Ayun lumabas si Mica para bumili ng mga curls, namili naman kami ni Britney ng panonoorin. Kahit papano napapagaan ng dalawang ‘to ang bigat na nararamdaman ko.
Bzzzzzzzzt bzzzzzzzzzzzt
Napatingin ako agad sa phone ko
Black Calling………..
Bzzzzzzzzt bzzzzzzzzzzzt
Bzzzzzzzzt bzzzzzzzzzzzt
“Oh ayaw mo bang sagutin yan?” napatingin naman ako kay Britney
“Hindi muna, ayoko pang kausapin si Black” mahina kong sabi
“CC naman, kausapin mo na yung tao!”
“Ayoko Brit at baka lumala lang ang problema! Mas mabuti pang wag nalang kami magkita” nanghihina kong sabi
“Girl naman, hindi yun ang paraan! Mas mabuti pang kausapin mo nalang siya!” sabay ngiti niya ng malungkot
“Saka nalang kapag kaya ko na!”
Napabuntong-hininga nalang si Britney at naghanap nalang ulit kami ng panonooring movie.
Ilang araw naring tumatawag si Black, simula pa nung party pero hindi ko siya kinakausap dahil hindi ko kaya! Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung sinabi niya sa lahat ang pagmamahalan namin, matutuwa ba ako o matatakot? Halo-halo ang mga nararamdaman ko, tuwa, takot, inis at awa.
Kaya naman napag-isipan kong hindi muna siya kakausapin, si Ken naman ay wala dito. Nasa ibang bansa dahil nagkasakit ang kanyang lola kaya siya ang gusto nitong magbantay sa kanya. Nagpaalam naman siya pero nagdadalawang isip kung pupunta ba o hindi. Pero sa huli at sa pagmimilit ko ay umalis siya, mas kailangan siya ng lola niya kesa sakin pero lagi naman siya tumatawag kaya napapagaan niya din ang loob ko.
Bzzzzzzzzzzzt Bzzzzzzzzzzzzt
Napatingin ako ulit sa phone ko
Mama calling………..
Kaya naman sinagot ko ‘to agad, isa din si Mama sa sobrang nag-alala sakin.
“Oh ma napatawag ka?”
“Anak okay ka lang ba jan? Nanjan pa ba sina Britney at Mica?”
“Opo bakit po ma?”
“Anak baka hindi muna ako makakauwi ng ilang araw dahil sa trabaho ko, naipadala ako sa Davao dahil sa mga designs ko” sabi ni Mama
“Talaga ma? Wow naman, congrats ma! Sige sige po, okay naman po ako dito eh!”
“Si MJ pala ay na kay Tita Rian mo kasi ayaw pang ibalik haha!”
“Talagang si Tita Rian, sige po ma!”
“Mag-iingat ka jan anak ha, tumawag ka kapag may kailangan ka!”
“Opo ma, ingat ka din don. I love you ma!”
“Love you anak!” sabay end ng call
VOUS LISEZ
BOOK 2: Our story as Cousins? [Kathniel]
Roman pour Adolescents[BOOK 2 COMPLETED. NO SOFT COPIES] The continuation of CC and BLACK's story as cousins. Please bear with grammar errors :) Thanks! For the book cover, credits to the owner.
Twenty Seven
Depuis le début