Chapter 4

1.3K 24 4
                                    

TILA isang prinsesa si Yumi habang bumaba ng hagdan. Slow motion pa ang ginagawa niyang paghakbang sa mga baitang ng hagdanan. At sa ibaba naman niyo'y naghihintay ang kanyang prince charming-si Vincent. Ang ngiti nito'y lumampas na sa dulo ng kalangitan habang nakatunghay sa bumababang dalaga.

"You're so beautiful," ini-abot nito ang kamay ng dalaga. "Hindi kita nakilala. Ibang-iba ang hitsura mo kaysa kahapon."

"Magaling kasing mag-ayos ang ipinadala mo sa akin." Pino siyang napangiti rito pero biglang nag-iba ang kanyang awra nang maalala ang kahihiyang natamo sa dalawang dalaga. "Bakit nga pala nagpadala ka pa ng maid? Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa akin, ha?"

"Ouch! Ouch!" nakangiwing daing ni Vincent nang maramdaman ang unti-unting paghigpit ng kanilang mga palad.

"Anong sinasabi mo?"

"M-masakit na! Aray! Ang kamay ko!"

"Ganiyan din ang naramdaman ko nang sapilitan nilang tanggalin ang lahat ng balahibo sa aking katawan."

"Ganoon talaga silang magtrabaho."

"Ah! Talaga ba?"

"Oo. Kaya puwede bang bitiwan mo na ang kamay ko. Masakit na talaga!"

"Bakit pati d'on sa ano ko ay kailangan pang tanggalin?"

Nangonot ang noo ni Vincent, "Anong ano mo?"

Biglang natigilan si Yumi. Mabilis niyang binawi ang kamay at saka'y kinurap-kurap ang mata. "W-wala. Kalimutan mo na 'yon."

Nagliwanag ang mukha ng binata na wari ba'y alam na ang nais tukoyin ng dalaga. "Ibig sabihin--"

"Manahimik ka kung ayaw mong bawiin ko ang pagpapakasal ko sa iy--" Si Yumi naman ang hindi natapos sa pagsasalita nang hapitin siya sa baywang ng binata.

"Ang ganda naman ng magiging asawa ko." Nakangiti ito ngunit ang mata'y hindi nakatuon sa kanya kundi sa isang babaing bagong pasok.

"Oo na. Alam kong maganda ako pero hindi mo na kailangang ipaglandakan pa. At tsaka, bakit ba nakaya--" Muling naputol iyon nang dampian siya ng halik sa pisngi. Namula nang husto ang kanyang mukha dahil sa ginawang iyon ni Vincent.

"I love you baby," sabi pa nito na nakayakap pa rin sa baywang niya.

Naliwanagan lamang ang isipan ni Yumi nang lumapit sa kanila ang kanina pang nakatayong babae. Ayon sa nakikita ng dalaga'y mukhang galing ito sa mayamang angkan. Mula sa pananamit, tindig at ayos ng buhok. Hindi rin matatawaran ang suot nitong mga alahas sa katawan. At maging ang ayos ng mukha, naalala tuloy niya si Althea.

"Hi, Yvonne!" bati ni Vincent na unti-unti pang lumalapit dito. Naggawad ang binata ng halik sa pisngi rito.

"Hello," ang mga mata nito'y nakatitig lamang sa piping dalaga na nakatayo sa likuran ni Vincent. "And who is she?"

"Ahm si Yumi, my fiancee."

Umarko nang halos ga-bundok ang isang linyang kilay ni Yvonne sa narinig, "Fiancee? Are you kidding?"

"No," lumapit si Vincent kay Yumi. "Actually, next week na nga idaraos ang aming wedding. At gusto nami'y simple lamang, hindi ba, sweetheart?"

"What?"

Nanlalaki naman ang mata ni Yumi nang sulyapan niya ang binata, "Nagbibiro ka ba?" halos pabulong pa n'yang tanong ngunit nakangiti pa rin.

Hindi siya sinagot ng binata, bagkus ay hinapit pa siya palapit sa katawan nito. "By the way sweetie, si Yvonne nga pala. Anak ni Auntie Victoria."

YUMI and the GOLDEN MANSION(Complete)Where stories live. Discover now