Asthalia 26

932 37 3
                                    

Axine.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi sa kadahilanang may nag mamasid. Mararamdaman mo naman iyon e. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Rinig rinig ko ang pag halik ng malamig na hangin sa dahon ng bawat puno sa labas. Ang tunog na nanggagaling sa mga kulisap.

Isang napakapamilyar na aura ang bumalot sa palid. Unti unti itong kumakalat na tila apoy at sinasakop ang bawat sulok ng kinahihigaan ko. Isang aura na hindi ko masabi kong kanino. Kakaiba ngunit napakapamilyar.

Palihim na ikinuyom ko ang palad at sinubukang kumilos pero hindi ko magawa. Parang may mabigat na metal ang nakatali sa paa at kamay ko na humahadlang para makakilos ako ng maayos. Anong klaseng kapangyarihan ito?

Kasabay ng malakas na ihip ng malamig na hangin, na pumasok mula sa bukas kong bintana na hindi ko alam kung paano nabuksan sapagkat isinara ko naman iyon. Ramdam ko lang. Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig na dulot nun.

Ilang saglit pa, habang papalapit ng papalapit ang aura na iyon, sumasabay ang paghabol ko sa sariling hininga. Parang tinatakasan ako at sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

Naramdaman ko ang paglubog ng ilang parte sa kama. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi gumagana ang katawan ko. Parang patay at tanging kaluluwa ko nalamang ang nagtatangkang mangsalba rito.

Ramdam ko ang tingin nitong napakapamilyar. Hindi ko man imulat ang mga mata sapagkat hindi ko magawa, ramdam ko ang kilos at paghinga ng kung sino mang kasama ko sa kwartong ito.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko, hindi ko manlang magawang matakot. Napaka pamilyar at napaka gaan ng aura na taglay nito at sa paghaplos niyang iyon sa ulo ko, unit unting kumalma ang sistema ko. Bumalik sa dati ang tibok ng puso ko. Lumuwang ang pagkakayukom ng kamao ko at hindi ko na maramdaman ang bigat ng kalooban na nangingibabaw kanina lang.

Parang gusto kong manatiling ganito. Manatili sa kamay ng estranghero na nangahas na pumasok sa silid ko. Hindi ko magawang magalit, hindi ko magawang mainis. Parang napaka natural at komportable ko. Napaka pamilyar ng aura ngunit hindi ko magawang mapangalanan kung kanino ito nanggagaling.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kung anong bagay sa noo ko. At kasabay nun ang pagkiskisan ng bakal at kalabog sa pinto ng kwarto ko. Mabilis na nawala ang bulto ng idinilat ko ang mga mata at napabangon dahil sa gulat.

Mula sa pintuan, inaninag ko ang humahangos na bulto at nasa harapan nito at nakalutang ang dalawang espada na handa ng umataki sa sandaling hudyat.

Dumako ang tingin ko sa bintana. Bukas ito at kita ko mula sa labas ang pagsayaw ng mga dahon sa saliw ng malamig na ihip ng hangin sa gitna ng madilim na gabi.

"Damn it!" Nagitla ako sa biglaang sigaw nito. Ang pamilyar na boses, at doon lang ako natauhan. Mabilis akong tumakbo sa bintana nag babakasakaling makita ang bulto o palatandaan ng kung sino mang makapagtuturo sa pagkaka kilanlan ng taong iyon.

Habol ang hininga kong minasdan ang paligid. Unti unti naring naglalaho ang aura na iniwan niya sa kwarto ko at hindi ko maiwasang damhin ang kalmadong prisensya nito. May kakaibang hatid sa pakiramdam.

"Alam mo bang papatayin ka na niya?!" Napalingon ako sa galit na sumigaw. Ang itim na mga mata nito na nagsasabi ng madidilim na mga bagay. Nakakapangilabot ang galit at emosyon na hatid nito.

"Ganyan ba kasarap ang tulog mo?! Ni hindi mo magawang isara ng maayos ang bintana ng silid mo! Nahihibang ka na ba Axine?!" Hindi ko magawang sumagot sa paratang nito at nanatiling malayo ang tingin.

Siya ba yung nararamdaman kong palaging nagmamasid simula ng malakabalik kami dito sa Etrunatic dalawang araw na ang nakaraan? Palagi nalang may nakasunod at nakabantay sa kilos ko.

Ang kakaiba pa, hindi ko magawang makaramdam ng kaba,  hindi ako kinakabahan sa tuwing nararamdaman ko ang prisensya niya. Napakapamilyar at kinakain ako ng kuryusidad at ng kagustuhang makilala ang tao sa likod nito.

"Axine! Nakikinig ka pa ba?!" Muli akong bumaling kay Azer na nangangalaiti at hindi pa kumakalma. Imposibling siya ang taong yun sapagkat kilala ko ang prisensya at aura na bumabalot sa kanya. Magkaiba sila.

Nanatili akong tahimik kasabay ng pagpasok ng iba sa kwarto ko para alamin ang nangyayari. Lahat sila nagtatanong pero wala akong sinagot ni isa. Bagkos kinuha ko ang cloak kong asul, at mabilis na lumipad patungo sa kung saan. Magbabakasakaling  makita o maramdaman kong muli ang aura nito at kung may pagkakataon na makilala ko ito.

Maraming tanong ang umiikot sa isip ko. Anong kailangan ng taong ito sa akin? Anong kailangan niya at palagi siyang nakamatyag sa kilos ko? Anong meron sa kanya at napakapamilyar niya? Kilala ko ba  siya? Iba ang pakiramdam ko. Ibang iba.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglipad ng biglang hindi ko maipagaspas ang mga pakpak ko. Sunod sunod akong napamura ng unti unti na akong bumagsak sa lupa.  Napapikit na lang ako at tinanggap ng katawan ko ang sakit na dulot nito.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lupa at saktong pag tayo ko, isang pares ng pakpak ang bumungad sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mukha nito. Walang emosyon ngunit napaka seryoso

"Tigilan mo na ang pag control sa akin, Azer. Hindi na nakakatuwa."  Sinamaan ko siya ng tingin pero wala iyong epekto sa kanya.

"Sabihin mo, kilala mo ba ang lalaking iyon?" Napakunot ang noo ko.

"Lalaki?"

"Yung nagtangkang patayin ka sa silid mo." Napahinto ako at napaisip.  Patayin? Hindi ko ramdam ang pagka delikado nito at hindi ko lubos maisip kung bakit niya ako papatayin e iba ang sinasabi ng aura nito.

"Kung ganoon, papatayin niya ako?" Hindi  makapaniwalang tanong ko. Tumango ito sa akin kasabay ng pagtago niya sa pakpak niya. Ganoon din naman ang ginawa ko. Ibinaba ko ang hood ng asul kong cloak. Inililipad ng hangin ang kulay pula kong buhok.

Yumayakap sa katawan ko ang malamig na ihip ng hangin na nakakapagdagdag ng kakaibang pakiramdam sa gitna ng gabi.

"Kitang kita ko. Ang shuriken na hawak nito sa kanang kamay na handa ng hiwain ang leeg mo. Sabihin mo, kilala mo ba ang taong iyon?" Napalunok ako at pilit iniisip ang mga nangyari.

Kung ganoon, isa bang mapanlinlang na mahika ang hawak niya? Na nagagawa niyang manipulahin ang nararamdaman ko at baliktarin kung ano mang emosyon ito? Kaya ba komportable ako kapag nararamdaman ko ang prisensya nito? Kaya ba hinayaan kong bumaba ang proteksyon at pagka alerto ko sa paligid tuwing ramdam ko ang tingin nito?

"Ilang araw na niya akong binabantayan. Ang hindi ko maintindihan, napaka pamilyar ng aura nito na hindi ko manlang magawang kabahan tuwing nararamdaman ko ang prisensya niyang kumakalat sa paligid ko."  Nag angat ako ng tingin. Halata ang gulat sa mga mata nito.

"Sa tingin mo, bakit gusto niya akong patayin?" Walang emosyon na tanong ko.

"Asther ka parin ng grupo, Axine. Baka nakakalimutan mo. Sampong araw mula ngayon, gaganapin ang palaro sa Arc Circle." Humakbang siya papalapit. Hanggang sa tuluyan ng pumalibot sa akin ang kanyang mga bisig.

"Magiingat ka. Hindi sa lahat ng oras, nandito ako at mapo-protektahan kita. Gaya nalang kanina, muntik na. Muntik ka ng mawala ulit sa akin. Huwag mo namang hayaang mang yari yun. Axine, ikaw ang dahilan kung bakit ko gustong ipagpatuloy ang laban na wala namang kasiguraduhan kung may pag asa akong manalo. Pero ikaw ang nag sisilbing lakas ko."

--

Rye's note: Gosh! After a long wait, nakapag UD narin sa wakas. Happy reading! Dont forget to leave your reactions sa comment box.

Asthalia [NOT EDITED]Where stories live. Discover now