4: Kind

920 26 6
                                    

"ANAK NAMAN NG!" Muntik na niyang nahampas ng laptop si Zion na bigla-bigla na lang sumulpot sa tabi niya. One of these days ay kailangan na niyang pansinin ang habit ng pamilya nito na bigla na lang sumulpot. They are going to get injured by some person dahil doon.

"Chill," sabi lang nito. He was at his usual state, laid back and casual.

"What the hell are you doing there? Kailan ka pa umupo diyan?" Nasa isang coffeeshop siya ngayon at nagsusulat ng mga pleadings niya.

As usual ay lunod nanaman siya sa trabaho. She goes on these alone time-work time very often na tipong minsan hindi na niya napapansin na malapit nang magsara ang coffeeshop. She's addicted to being busy. Hindi niya gusto ang quiet moments kasi wala naman siyang ganun. Wala siyang quiet moment. Maingay pa din ang katahimikan kasi naaalala niya ang lahat-lahat ng nangyari sa kanya. She's been in the state of limbo for nearly 10 years now.

"Mga 10 minutes na siguro? I called out pero mukhang hindi mo ako nakita o napansin dahil diyan sa nakapasak sa tenga mo." He explained. "Nakita kasi kita and I wanted to say hi and ask kung nakakain ka na ng lunch."

"Lunch?" Kumunot ang noo niya, masayado pang maaga para mag-lunch. "Masyado pang maaga Zion."

"Atty. Magno, 2 PM na." Pinakita pa nito ang relo na suot. "Halika, kain tayo."

"Ha? Saglit pa lang ako dito ah." Tiningnan niya ang relo na suot pero mukhang tumigil na ito. "My watch stopped."

"Kaya nga kumain tayo." He keeps on insisting.

"Di ako nagugutom. Bakit ka ba andito?" She said.

"Ang suplada nito. Wala lang akong ibang maaya kasi di naman ako madalas sa Manila. Tsaka di kita sinundan, nakita lang kita diyan. Wag ka feeling." May sapaw din talaga kasi ito eh. Hindi niya maalala kung kailan niya ba nakausap ng matino ito.

"Ang arte nito, nagtatanong lang ako sayo eh." She countered. "Halika na nga, baka kung ano pa ang masabi sa akin."

"Yan," he stood up and took her case bag and laptop bag from her.

"Wow, gentleman." She laughed.

"Oh, edi sayo na uli." Akmang iaabot nito sa kanya ang mga bag.

"Wala na, nasayo na eh. Panindigan mo na yan." She crossed her arms bago umiling. Mabigat kaya, kay Zion na lang.

"Saan ba masarap dito?" He just asked.

"Dun na lang siguro." Tinuro niya ang, Pierre's, isang italian restaurant na pagmamay-ari ng isang kakilala niya. "Masarap ang pasta nila dun. Kumakain ka ba nun?"

"Oo naman, basta sabi mo masarap okay na." Simple lang talaga ang isang to.

Naupo sila sa pandalawahang la mesa kasi wala naman ng ibang available na mauupuan dun sa loob kaya they settled. As if naman may pake pa siya. Sanay na din naman siyang kasama si Zion kasi ilang beses na din silang kumain ng ganito. They were so platonic at sobrang chill lang nitong lalaki kaya naman kaibigan na ang turing niya dito at hindi na threat. He is a funny and sinple-minded man na walang pake kahit na usually nagsusungit siya at iniinis niya ito.

"Good afternoon ma'am, sir! May I have your order po?" Masayang sabi ng isang waitress sa kanila.

"One Carbonara and one Bolognese, both water lang ang drinks." sabi ni Zion. She'd already told him her order kasi busy na uli siya sa pagbabasa ng files ng isang kasong hawak niya ngayon. It's not as if kailangan niyang i-entertain si Zion diba?

Playing with Fire | On HoldWhere stories live. Discover now