KABANATA II

604 49 47
                                    

Chloe's POV

Walang pasok ngayong araw, kaya kami nag-inuman kagabi. Pagkatapos pala nang nangyari sa akin, nag-aya na akong umuwi na. Hindi ko na sinabi pa sa kanila ang kaganapang iyon. Ayaw kong mag-aalala pa sila, ginagawa kasi nila akong baby!

Sila kasi ang tinuturing kong pamilya, nakatira lang kami dito sa bahay ni Margaux. Siya ang pinakamayaman sa amin, malaki ang bahay na ito. Madaming kwarto, sa totoo lang dapat para sa kanya lang ang lugar na ito, bakanteng lote kasi ang binigay sa kanya ng lolo niya. Pero simula nung maging magkabarkada na kami, ipinagawa namin ang bahay na ito para sa aming lahat. May kanya-kanya kaming kwarto dito, nag-ambagan kami para maipatayo ang bahay na ito.

Mayaman at may mga kaya ang mga kaibigan ko, parehas kasi kaming gustong lumayo sa pamilya, 'yung iba naman galing probinsya at 'yung iba, kaibigan kasi namin ang ka-relasyon nila. Buti na lang at may spare na kwarto ang bahay na ito. Monthly kaming nagbibigay ng pera para sa tubig, kuryente at grocery, 'yan kasi ang mga gastusin namin.

Nung mamatay ang mama ko, binigay niya sa akin ang lahat ng mana ko, na napunta sa kanya mula sa lolo at lola ko kaya naman may pera ako. Pagtungtong ko ng kolehiyo, doon siya binawian ng buhay. Ayaw ko nang maalala kung bakit siya namatay, ang alam ko lang mahina na siya nun at patuloy pa din siyang binubugbog ng magaling kong ama.

Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang ama ko, dati rati sobrang sweet nila. Tapos biglang nagiba si papa, nang simula silang mag-away ni mama pati ako dinadamay na din niya. Hindi ko nga siya maintindihan eh.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na lalayo ako sa kanya pag nakapagtapos na ako, pero hindi ko na kinayang manatili sa puder niya, kaya kolehiyo pa lang ako ay umalis na ako at wala na din naman si mama para magtagal ako doon.

Buti na lang at may pera na ipina-mana sa akin si mama, nagpagawa ako ng shop para sa online store ko. Mga sweet foods, mahilig kasi ang mama ko gumawa ng pastries, cakes at chocolates. Kaya, kumuha ako nang Hotel and Restaurant Management, ayaw ni Papa 'yun pero sinuway ko siya dahil ito talaga ang gusto ko.

Doon ako kumukuha ng mga panggastos ko, sabay sabay kasi ang gastos ko simula nang lumayas ako. Ako ang nagasikaso sa pagpapalibing ni mama, walang kwenta kasi si papa. Pinabayaan lang niya si mama, baka nga siya din ang may sala kung bakit ito namatay.

At di ako pwedeng umasa sa pinamana sa akin, dahil alam kong maaaring maubos ko iyon kahit malaki pa ang pera at lupain na namana ko. Mas maganda pa din na, umiikot ang pera ko at may ipon ako.

May kumatok sa kwarto ko, napukaw nito ang atensyon ko. Kanina pa pala akong nagiisip ng nakaraan ko. Binuksan ko ito, ayaw ko kasi nang hindi naka-lock baka habang naliligo ako biglang may pumasok. May mga lalaki pa naman dito.

"Bakit Margaux?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti siya sa akin at binigay ang isang bouquet of red roses. Napansin ko din na may isang white envelope nakasiksik sa mga roses.

"Kanino ito galing?" Dagdag ko pa, nakangiti lang kasi siya sa akin e. Tuwang-tuwa sa nakita niya. Gusto niya kasing may nanliligaw sa akin para love life daw ako.

"Sa totoo lang, hindi ko alam eh. Tapos may nagpadala din ng pizza galing sa Yellow Cab para daw atin." Ngiting-ngiti niyang sinabi sa akin. Basta may pagkain. Hay naku!

"Kumakain na sila sa may Entertainment room." Dagdag pa niya. Hala!

"W-wait! Wag niyo munang kainin, baka may lason 'yan ah. Mabuti nang nag-iingat." Sabi ko sa kanya, baka may gayuma o kulam 'yun. Mukha na ba akong paranoid? Marami kasi akong napagtripan na lalaki e, baka gantihan ako, mahirap na baka madamay kaibigan ko.

The Killer is My HeroWhere stories live. Discover now