Chapter 5

2 0 0
                                    

Jayden's POV

I woke up very early for my Examination day. Pero mukhang nasobrahan ata ako ng aga. 45 minutes before exam nasa school na ko. Halos wala pang katao tao kaya pinili ko munang umupo sa isang bench. Tama nga ata ang mga kaibigan ko, tuluyan na kong naging nerd.

I prepared a lot for this day. Kung kagaya ako ng mga nakaraan na exam, malamang nasa bahay pa 'ko. Nagcracramming tapos malalate.

To ease my boredom, I open my messenger. Kahit ata sa social media naging inactive ako dahil sa pagrereview ko. Bumungad sakin ang maingay na gc at iilang chat ng kaibigan.

Una kong binuksan yung kay Leo.

Leo: Goodluck pare. Alam kong magiging cum laude ka *insert cactus*

Hindi ko nireplyan pero nireactan ko ng angry ang chat niya.

Halos ganon din ang chat ng iba. Puro kagaguhan at kalokohan. Hindi ko nireplyan lahat. Mautas sila dyan.

Next is our group chat

The Boyxxxzz

Jerry: Sino wala pa sa school? Pasabay ako.

LJ: Anong isasabay?

Jerry: Tanga. Malamang papasok ng school. Sasabay ako.

Jellyace: Dadaanan na lang kita.

Jerry: Yown. May nasa school na ba?

Me: Me.

Jerry: Luh? Ang aga pa ah

Leo: Taena. Tuluyan na siyang naging nerd.

Me: ./.

James: hahahahahaha

Leo changed your nickname to Nerdzz

Napakunot ang noo ko sa bago kong nickname. Ang corny.

Bryan: Nakakanibago ka pre. Aral na aral ah.

Me: Ngayong linggo lang 'to

Leo: Magulat na lang kayo may tropa na tayong suma cumlaude

LJ: Tularan na yan!

Joe: Mahina sa basketball, magaling sa acads. Nayss

At bago pa man ako makabasa ng kung-ano anong pang-aasar, pinatay ko na ang phone ko at nagsimulang maglakad papuntang examination room ko.

"Hintayin mo'ko dun ah. Wag kang mauunang umuwi"

Napaangat ang tingin ko sa pamilyar na boses na narinig. Right. Yung mag-ate nga sa library.

"Yeah. Basta bilisan mo ate ah"

"Oo. Go. Baka late ka na." At naglakad nang palayo yung batang makulit.

Doon ko lang napansin na huminto ako sa paglalakad para lang makinig sa kanila kaya nagpatuloy ako.

What's her name again? Naru? How about her sister?

Jane's POV

My exams finished smoothly. Surely, I will pass but ofcourse, I'm hoping for the high scores. Eto yung mahirap kapag sa umpisa pa lang mataas na ang grade. Lagi may expectation na dapat sa susunod, mataas pa rin. May minemaintain. Kasi kapag bumaba ka, ibig sabihin humina ka.

Hay, buhay

Papalabas na sana ako ng classroom nang matanaw ko ang 'lalaking madalas sa library' na papadaan kasama ang iba pang lalaki. Kusang bumalik ang mga paa ko sa classroom at inantay silang makadaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Someday, Near YouWhere stories live. Discover now