Chapter 12

1K 26 3
                                    

"MOM, bakit nga ba sobra yata ang galit mo kay Vincent? May problema ba na hindi ko alam?"

Kasalukoyang nasa mall ang mag-ina, inutosan sila ni Vincent na bumili ng mga kakailangan para sa pagpunta nila sa bahay ni Yumi at iyon ay lingid sa kaalaman ng huli.

"Wala, anak. Sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa lalaking iyon," kibit-balikat nitong tugon.

"I don't believe you, Mom. Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang malalim na pinaghuhugotan."

Huminga ng malalim si Victoria, "Marahil ay ito na nga ang tamang oras, Yvonne. Kung bakit galit na galit ako kay Vincent at maging sa ama't-ina nito."

Bahagyang nangonot ang noo ni Yvonne. Nang akmang sasabihin na ni Victoria ay siya namang nag-ring ang cellphone na hawak nito. Sumimangot ang ginang nang makita ang pangalan ng kinaiinisang tao ang tumatawag ngunit sinagot din naman nito iyon. Sandali lamang ang kanilang pag-uusap

"Pinababalik na tayo ni Vincent. Halika na, mamaya ko na sasabihin sa iyo kung bakit."

Pagkarating sa mansyon ay agad silang sinalubong ni Vincent. Isa-isang tiningan nito ang kanilang mga binili ngunit lahat ng iyon ay hindi nito nagustuhan.

"Ano ito?" Itinaas nito ang isang pares ng tsinelas.

"Tsinelas! Don't you see it, Vincent?"

"Hindi pa ako nabubulag, Auntie, kaya alam kong tsinelas ito. Ang ibig kong sabihin, bakit ito ang binili ninyo? Hindi ba't ang bilin ko'y iyong magaganda ang bilihin ninyo! Kaya nga binigyan ko kayo ng pera para ubusin ninyo sa dapat ninyong bilihin."

Nagsalubong ang kilay ni Yvonne, "Hindi ka man lamang marunong magpasalamat, Vincent! Remember, hindi mo kami katulong tapos ngayo'y sesermunan mo kami dahil sa hindi mo nagustuhan ang mga pinamili namin. Bakit? Sino ba ang magsusuot niyan? Hindi ba't ang cheap na pamilya nang peke mong asawa?" Halos sumigaw na ang dalaga sa sobrang inis sa binata.

"Hindi sila cheap, Yvonne! Hindi sila tulad ng inaasahan ninyo. Um-oo kayo, hindi ba? Um-oo kayo na kayo ang bahala sa mga dadalahin natin sa kanila. Bakit ngayo'y umaangal yata kayo?"

"Ahm, Vincent, pagpasensiyahan mo si Yvonne, napagod lang iyan sa haba ng traffic at napagalitan ko rin kasi kanina iyan."

Sumimangot naman si Yvonne dahil sa sinabing iyon ng ina.

"Hayaan mo't papalitan ko na lamang lahat ng iyan."

"Mom, are you kidding?"

"Yvonne, enough! Go to your room now!" sigaw niyang utos.

Walang nagawa si Yvonne kundi ang sundin ang ina. Pagka-alis ng dalaga ay muling humingi ng tawad si Victoria sa binata at hindi nagtagal ay umalis na rin ito.

Pinuntahan ng ginang ang anak na nagmamaktol. Naabutan nitong nakadapa't umiiyak ang dalaga. Inalo na lamang ni Victoria ito at sinalaysay na kung bakit nagtitiis ito na tumira sa mansyon gayong galit na galit ito sa binata.

MAHIRAP lamang si Victoria ngunit kahit ganoon pa ay pilit niyang kinakayang mamuhay kasama ang inang maysakit. Scholar siya sa unibersidad na pinapasukan at isang taon na lamang makakamit na niya ang   inaasam na pangarap. Dito niya nakilala si Bridgette-isang anak mayaman at ina ni Vincent. Naging malapit sila sa isa't-isa hanggang sa kapatid na ang turingan nila. Subalit, sinubok ang kanilang pagkakaibigan nang ipagkasundo si Bridgette sa isang lalaking ni minsa'y hindi pa nito nakikita. Ayaw pumayag ng dalaga kaya't nagtago ito sa poder ni Victoria. At sa kasamaang palad, natunton sila ng ama ng dalaga.

Hindi naman malupit ang ama nito ngunit mabagsik kung magalit kaya't n'ong araw na mahanap sila'y binawi nito ang scholarship na ibinigay, hindi iyon alam ni Victoria na ang ama pala ni Bridgette ang nagbigay sa kanya ng scholarship. At dahil d'on, hindi na niya natapos pa ang pag-aaral dahil sa kakapusan sa budget.

YUMI and the GOLDEN MANSION(Complete)Where stories live. Discover now