"Hoy kabayo! Hinatayin mo 'ko!" Sigaw pabalik ni Icey.

Hinila siya sa kamay ni Axine patakbo hanggang sa maabutan na nila si Yarind. Kaagad na pabirong siniko ni Icey si Yarind dahil sa kapilyuhan nito.

"May mga pakpak naman kasi kayo bakit hindi ninyo gamitin?" Natatawang sambit ni Yarind sa kanila.

"Alam mo kung bakit hindi natin magamit ang mga pakpak natin, Yarind." Malungkot na sambit ng batang si Axine at ipinakita ang seal sa balikat nito na siyang pumipigil sa paggamit ng kanilang mga pakpak.

Pinagbabawalan na gamitin ang mga pakpak ng mga batang nasa edad isa hanggang labing apat. Tila ba tradition na iyon sa buong Asthalia at magmula ng isilang sila, ay ganoon na ang ginagawa. Maging ang mga kapangyarihan nila ay limitado nilang magagamit.

Fifteen years old, kapag tumuntong ka sa edad na 15 ay doon lamang mawawala ang seal at magagawa mo ng gamitin ang pakpak mo.

"15 ka na! Dalii naaaa Yarind! Ipakita mo na ang pakpak mo!" Nalukot ang mukha ni Yarind dahil sa kulit ng mga kaibigan. Pinipilit nila itong ipakita ang kanyang pakpak sa kadahilanang 15 na ito.

"May sasabihin ako." Seryosong saad niya sa mga kaibigan.

Tumingala ito at tiningnan ang kalangitan bago bumuntong hininga. Hindi rin naman nila ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi.

Hinubad nito ang damit at doon bumungad ang malaking hiwa sa likod niya. Naghilom na ito pero bakas padin ang lalim ng sugat, at kung gaano kasakit iyon, hindi mailalarawan sa isang simpleng salita.

"Tulungan niyo 'ko! Ama! Ina!" Umiiyak ito at nagsimulang magpumiglas sa mga Helias na nakahawak sa kanya. Pilit siyang tinutulungan ng kanyang mga magulang.

"Nakikiusap ako! Huwag ang anak ko, pakiusap!" Pagmamakaawa ng kanyang ama.

"Ang mga pakpak niya, siya ang magiging katapusan ng lahat kaya't kailangan lamang na putulin iyon!"  Inihagis ang magasawa palabas ng kastilyo. Hindi nila alintana kung gaano sila kawawa. Ang mga marurungis na itsura nito, ang punit punit na damit.

Hindi nila pinansin ang mga Thalians na naawang nakatingin sa kanila. Walang magawa. Walang gustong lumaban.

"AAAHHHH!" naghuhukamos na sigaw ng batang si Yarind. Ikinadena ang mga kamay at paa nito, hawak ang isang matalim na sandata. Nakapinid ang mga pakpak sa malamig na pader upang hindi makapanlaban.

Ang kulay lilang mga pakpak nito, kumikinang sa ganda, naguumapaw sa kapangyarihan. Mula sa selda, pumasok roon ang hari. Nakasuot ng magarang kasuotan.

"Ibigay mo na lamang sa akin ang mga pakpak mo. At pangako, mabubuhay kayong pamilya sa kaharian ko." Pangako, pangako na alam ng lahat na mapapako.

"Tama na! T.. tama na! Nakikiusap ako!"  Kinuha ng Hari ang matalim na sandata at ngumising tumingin sa kawawang bata.

"Pasensya na talaga." Nanguuyam na banggit ng hari bago walang habas na pinutol ang pakpak nito. Tanging sigaw at iyak lamang ang nagawa
ni Yarind. Nanghihina, niyayakap ang sakit na dulot nito. Parang pinutol ang buhay niya, unti unti.

"Ilabas siya sa Kastilyo." Maawtoridad na banggit ng hari bago lumabas sa silid. Binitbit siya ng Helias, at inihagis palabas ng kastilyo.

"Anak! Anak," ang tanging nasambit ng kawawang Ina nito na umiiyak. Yakap yakap ang duguan na si Yarind. Wala sa wisyo, umiiyak, hindi makausap ng matino.

"Wala.. na.. Ina, yung.. yung pakpak.. ko." 

Naikuyom na lamang nito ang mga kamao dahil sa galit at sakit na nararamdaman.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now