Chapter 2

2 0 0
                                    

Runa's POV

After my last subject, pagod na naglakad ako sa pagkikitaan namin ni ate.

Ang daya. Kakatapos lang ng klase, aral uli? Hindi ba siya napapagod kakaaral? Hindi ba siya nahihilo kababasa? Hindi ba sumasakit ang ulo niya kakareview?

Indianin ko kaya siya? Mauna na kong umuwi?

But ofcourse, hindi pwede.

Mapapagalitan ako

Hay,buhay.

Natanaw ko agad si ate na mag-isang nakaupo sa bench sa labas ng library.

I show my sweetest smile to her but she just look at me like she can read my thoughts

"Ate, hindi ka ba napapagod?"tanong ko habang naglalakad pa library.

"Pagod. Pagod but I know my priorities"

Napangiwi ako sa sagot niya.

Natamaan ba 'ko? Ofcourse not!

"Ate, I have an idea" pangungulit ko.

"What?"walang lingon na tanong niya. Sungit talaga.

"Weekends na lang tayo mag-review"

"No"mabilis niyang sagot.

"Why?" Ang ganda kaya ng idea ko.

Hindi niya ako pinansin. Dire diretso siyang nanguha ng libro sa library.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makaupo kami.

"Ate, galing lang tayo sa mga klase natin tapos after class ba naman aral uli? Baka mabaliw na tayo nito"

"Don't exaggerate things, Runa" nagsimula na siyang maglabas ng papel at ballpen.

"Totoo yun"

"Wala sana tayo rito kung hindi mo binagsak ang dalawang subjects mo. Akin na yung test paper mo tapos yung book mo"

Nakisamangot na kinuha ko sa bag ko ang tinutukoy niya. Muli kong nakita ang mga scores ko sa mga test na wala pa sa kalahati. Kahit ako man, ay napapangiwi sa scores ko.

"Here" pag-aabot ko. She started to scan my test paper and my book.

Inikot ko naman ang tingin ko sa library. Walls na may pictures ng mga taong hindi ko kilala. Plain white ang kulay ng dingding. Ang tahimik ng paligid na para bang may patay.  Boring ang paligid. Nakakaantok.

Paano kaya sila ginaganahang magaral sa ganitong lugar? Medyo konti lang din ang estudyante.

Nakaagaw ng pansin ko ang lalaking nakatingin sa table namin.

Nagkatinginan kami.

Ano namang tinitingin tingin niya?

Napakunot ang noo ko pero siya naman ay ngumiti lang at muling tumingin sa librong hawak niya. Bakit kaya?

"So, eto yung hindi mo maintindihan" napatingin ako kay ate na seryosong seryoso habang hawak ang libro ko.

Napalingon uli ako sa lalaki na nahuli ko na namang nakatingin samin.

Hmmm, may gusto ba yun kay ate kaya nandito? Sa pagkakaalala ko, andyan din siya kahapon eh. Secret admirer? Hmm.

"Naru, nakikinig ka ba?" Muli akong napatingin kay ate.

"Po?"

"Oh my god. Wag mong sabihin na hindi ka nakikinig" Nginitian ko lang si ate ng alanganin.

Sapo ang noo na muli niyang binalik ang page ng libro sa umpisa "Sabi ko,-" blah blah blah.

Basta yun na yun. May naintindihan naman ako sa kahit papaano sa tinuro ni ate kaso nga lang hanggang kailan ko naman kaya yun maaalala?

Jayden's POV

"Naiintidihan mo ba?"

Naririnig kong tanong sa kabilang table. Kanina ko pa sila naririnig kaya lagi akong napapatingin sa kanila.

Hindi ko alam kung malakas talaga sa pandinig ko yung boses nila o naghahanap lang yung utak ko ng ikakadistract niya dahil ayaw ngang mag-aral.

"Naru?"

Napalingon ako sa table nila na para bang ako ang tinatawag. Seryosong seryoso yung nagtuturo samantalang parang lantang gulay yung tinuturuan. Medyo napangiti ako sa itsura nila.

Well siguro, mas madadalian din akong magreview kung may magtuturo sakin.

"Mali yan" nakita kong komento nung babae sa sinagutan nung isa pang babae.

"Bakit naman? Minamali mo lang ako eh" reklamo nung isa na kinangiti ko lalo

Naramdaman siguro nung babae ang panonood ko sa kanila kaya muli siyang napatingin sa'kin. Nakakunot ang noo. At gaya kanina, nginitian ko lang siya para ipakitang kaya niya yan.

At dahil nga sakin nakatingin yung isang babae, napatingin din sakin yung nagtututor sa kanya na ate niya.

And now they are both looking at me and i find it awkward. I awkwardly smile at them at kasabay non ay ang pagvi-vibrate ng phone ko. Thank you kung sino ka man.

From: Ace

Nerd, Saturday morning 9:00 am at Jacob's house

I type my reply.

To: Ace

K.

Jane's POV

"Let's go home" aya ko nang mapansing 4:00 na. I curiously watch my sister's action as she put her things on her bag.

Does she know that guy?

Kanina ko pa kasi napapansing panay ang tingin niya dun habang nagrereview kami. Panay ngitian din sila.

Hindi kaya? Oh my..

Wtf! That guy seems senior at mukhang kaedad ko pa. And my sister is too young! Kaya ba bumagsak siya sa two subjects niya?

Am i overthinking?

"Tara, ate" ngiting ngiti niyang aya.

And before we left the library, she took a glance on that guy again and she's smiling from ear to ear!

Oh my god?

Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at nagsimulang magchat sa gc naming magkakaibigan.

Me: Girls, what if my sister is inlove?
Di ba, parang ang bata pa niya?

Mabilis na nagreply ang dalawa.

Kate: Seriously? Oh my God!!!

Zoe: How come? Kaya niya ba naibagsak ang two subjects niya?

Kate: Do you want to talk about it? Wala sila mommy dito sa bahay. Nagluto rin ako ng dinner. So ano?

Me: Yes please.

Kate: You can go to my house. Bring Naru with you, dito na kayo magdinner. Ikaw Zoe?

Zoe: Sure.

Me: Thank you, girls
Binulsa ko ang phone ko at binalingan si Naru na abala rin sa phone niya. Ayan na naman yung ngiti niyang parang kinikilig.

"Pupunta tayo kanila Kate, dun na rin tayo magdidinner"

"Nice! Okay ate"

~~~~~~~~
Wews.

Someday, Near YouDär berättelser lever. Upptäck nu