Asthalia 07

1.5K 67 1
                                    

Asthalia 07

Masama ang tingin ko sa taong bigla nalang akong hinila ng walang pasabi. Ang alam ko, kani-kanina lang ay nag lalakad ako sa hallway tapos ito, hawak ako ng di ko kilalang lalaki na purong itim ang kasuotan.

"Miss, utos lang."

Ipinatayo niya ako sa harap ng isang kurtina? Parang napakalaking itim na kurtina at makapal pero wala naman akong marinig na ibang boses. Tahimik at para siyang pader kung tutuusin. Kumunot ang noo ko at ibinaba ang hood ng asul na cloak ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala na yung lalaking nanghila sa akin kanina. Hindi ko alam at masabi kung anong klaseng pakana ang gusto nila ngayon.

Alam ba nilang gutom ako? Hello! Dalawang linggo akong hindi nakakakain ng matino at kahapon natulog lang ako na walang laman ang tiyan kundi tubig tapos may gana pa silang pag laruan ako?

Akmang tatalikod na ako at aalis ng bumukas ang makapal na kurtina. Agad kong iniharang ang mga braso ko sa mata ko dahil sa biglaang liwanag. 

Mabilis namang nag adjust ang mga mata ko at nakita ang buong lugar. Sobrang raming tao, may mga cloak sila ayon sa sections nila.

Nakapangkat ang mga studyante. Ang cloak nila ang nag sisilbing uniporme dahil ito ang dahilan kung bakit madaling nalalaman kung Class +E o Class A+ na ang studyante.

Binakamababa ang Class E o mga beginner. May ginagawa silang ranking phasis para malaman kung saan ka nabibilang at kung ano ang kaya mong gawin. Pipilitin ka nilang ilabas to ng sa ganoon alam nila kung saang Class ka ilalagay. Ganyan ang Etrunatic. Pinaka mataas na Class ay ang Class A+ , sila na kasi yung mga bihasa, marunong, at kontrolado ang malalakas nilang mga kapangyarihan.

At ang Black Asther? Wala silang kinabibilangang klase dahil mataas ang ranggo nila sa Etrunatic. Ibig sabihin sila na ang may hawak ng buong Etrunatic. Namumuno, nag aaral, at iginagalang, kinatatakutan nadin kasi sa mga di malamang dahilan. Ang mga kapangyarihan nilang taglay ay rare o bihira lang. Kung tutuusin ay mas ginagalang pa sila kaysa sa mga nagsisilbing guro sa eskwelahan.

"Ating bigyan ng pansin! Asul!" Natigil ako sa pagiisip ng may dumako sa aking liwanag.

Natahimik ang mga tao, maraming nag tataka kung bakit daw babae si Asul. Ang mga kaganapan sa labas ng Etrunatic ay malayang nakakapasok dito. Lahat lahat kaya updated ang mga istudyante.

Sa isang iglap, lahat sila ay nag labasan ng mga patalim, maay mahahabang katana, punyal, kutsilyo, blade o kahit na nao pang bagay na matalim. Kinunutan ko sila ng noo.

"Tandaan ninyo, huwag lang mag aalinlangan na ibato diretso kay Asul ang mga patalim na iyan." 

Nadako ang tingin ko sa nag salita. Azin? May kanya kanya silang upuan at kapwa itim ang mga ito na parang trono, prente silang nakaupo doon at walang pinakikitang emosyon.

Heartless. Iyan ang isinisigaw ng aura nila, kasama na si Icey na nakapikit at walang pakialam. Hindi manlang ba niya ako dadapuan ng tingin?

"Asul, I'm sorry about this. Pakanan ni Rayver lahat to, kaya labas kami." Biglang sabi ni Austin na may naiilang na ngumiti sa akin.

"Alam ko na masusugatan ka, masasaktan pero nanjan si Avier para gamutin ka. And to play fair, hindi ka maaring gumamitng kapangyarihan. Ang kailangan mo lang gaiwn ay ilagan lahat ng patalim na ibabato nila sayo."

Tumango ako at bored na tinibgnan sila, si Icey na mababakas ang ngisi sa mukha pero nakapikit naman. Napailing iling nalang ako.

Nag hiyawan ang lahat at sunod sunod na bumulusok sa akin ang mga patalim. Tumalon ako para iwasan ang mga ito. Yuko, takbo, sipa, at tumbling ang ginawa ko para iwasan lahat ng patalim. Tumayo ako ng maayos. Marami pa ang kailangang iwasan.

Umiling iling ako at iginalaw ang mga braso ko para kabigin lahat ng patalim na pabulusok sa akin at hindi umalis sa kinatatayuan ko.

Ilang minuto ang itinagal nu'n hanggang sa tumigil ang pagbulusok sa akin ng mga patalim atsaka inayos ang pagkakatayo ko.

Pero agad din akong napatumbling ng wala sa oras dahil sa isang mahabang katana na biglang lumitaw sa harap ko. Natuod ako ng tayo at nawalan ng ekspresyon dahil sa isa pang mahaba at matalim na espadang ito. Wala sa sariling sinundan ko ito ng tingin. At pigil ang hininga ng lumampas ito sa akin.

Tumusok ito sa makapal na tabla na siyang nasa likuran ko, at ang masaklap, muntik na nitong matamaan ang leeg ko, inch nalang ay siguradong patay na ako.

"That was Wow." Narinig kong bulong ng sinuman sa mga naka cloak na nasa harapan ko.

Blanko ko silang tiningnan, ang sunod na nangyari ay ang sigawan ng mga istudyante na halos hindi makapaniwala sa  nangyari. Napahinga ako ng maluwag at hinugot ang espada at itinapon sa gilid.

Damn. Parang bigla akong nanghina. Muntik na akong mamatay. Ngayon lang yata nag sink in sa akin ang nangyari.

Wala sa sariling napakapa ako sa may bandang leeg ko. Basa. Tiningnan ko ang kamay ko at may dugo nga. Napuruhan pa pala ako, malayo to sa bituka.

Ibinaba ko ang kamay at binalingan ng tingin ang Black Asther.

"Sinong may pakana nito?" tanong ko ng makalapit. Alam ko na ang boses na ginamit ko ay yung hindi mabibiro.

"R-Rayver.."  utal na banggit ni Azin. Nangingibabaw ang kaba na taglay niya.

"Rayver, mukhang magiging abo ka ng wala sa oras." Siniko ni Austin si Azer na hindi makatingin ng diretso.

"Kamusta mo ko kay Godwik kapag nagkita kayo." Si Azin naman ang nagsalita.

"Manahimik kayong dalawa. Pwedi ba?" Asar na banggit nito sa dalawa.

"Oh? May natatakot na dito." hindi maipinta ang mukha nito sa sinabi ni Icey na nakapikit.

"Azer," tiningnan ko ito sa mata.

"Libre mo ko, nagugutom ako."

--

Asthalia [NOT EDITED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang