Chapter 4

3 0 0
                                    

Jayden's POV

Next day is the last day of my review for my final exam. Last day ko nang pupunta ng library at medyo nasanay na ako unlike nung umpisa na tamad na tamad ako. I am confident now na papasa naman ako kasi alam kong naaral ko na lahat. Irerecall ko na lang.

Wow. Seriously, ngayon lang ako naging proud sa sarili ko!

Dala dala ang mga libro, umupo na ako sa dati ko nang pwesto. Hindi nakatakas sa mata ko ang batang makulit kahapon na ngayon ay nakaupo na rin sa laging pinaguupuan nilang mag-ate. Ngiting ngiti na naman siya. Imbes na matakot ako sa weird niyang ngiti, gusto kong matawa. Ang kulit niya kasi

"Wala pa si ate eh, baka maya maya makita mo na siya. Ayyiiee" pang-aasar niya. Ang kulit talaga

Nirereto niya ba ko sa ate niya?

"May gusto ba sakin ang ate mo?" diretsahan kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ako inaasar sa ate niya. Unless, crush ako ng ate niya, diba?

"Siguro? Hindi ata eh pero di bale, madedevelop din yun sayo, wag kang mag-alala" Bahagya akong natawa sa sagot niya. So hindi pala.

"Nagkaboyfriend na ba ang ate mo?" tanong ko.

"Ayiiee interesado. Boyfriend? Wala eh. Choosy si ate. Nbsb yun" wow, nbsb talaga?

"Kaya ba inaasar mo siya sakin kasi gusto mo na siyang magkaboyfriend?"

"Medyo. Pero maliban dun, kasi gusto mo siya"

Natawa ako sa sagot niya. San naman galing yun?

"Tama naman diba? Lagi kitang nakikitang napapatingin sa table namin. Type mo kasi ang ate ko. Imposible namang ako diba?"

Ganon ba yun?

"Ate" narinig kong tawag ng batang makulit bago pa man ako magkapagliwanag. Bahagyang napalingon ako sa babaeng papalapit.

Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kapatid niya pagkatapos ay napatingin sakin.

Nagkatinginan kami pero una siyang nagiwas.

"Pag-ibig na kaya~~~" Mas lalo akong napangiti nang kumanta yung batang makulit. Muling napatingin sakin yung babae.

"Anong meron?" taka niyang tanong.

"Bagay kayo, ate" sabay turo sakin nung kapatid niya kaya medyo nabigla ako. Ewan kung bakit pero hindi ko talaga mapigilang hindi ngumiti.

"Runa!" nanlalaki ang matang saway nung ate niya na medyo namumula.

"Ayyyiiee"

"Runa, nakakahiya ka!" pagkatapos ay bumaling siya sakin "Pasensya na kuya, makulit talaga yung kapatid ko"

Tumango naman ako bilang sagot

"Ate, type ka niya, diba kuya?" Medyo nabigla ako sa pero pinili ko na lang ang ngumiti.

"O diba ate!"

Huh? Smile means yes ba?

"Pasensya na talaga kuya" nahihiyang paumanhin niya at humarap naman sa kapatid niya  "Puro ka kalokohan.
Bring out your books"

Lihim ko silang pinanood at gusto ko matawa sa itsura ng ate niya na parang napipikon na dahil sa mapang-asar na ngiti ng kapatid niya.

Jane's POV

"Shut up Runa, magfocus ka nga!" saway ko kay Naru nang mapansin kong nakangisi siyang, nakatingin sakin.

"Ok" nakangisi pa rin siya habang binabasa yung ginawa kong reviewer sa kanya.

I close my eyes at kinalma ang sarili. I don't need a mirror to check my face, I know it's all red! Hindi sa kilig kundi sa hiya! Ano na kayang inisip nung lalaki sakin? Type ko siya and I am using my sister to know him?

Nakakahiya talaga. Ngayon alam ko na, mali ako nang inisip na inlove ang kapatid ko. At bakit ko ba kasi naisip na inlove si Naru? Eh mas malabo pa ata sa tubig kanal na mangyari yun?

And why suddenly, I feel conscious?
Sinilip ko ang wristwatch ko. 2:00 pm.

"Let's go home at 2:30" sabi ko

"Diba, 3:30 tayo umuwi?" a creepy smile appeared again on her face sabay tingin sa table nung lalaki.

"Ayiiee nahihiya ka ba ate?"

"No. Tommorrow is my final exam, i have to rest. Bilisan mo na yan"

Pagsapit ng 2:30 hinatak ko na si Naru palabas ng library. Nahuli ko pa siyang kumaway sa lalaki na kumaway rin naman sa kanya pabalik. Pagkalabas, para akong nakahinga ng maluwag. Feel ko kasi kanina, every actions ko, may nagbabantay.

Pagdating ng bahay, kinompronta ko agad ang kapatid ko

"Nakakahiya ka Naru" panimula ko.

"Why?" pagmamaangmaangan niya.

"Ano na lang ang iisipin sa'tin ng lalaking yun!"

"Type ka naman niya ate eh" pangagatwiran niya. Napataas ang kilay ko.

"May sinabi siya?" paghahamon ko.

"Wala. Pero yung actions niya tsaka narinig mo naman po diba, di naman niya dineny eh."

"Ginawa niya yun para hindi ako mapahiya. San ba galing yang kalokohan mo na yan?"

"Ate naman kasi, ilan taon kana pero wala ka pa ring boyfriend o manliligaw manlang. Kahit nga ata crush wala eh"

Ayan na naman kami sa topic na yan.

"Wag mong pakialaman ang lovelife ko Runa. Wag mo nang uulitin yun ah. Nakakahiya na Runa, sinasabi ko sayo."

"Yes ate. But he looks handsome right?"

Alam ko na kung saan patungo ang sasabihin niya.

"I don't care to his looks. Magbihis ka na"

Nakangising nawala siya sa paningin
ko. Binaliwala ko na. I think this is better than discovering that she's inlove or attracted to that guy. At hanggang ngayon, natatangahan ako sa sarili ko na inakala kong may kung ano man sa kanila ng kapatid ko.

Napakaimposible nga naman.

I wonder kung anong pinagusapan nila habang wala pa ko na naging dahilan bakit ako inaasar ng kapatid ko.

Pero pakialam ko dun? Well, I don't mind.

My phone rang. Text from Zoe

Zoe: What's up? Alam mo na?

Me: Tama kayo. Mali ako. Maling mali

Zoe: Oh, that's relieved.

Me: Yeah

~~~~~~~~
Sorry po sa mga Grammatical Errors  😅✌

Someday, Near YouWhere stories live. Discover now