"Yes i get it hon! I am yours as long as you are mine diba? Just calm down! Baka namali lang yun diba? Or baka galing sa katrabaho ko" kung ano ano na ang sinasabi ko sa kanya para kumalma nalang.

Isa din to sa problema ko kay marco.

He has anger issues, madali siyang magselos at magalit kapag may lalaking lalapit o makikisalamuha sa akin. It is creepy at first pero natutunan ko nalang tanggapin yun.

Mahal ko si marco, i still love him even if he has flaws. Well nobody's perfect, and i know that someday he'll improve himself.

Naalala ko pa noong bata kami, may crush akong ka klase ko, well pati si marco crush ko na noon, im in high school back then kaya normal na magka crush ng madami hahaha.

Nasabi ko kay marco na crush ko yung kaklase ko na yun, his name is raphael,

At kinabukasan nagulat ako nang makita ko binu bully na siya ng grupo nila marco.

Yes, marco is a bully back then. Ilag sa kanya ang lahat ng nasa school.

Malaking tao kasi kaya kinatatakutan.

Ako lang naman ang talagang pabalang kung sumagot sa kanya noon.

At mula bata kami naaalala ko pa na lagi niya akong inihihiwalay sa mga kaklase at kalaro ko noon.

Gusto niya kami lang laging dalawa ang magkasama.

Simula noon niligawan ako ni marco, kasabay nun ay ang pambubully niya sa mga nagiging ka close kong lalaki.

Nasanay nalang din naman ako sa kanya. Ang usapan namin noon, hindi na siya mananakit pero hindi na ako lalapit sa mga lalaki sa school.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni marco ng magsuot ako tsinelas kong panlabas.

"Sa baba, kukunin ko yung package" sabi ko

"I'll go with you" iritang sabi nito saka ako inakbayan palabas ng unit niya.

Madilim pa din ang anyo nito at hapit na hapit niya ako.

"Bakit ba hindi ka nag robe hon? Nakaka inis naman to!" Naka simangot na sabi niya

Napa tingin ako sa reflection ng pinto ng elevator.

Naka sando at short lang ako, presentable naman at hindi ka bastos bastos na tingnan to ah?

"Mahaba naman yung short ko hon! Ano ka ba naman" yumakap nalang ako sa bewang niya.

Ewan ko dito sa lalaking to at napaka strikto, gusto ko naman kadalasan pero minsan naman sumusobra na rin siya na siyang nagiging dahilan ng mga away naming dalawa.

Nakababa na kami at papuntang lobby ng halikan ako ng marco sa labi.

"I love you" out of the blue na sabi nito

"May gagawin ka no?" Nag hihinalang sabi ko

Ngumisi lang ito sa akin sabay akbay na naman at tumloy na kami.

Hindi ko din maintindihan ang ugali ng taong to jusko! Daig pa ako pag may dalaw!

"Hi mam! Good afternoon po! Ito po yung package" sabi nang receptionist ng makita ako.
May flowers doon at may isang box.
I smiled at her.

"Salamat, kanino galing to?" Tanong ko

"Uhh, sorry po mam hindi po sinabi eh, pero may note daw po dyan sa loob ng box makikita niyo daw po yung pangalan ng nagpadala niyan" she smiled

I smiled back

"Lalaki ba yung nagbigay?" Napalingon ako kay marco

"Yes po sir, lalaki po" the receptionist said

Marco Buenavista Where stories live. Discover now