Chae Ree Knows

1.1K 32 0
                                    

Yoo

Nasaan na ba kasi si Ayu? Magpakita ka na sa akin Ayu...

"Kamahalan, hindi niya gustong magpakita sa atin at isa lang ang ibig sabihin nun. Gusto niyang mapag isa"

Kanina pa talaga to eh, napipikon na ako sa kanya at hindi ko alam. Nakita ko naman si Heneral Soo Ha matanong ko nga.

"Kamahalan"

"Heneral, nakita mo ba si Binibining Wol?" Ryung

Naunahan na naman ako.

"Oo kanina, pumunta ako sa silid niya, bakit wala na ba siya doon?"

Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?

"Wala na" Ryung

"Wala ka bang sinabi sa kanya?" Kaagad kong tanong

"Wala naman... nananaginip siya kaya ginising ko siya"

"Hindi ba siya nagtanong sa'yo?"

"Yun nga ang itatanong ko sa'yo. Bakit hindi niya ako maalala?"

Hindi na ako nagsalita.

"Alam ko na alam mo na siya nga iyon pero bakit hindi mo sinasabi sa kanya?"

"Hindi na niya dapat malaman iyon"

Ngumiti naman siya.

"Ito lang ang masasabi ko sa iyo, darating din ang panahon na hindi na natin siya maalala"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Bahala ka nang mag isip kong ano iyon"

Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Anong ibig sabihin?" Ryung

"Iyan din ang tanong ko"

Natahimik naman kaming pareho.

**********

Ayu/Wol

Babasahin ko ba ito? Pero bakit parang kinakabahan yata ako?

Mamaya ko nalang babasahin to, babalik muna ako sa silid ko.

Lumabas na nga ako. Malapit na pala mag umaga, ni hindi man lang ako natulog.

Lalabas na sana ako nang may nadinig akong nag uusap.

"Kinakailangan mo iyong makita at sunugin, hindi nila dapat malaman na totoo ang usap usapan dito sa palasyo. Kapag nagkataon man na may makakuha sa libro ay tayo ang mananagot. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo ama"

Teka, si Choi Fang iyon at Kuya Yon ah. Ano naman kaya ang usap usapan dito? Aalamin ko mamaya.

Nang wala na sila ay lumabas na nga ako...

Sana naman hindi nila ako makita. Babalik na sana ako pero nagutom ako kaya pumunta ako sa kusina.

Nang makita nila ako ay yumuko naman silang lahat.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Nakakahiya mang sabihin to pero pwede ba akong magpakuha nang pagkain?"

Tumawa naman silang lahat.

"Masusunod po binibini, bumalik ka nalang po sa inyong silid, dadalhan ka nalang namin nang pagkain" sabi nang isa.

"Hindi na, dito nalang ako. Nakakabagot naman kasi doon, dito nalang ako at titignan ko kung ano ang mga pagkain na lulutuin ninyo. Pwede lang ba?"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon