Chapter 1

4 0 0
                                    

Jayden's POV

"Ok, class, dismiss"

Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ng professor namin.

Early dismissal huh?

Agad nagsitayuan ang lahat ng kaklase ko samantalang ako ay dire- diretsong lumabas ng classroom.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagkairita? O pagkatamad?
Napipilitan man pero kailangan.

"Dude"

Napangiwi ako sa narinig kong pagtawag ni Leo

Tang*na pare, wag ngayon.

Hindi interesanteng hinarap ko siya. Nahagip ng paningin ko ang mga kaibigan niya (o namin?) na nakasunod sa kanya.

"What?"

"Bro, nag-aya uli silang magbasketball tayo. Tara, tuloy natin yung laro natin nung Sabado".
Mabilis na umiling ako. I can't.

The offer is tempting and more exciting kaysa sa pupuntahan ko pero hindi pwede ngayon.

"I can't. Busy ako"

"Bakit? Pare, kailangan nating bumawi. Well, kahit alam kong hindi ka magaling. Malay mo ngayon, makashoot ka na"

Now, he's insulting me. Alam ko namang hindi talaga ako kagalingan sa basketball pero nakakashoot naman ako kahit papaano.

"May pupuntahan lang"

"Saan?"

Hays, masyadong matanong 'tong batang 'to.

"Library" sagot ko at inexpect ko na agad ang reaksyon niya. Nag-aaral naman ako pero never akong naglibrary.

"Seriously?" natatawang tanong niya na para bang nagjoke ako.

"Yeah"

"Wow!" gulat niyang komento at hinampas pa 'ko. "Seriously? That's impossible pare. May kikitain ka bang chicks dun?"

"Nah, Kailangan kong mag-aral. Finals na this coming Friday." at muntikan na kong bumagsak sa isang subject.

"Dude, Monday pa lang ngayon"

"Dude, graduating ako" panggaya ko sa tono ng boses niya.

"Oh well, sige. Wag mong sabihing ganyan ka until Friday?"

"Yes" pagsang-ayon ko. "Hanggang Friday, sorry. I'm really busy"

"Yak." nandidiri niyang sabi "Pero fine, Mr. Grade Conscious, nagmumukha na ko ditong bad influence. Sige, pare" sabay tapik sakin. "Mauna na kami. Enjoy your books"

I nodded at naglakad palibrary.

Pagdating sa library, hinanap ko agad ang mga books na kakailanganin ko kahit na mayroon na akong sources. Dala dala ang mga libro na hiniram ko, umupo ako sa pangdalawahang lamesa at inumpisahang maglabas ng papel na gagawin kong reviewer.

I sigh.

Magbubukas pa lang ako ng libro, tinatamad ako. Pero kailangan. Tiis lang.

"OH my god ate, sorry na. Babawi na lang ako"

Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig na ingay.

"Ate naman, wag muna ngayon. I'm tired"

Nanliit ang mga mata ko sa dalawang babaeng pumwesto sa mesang malapit sa'kin. Nadidistract ako sa ingay nila.

Nadidistract nga ba? O baka naman dinadahilan ko lang yun dahil tinatamad akong magreview?

"Runa, wag ka ngang makulit"

Someday, Near YouWhere stories live. Discover now