Alliance

1.2K 36 0
                                    

Ayu

"May sekretong lugar ka ba dito?"

"Oo dito"

Sinundan ko siya.

Nang nandun na kami ay kaagad ko naman silang itinago.

"Dito lang kayo, wag na wag kayong aalis. Kapag may nakapasok dito alamin niyo kung sino siya at kung masamang tao ba siya. Naiintindihan niyo?"

"Opo!"

"Babalik ako, pangako iyan"

I hug them and kissed there forehead.

"Soo Young bantayan mo sila."

"Opo, binibini"

Sumalabong naman samin si Hae Jae na nag pa panic na.

Isinirado ko na ito at lumabas muli. May pumasok naman na mga sundalong may dala dalang espada. Hindi naman namin makita ang mukha nila dahil may nakatakip.

"Mga hangal! Bakit kayo pumasok na may dalang espada?" Galit na sabi ko.

Pero para lamang wala silang nadinig at patuloy lang lumalapit sa amin.

"Kamahalan, kinakailangan ninyong makatakas dito."

"Pero papaano ka?"

"Wag po kayong mag alala, makakatakas at makakatakas tayo dito"

Pansin ko lang bakit hindi sila mga royal guards?

"Alam kong hindi kayo mga sundalo dito. Ang pakay ba ninyo ay patayin ang hari?"

"Umalis ka na binibini bago ka din mamatay"

"Magkamatayan muna tayo kung nagkataon"

"Hindi mo na ba mahal ang buhay mo?"

"Sino ba kayo?"

"Aangkinin naming muli ang kahariang ito!"

Anong ibig niyang sabihin?

"Walang kinalaman ang hari dito! Bakit niyo siya papatayin?"

"Kapag patay na siya ay saka kami magtatagumpay"

Tumawa naman ako.

"Ano bang ginagawa mo?" Hans

"Alam niyo bang buhay pa ang reyna?"

Natigilan naman sila.

"Sinong reyna ang tinutukoy mo?"

"Siri"

"Ano? Hindi kami maniniwala sa iyo!"

"At alam niyo din ba na buhay pa ang kanyang mga anak?"

"Imposibleng mangyari iyon!"

"Papaano kung may proweba ako?"

"A-anong proweba?"

Kinuha ko ang singsing na ginawa kong kwentas at inihagis sa kanila. Kinuha niya ito at gulat dahil sa nakita.

"Saan mo nakuha ito?"

"Siyempre sa reyna"

"Imposible! Si Ayu lamang ang binigyan niya nang ganito!"

"Iyon na nga! Ako nga si Ayu!"

"Ano?! Imposible!"

"Walang imposible sa mundo"

"Hindi ikaw ang prinsesa!"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon