3. Ang magnanakaw.

91.2K 1K 185
                                    

Paalala : Hindi ako tumatanggap ng dedics na. Nahihirapan ako, madami kayo, nakakalito. Kung sino na lang ang magustuhan kong comment, sa kanya ang dedic. Pa-thank you man lang. Kuha?

                                               3. ANG MAGNANAKAW.

NAGPUNTA ‘ko kila Prix kung saan nakatambay ngayon ang mga bwiset. Inuwi ko muna Ducati ko, nag-commute lang ako. Akala ko nasa pad sila ni Cade, lumipat pa pala sa bahay nila Prix. Kaya dito kila Prix ako nagtuloy pagkatapos naming maghiwalay ni Tekla.

At may kutob na ‘ko kung sino ang nagsabi sa kanya ng bet namin.

Nasa garahehan ulit sila kung saan may bilyaran sila Prix. Nakita agad ako ni Prix at Cade nasa may gate pa lang ako—dahil wala namang mga sasakyang nakagarahe, palagay ko gamit lahat—pero si Cade na ang nagbukas ng gate para sa’kin, tamad na tamad atang bumaba ng billiard table si Prix.

T-ngna sa ngising aso ‘tong si Cade. Ngiting ngiti, e.

“O, p’re, akala ko ba gago ka?” biro niya.

“Kaya nga mamatay ka na.”

“E, t-ngna po. Haha.”

Oo. Ganyan talaga kaming maglambingan. Cold ako makipag-usap kahit kanino pero sanay na ‘tong mga ‘to sa’kin.

Tumuloy na ‘ko kung nasaan ang mga sira-ulo. Sinabayan na rin ‘ko ni Cade.

Hindi naman sila nagbi-bilyar. ‘Yung kambal nakahigang pareho sa ibabaw ng pool table habang si Prix naman, nakaupo katabi ni Tom sa dulo ng table, at si Gavin naman, nakasandal lang ang harap sa table habang nagtetext.

Hilig lang talagang magburles ng kambal na ‘to, e. Init na init, mga wala na namang damit na suot? Malamang nagbasketball ‘tong mga ‘to. Pawis, e. May malapit kasing court dito kila Prix.

“Hi, Papa Hero. Miss kita, bigti na”, tunog malanding biro ni Jerry sa’kin.

Ano’ng akala niya, nambabae na naman ako? Tss.

Inismiran ko siya. Patay sa’kin ‘tong si Je. Hubad-hubad ka pa, ha.

Siya kasi mas una kong madadaanan kaysa kay Tom, kaya nang madaan ako sa kanya.......

WAPAK!

“PUU—!....” Napabalikwas agad si Je.

Nilakasan ko talaga paghampas ng palad ko sa hubad na dibdib niya, e. Haha. Umakat! Namula’y bakat ng palad ko. Haha! Tanga-tanga siya dyan, e. Mapang-asar na nginitian ko pa ang loko.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon