Help

1.2K 35 0
                                    

Ayu/Wol

"Ayu! Ayu! Ayu!"

Tawag nang isang lalaki sa akin. Nang malapit na siya ay hindi ko makita ang mukha nang lalaki. Bakit parang alam ko na kung sino siya na hindi?.

Ang gulo ko din no?

Nagising naman ako.

Ayu? pero sinong Ayu? ako si Wol hindi ba?...

Ako si Wol, ako si Wol.

"Seohwa!"

Kaagad naman siyang pumasok.

"Ano po iyon binibini?"

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Bilin po kasi nang inyong ama na bantayan kayong maigi, binibini"

"Ganun ba? eh di matulog ka nalang sa tabi ko. Ayos ba?"

"Talaga po binibini?"

"Oo naman, halika na para makatulog na din ako. May napanaginipan kasi ako"

"Ano naman pong klaseng panaginip binibini?"

"Hindi ko alam kung sino siya pero tinatawag niya ako sa pangalang Ayu"

"Ayu po?"

"Hmm. Nadinig mo ba ang pangalang iyon Seohwa?"

"Hindi po binibini. Pero nang nakarating kayo dito may singsing kayo na may nakaukit na letra pero hindi po iyon buo parang may pares po ito"

"Singsing? kung ganun nasaan na ang singsing"

"Hindi ko po alam binibini, baka po nasa ina niyo"

"Baka nga. Matulog na nga tayo"

Humiga na nga kami...

****************

Hans

Nakahiga ako ngayon at iniisip na naman si Ayu, tinignan ko naman ang singsing na nasa kamay ko. Naalala ko naman nang ibinigay niya ito sa akin.

Flashback

"Ayu, anong ginagawa mo?"

"Hinahanap ang singsing ko"

Sabi niya at nagpatuloy sa paghahanap.

"Singsing?"

"Opo kinakailangan kong makita iyon para maibigay ko sa inyo ang isa"

"Ibibigay mo sa akin ang isa? Bakit naman?"

"Nahanap ko na!"

Tumayo siya at ipinakita sa akin ang dalawang singsing at may nakaukit dito, pero hindi ko alam kung ano dahil ibang iba ang sulat na nakikita ko.

"Anong nakasulat diyan Ayu?"

"Pangalan ninyo at pangalan ko"

"Talaga? papaano mo naman nagawa na lagyan nang pangalan ang singsing?"

"Hindi po ako ang gumawa nang singsing. Ako lang po ang umukit sa pangalan natin"

"Bakit mo naman ito ibibigay sa akin?"

"Para po hindi ninyo ako makakalimutan kapag nasa Yuan na po kayo kamahalan"

"Papaano naman kita makakalimutan Ayu kung ikaw ba ang naging kaibigan, tagabantay, at tagapayo ko"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon