Chapter 3

3 0 0
                                    

Jane's POV

"Hello" nakangiting pinagbuksan kami ni Kate ng gate nila. "Nasa loob na si Zoe, hinihintay kayo"

Dumiretso kami sa sala at nakita doon si Zoe na nonood ng tv. Tumabi kami sa kanya samantalang dumiretso ng kusina si Kate "Iwan ko muna kayo, babantayan ko lang ang niluluto ko"

"I'll go with you" sabi ko at sinundan siya.

"Natanong mo na ba siya tungkol dun?" tanong niya habang may hinahalo.

"Nah, ayokong itanong yun sa kanya hanggat hindi pa siguradong tama yung hinala ko."

"Ok, then we will talk about that on library"

"Bakit sa library?"taka kong tanong. Madalas kasi sa kwarto niya kami naguusap.

"You're with her, susundan tayo nun sa kwarto ko" nakangiti niyang sagot.

Oo nga naman. Napangiti ako. She really knows my sister.

"Anong niluluto mo?"

"Menudo. Taste it. Sabihin mo kung maalat o matabang ba." sabi niya sabay abot sa'kin ng kutsara. It is tasty as expected.

"Masarap" komento.

"Nice, sige, tatawagin ko na sila para makakain na tayo" paalam ni Kate at naiwan naman akong naghahalo ng menudo.

Pagkatapos ng masaganang dinner, nagistay muna kami sa sofa at nagkaroon ng konting kwentuhan.

"I have something to tell you girls" maya mayang sabi ni Kate. Nasa akin ang tingin niya na para bang sumesenyas.

"What is it?" tanong ni Zoe na walang ideya sa napagusapan namin kanina sa kusina

"Something personal, dun tayo sa library" sagot niya.

"Tara" aya ni Naru kaya napatingin ako at si Kate sa kanya.

"Sorry, Naru but I think this thing is something that is just for the three of us. Baby ka pa eh" nakangiting paliwanag ni Kate.

"Spg ba yan? Ang unfair naman"
What? Anong spg?

"Hindi spg." natatawang sagot ni Kate. "It's just hmmmm how can I explain that?"

"Just listen to ate Kate, Naru" sabat ko.

"Uhmm ok." parang nalungkot na payag ni Naru

"Don't worry, i will share that to you on some other time" -Kate.

"Ok. But show me all your books and let me to borrow some of those.

Magbabasa na lang ako habang wala kayo"

"Ah sige" sagot ni Kate at nilabas lahat ng books niya.
Pagkatapos kumbinsihin ang kapatid ko, nagtungo na nga kami sa library.

"So, anong nangyari? Anong sinasabi mong inlove si Naru?" walang patumpik tumpik na tanong ni Zoe

"Hindi pa naman sure pero sa library kasi may napansin ako."

"What's that?" -Kate

"May lalaki sa library. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin dun. And as I remember, that guy is also there yesterday."

"Di kaya crush lang ni Naru?" -Zoe
Hindi nga kaya? F*ck?

"I don't know pero tumitingin din sa kanya yung lalaki eh" pilit ko

"Baka nagkataon lang." -Kate

"Napapansin ko ring panay ngiti ni Naru na parang kinikilig. Malay nyo, yung guy na yun pala ang dahilan kaya hindi makapagconcentrate yung kapatid ko sa studies niya. My god! Mukhang kaedad ko pa yung lalaki!"

Someday, Near YouWhere stories live. Discover now