Brother

1.1K 30 0
                                    

Ayu/Wol

"Ryung?"

Lumapit pa siya sa amin. Nagtaka naman siya nang sinabi ko ang pangalan na Ryung.

"Nyang, sino ba siya?"

Teka!.. hindi niya ako kilala? Pero bakit? Siya si Ryung hindi ba?

Saan ko ba nadinig ang pangalang Nyang?.

"Ginoo, sino po ba kayo?"

"Ako po si Wol"

"Ginoong Wol ito po ang anak ko si Hyung Suk"

Hyung Suk? Bakit sila pareha nang mukha?.

"Hyung Suk? Matanong ko lang ginang may kapatid ba siya?"

Nabigla naman siya...

"B-bakit? Bakit mo natanong?"

"May kakilala kasi akong Ryung at pareha sila nang mukha"

"A-ano?. Saan mo naman siya nakilala?"

"Patawad ginang pero umuwi muna kayo, kapag maaraw na ay saka ko sasabihin. Puyat na puyat po kayo at dapat pong gamutin ang sugat ninyo. Kinakailangan niyo ding magpahinga"

Ngumiti naman siya sa akin.

"Alam mo para kang si Ayu, ganyang ganyan din siya kong makapagsalita sa akin"

Ngumiti nalang din ako.

"Nyang, sino na naman ba ang may gawa niyan?" Hyung Suk

"Hay naku! Ang dami mo talagang sinasabi. Bumalik na tayo sa bahay, dalhin mo na ang kapatid mo alam kong gusto na niyang matulog"

Napatingin naman ako sa bata na nakatingin lang sa akin. Pansin ko lang kanina pa siya hindi kumikibo. Ngumiti ako sa bata pero wala man lang siyang reaksyon.

Kinarga siya ni Hyung Suk.

"Ginoong Wol, saan po ba kayo pupunta?"

"Maghahanap pa po ako Ginang"

"Kung ganun, doon ka muna sa bahay namin"

"Naku! Wag na po, nakakahiya naman"

"Wag kang mahiya, bayad ko nalang iyon para sa pagligtas mo sa akin kanina"

"Sige na nga po, makakatipid pa ako"

Tumawa naman siya. Nagsimula na nga kaming lumakad.

Pero hindi ba talaga siya si Ryung? Muli ko siyang tinignan. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Hindi mo malalaman na hindi pala siya si Ryung sa isang tingin.

Baka naman magkapatid sila?.

Nang makarating na kami ay namangha naman ako sa laki nang bahay.

Kung malaki ang bahay nila ibig sabihin mayaman sila. Pero bakit nagpabugbug lang siya kanina?.

Nang makita siya nang mga alipin ay kaagad naman silang kumilos. Pinapasok siya sa kwarto at inihatid ako sa kwarto na gagamitin ko.

Umupo na ako nang nakapasok na ako.

Ano ang susunod kong gagawin?

Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

***********

Ryung

Nang makarating kami sa palasyo ay kaagad naman kaming inasikaso at pinatuloy sa isang bahay.

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon