak ng walang sumalo" napangiti siya ng mapait

Hindi nakasagot ang dalaga

"Kilala mo naman kung sino ang dahilan bakit ako narito diba? Gusto ko siyang kalimutan? Gusto kong kalimutan lahat. Nagtataka lang ako bakit hindi ako nawalan ng ala-ala. Mas gusto ko pang mawalan ng ala ala kesa sa maalala ko lang yun taong mahal ko na hindi ako na protektahan, kasi may hawak na siyang iba." Seryosong sabi niya habang hinihimas niya ang kaniyang gilid ng noo, kung saan tumama ang bala.

"Hindi niya sinadya iyon Cresia, anduon din si Heather paano si Heather?"

Pagak siyang natawa

Heather...

"Oo nga naman, paano ang sekretary mo noh? Naalala ko siya pala ang mahal hindi ako. Kahit pala anong ibayad mo sa tao para protektahan ka mas propotekhan nila ang kanilang mahal"

"Kamusta kana Cresia?"

Napabaling siya sa kaniyang katawan

"Eto baldado"

Baldado siya dahil sa kaniyang tagal sa pagtulog hindi niya nagagalaw ang kaniyang katawan kaya kailangan pa ng matinding theraphy sa kaniyang katawan

"Cresia alam mo bang sobrang saya ko at nakakausap pa kita? Akala ko hindi na kita makikita dahil napaka imposibleng mabuhay ka, wag mo sanang mamasamain pero malapit na siya sa utak mo ang bala. Masaya ako ng makita ka ulit sana sa susunod makita nakita mismo dito sa pilipinas at makita ang mga inaanak mo"

Kitang kita niya ang saya sa mata ng kausap niya.

Napaisip din siya, imposible rin mabuhay sa ganitong sitwasyon siguro dahil dito maganda ang teknolohiya at magagaling an doktor

"Inaanak?" Napatanong siya

Kinuwento sakanya ng dalaga ang lahat lahat may anak na sila na Kajik, masaya na silang namumuhay. Wala na rin siyang balita kay Heather, miski sa taong hindi maalis sa isip niya ay 5 taon din hindi nag papakita.

Siguro ay nagsama na sila ng babaeng iyon.

Agad na nag init at kumirot ang kaniyang dibdib sa di malamang dahilan.

Galit at poot ang meron siya wala ng iba.

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon