1 | Kilig

410 38 7
                                    

Kinikilig ako.

Kinikilig ako hindi dahil may boyfriend ako o dahil may ka-talking stage ako.
Kinikilig ako hindi dahil pinapansin ako ng crush ko.
Kinikilig ako hindi dahil pinupuri ako ng ibang tao.

Kinikilig ako kasi may Jesus ako.

Sobrang nakakakilig kaya ang love ni Lord. Alam mo ba, merong isang verse sa Bible na isinulat ni Paul. Ang sabi don, "may you have the power to understand, as all God's people should, how wide, how long, how high, and how deep his love is."

Prayer ito ni Paul sa church of Ephesus. Kahit hindi naman ako taga Ephesus, nadamay ako sa prayer na ito ni Paul. Because of this verse, I make it a goal na araw-araw, maranasan ko pa 'yung pagmamahal ni Lord on a deeper level.

Kasi honestly, kahit matagal na akong Kristyano, dapat hindi "naluluma" sa akin ang kwento ng Cross. Kasi dahil sa storyang iyon kaya ako narito, nakakapaglingkod.

Sobrang nakakakilig ang ginawa ni Jesus para sa akin.

Sobrang nakakakilig na minsan bigla-bigla na lang ako mamamangha na, "Halah oo nga noh? Two thousand years ago, may Diyos na nagkatawang tao at namatay para lang mailigtas ako?"

Sobrang nakakakilig na minsan, bigla-bigla na lang ako mapapaluha sa sukdulang biyayang nararanasan ko buhat ng ginawa Niya.

Sobrang nakakakilig na minsan, nadudurog ang puso ko dahil may ibang mga taong kayang ipagpalit si Jesus sa panandaliang kilig na nakukuha nila sa mundo.

At alam mo ba kung bakit ako kinikilig kay Jesus?

Kasi 'yung pagmamahal Niya sobrang lawak.
'Yung pagmamahal Niya, sobrang haba.
'Yung pagmamahal Niya, sobrang taas.
'Yung pagmamahal Niya, sobrang lalim.
'Yung pagmamahal Niya, walang kapantay!

Kaya panalangin ko na sana makuha ito ng mga kabataan ngayon.

Iyong kilig na nararanasan natin sa ibang bagay o ibang tao, hindi sapat iyon para punan ang emptiness sa puso natin. Hindi sapat iyon para masabi natin na sa wakas okay na tayo at masaya na tayo. Kasi ang pagmamahal na nakukukuha natin sa iba, limitado lang, panadalian lang, at minsan, wala pang kasiguraduhan.

Pero ang pagmamahal na binibigay ni Jesus, walang hanggan!

💞


Facebook Page: SoulWinner Stories
IG & Twitter: SoulWinnerWP
Hashtag: #MilkTeaWithJesus

Milk Tea With JesusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora