KABANATA IX (Public)

189 18 0
                                    

Chloe's POV

Masaya ako dahil bakasyon na, kahit ilang araw lang ang bakasyon dahil may second semester pa ay ayos lang. May mga bagay akong kailangang ayusin, katulad ng shop ko. Ilang linggo ko din itong hindi nabantayan at naalagaan, may mga empleyado naman ako doon kaya walang problema.


Pumasok ako sa shop at nagsimulang bumati sa akin ang kahera namin. Isang kahera, dalawang crew at dalawang chef lang ang meron ako. Ako 'yung isang chef, kapag free time ko o wala akong klase ako ang nagluluto.


Tinanong ko ang kahera kung anong balita sa shop, dumadaan lang kasi ako at hindi ko naman natatanong kung malakas ba ang kita o kung may nangyari bang hindi maganda.


Ayos naman ang lahat, may mga araw daw na kakaunti lang ang kita ngunit hindi naman kami nawawalan ng benta kaya ayos lang. Hindi ko naman din kasi matuloy-tuloy 'yung online deliveries na plano ko. Nag-aaral pa kasi ako at saka, di pa kakayanin ng shop na magdagdag ng tao.


Tatlong crew lang ang meron ako, lahat sila marunong magkahera at maglinis. Pang all around na silang tatlo, ang hirap nga lang pag may kailangang mag-leave o may biglaang uma-absent.


Kalahating taon na din nag-ooperate itong Mariandra's Cakes and Pastries, mabilis lang lilipas ang panahon at mag-iisang taon na din ito. Sana magtagal.


Napalingon ako nang marinig ko ang tunog ng bell na nakadikit sa taas ng pintuan ng shop, ibig sabihin may papasok na customer. Agad kong tiningnan kung sino at nalaglag ang panga ko nang makita ko si Cedric... kasunod niyang pumasok si Xander.


Ngayon ko lang ulit nakita si Cedric, makalipas ang ilang linggo. At hanggang ngayon, naiinis ako sa sarili ko kasi imbes na matakot ako dahil tinutukan niya ako nang baril, lumandi pa ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha. Lalo na 'yung mga ngiti niya! Pisti talaga!


"Hi Chloe!" Paano nga pala niya nalaman na may shop ako dito? H'wag mong sabihing stalker ko siya? Napaparami na ata stalker ko ahh.


"Uhmm... Hi." Okay. Nahihiya ako, kaya ako nauutal. Naman kasi eh! Bakit ba ang haba ng hair ko? Bakit kailangan sabay sabay silang nanliligaw sa akin? Blessing ba ito na puro gwapo ang mga naniligaw sa akin? Jusmiyo!

Xander cleared his throat. Napalingon naman kaming dalawa ni Cedric sa kanya. Mas matangkad pala siya kay Cedric, siguro nasa 5'6" ang height ni Cedric tapos etong si Xander nasa 5'9" o baka 6 flat pa.


"Sino ka?" Tanong niya kay Cedric, ayaw ko sa tono nang pananalita niya. Alam mo 'yung parang babaeng nagtataray dahil naiirita sa nakikita niyang pagmumukha.


"Manliligaw ni Chloe, eh ikaw pare, sino ka ba?" Ang angas naman ni Cedric, parang Robin Padilla ang peg. Baka magkagulo pa dito sa shop ko dahil sa haba nang hair ko.


Pumunta ako sa pagitan nilang dalawa at pinaghiwalay sila. "Labas tayo." Sabi ko pero parehas pa din silang nagtitigan. Ay naku! "Ang sabi ko... Lumabas tayo!" Buti na lang at napalingon sila sa akin. Lumabas na kami sa shop, may mga ibang customer din kasi ang nandoon at ayaw kong gumawa nang eksena.

The Killer is My HeroWhere stories live. Discover now