7. Here's a candy.

Magsimula sa umpisa
                                    

Jesus, it’s making my head ache.

“Okay. Give me your phone,” I dared him.

Pero kinunutan niya muna ako ng noo.

“If you are confident that you are not that Anonymous, give me your phone.” Nilahad ko ang palad ko sa kanya.

He rolled his eyes and his lips made a ‘bhh’ sound before he took his phone from his pocket.

Bakit mukha siyang confident? Kinuha ko sa kanya ang phone niya.

 

“Passcode.”

 

“1, 3, 7, 9.”

Pinindot ko kung ano ang sinabi niya pero kunot-noo at nag-aakusang tumingin ako sa kanya nang ma-realize ko na, “That forms a Z.”

Pero siningkitan lang ako ni Rio ng mga mata. “Baka assumera?”

Assumera raw! Siningkitan ko nga rin ng mga mata. “You really are in love with me, aren’t you?”

 

“Yeah, you wish.” At inirapan na naman ako.

Napangiti na lang ako. “You should really start moving on, Rio. I may be single but my heart is already taken.”

Natawa agad siya sa sinabi ko. Syempre ako rin napangiti nang wagas.

 

“Korni mo umuwi ka pa! Haha. Namo, Sabo, korni-korni mo.”

Haha, napapangiti ako ng di-oras sa lalaking ‘to. Joke lang naman, binibiro ko lang naman si Rio, alam niya ‘yun.

‘Yan pa ba. Never namang lumalim ang feelings niyan sa’kin. Kay Hasmin talaga ‘yan, e—Ugh, Hasmin. Lahat na lang! Hindi naman maganda!

Hay nako, kaysa madagdagan ang pagka-badtrip ko, kinatikot ko na lang ang phone ni Rio.

Pero wala naman siyang ka-text na barkada ko, or barkada ni Romano o ni Romano mismo. Ako, may conversation kami pero walang kinalaman sa Anonymous thingy at lalong hindi niya gamit ang number na ‘yun as Anonymous. Hello, nakaka-text ko nga siya, e.

Hinalungkat ko ang contacts niya. I tried typing my friends’ numbers pero walang lumalabas. Even numbers ng G6 wala rin.

“O, ano? May nakita ka?” tanong niya sa’kin.

 

“Maybe you have another phone. Or sim! Ah ha!”

 

“And maybe, you should just accept the truth that I am not who you are accusing me of. Ikaw na nagsabi, pinaglalaruan niya kayo. Hindi mo ba naisip na baka panglito lang ako?”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon