13. Sweet, parang true story.

83.7K 1.1K 235
                                    



                                    13. SWEET, PARANG TRUE STORY.

“A-ANO kamo?!”

Sobrang ikipinanlumo ko ang narinig ko.

Nalaglag ang ganda ko at agad na pinulot ko dahil baka nakawin n’yo.

Ang sakit…..

Sh-t. Ang sakit sakit. Sobra. Sobrang sakit.

Hindi pa rin niya binibitawan ang pala-pulsuhan ko nang inangat niya ang ulo niya at tignan ako.

“Hindi ako unli.”

Nakuha pa niyang pilosopohin ako gayong sinaktan na niya ang damdamin ng pinakamagandang babae sa buong mundo?

“H-hindi b-ba pwedeng… h-hindi ba pwedeng…… boyfriend na lang?”

Ang sakit kasi, e. Ang sakit. Hindi naman ito ang gusto ko. Higit pa dun.

Pabalang na binitawan niya ang kamay ko at inismiran ako. “Lumayas ka na nga.”

Paulit-ulit….. Paulit-ulit niyang dinurog ang puso ko. Tinatarakan ng libong karayom at binubudburan ng asin ang puso kong nagdurugo. Sobrang sakit.

Bestfriend……???!

“UUY, ITO NAMAN! Sige na nga, bestfriend na! Hihi!”

Siya na ‘tong nag-offer, mag-iinarte pa ba ako? Take and take! Aba! Dyan naman nag-uumpisa ang lahat, ‘no.

Makikita mo… Aakitin kita, Romano. Gagamitin ko ang opportunity na ibinigay mo. RA-HA-HA-HA.

Tumabi akong naupo sa kanya. “Dali! Dali! Ano na tawagan natin? Ha, bestfriend? Bes? Parekoy? Ew, baduy. Uhh….”

Omg, isip isip! Gaah! Nabuhay ang malanding kaluluwa ko! Ay mali. Nag-full charge ang malanding espiritu sa katawan ko! OMG! Ano ba’ng magandang tawagan? Sinabi ko bang hindi ko na siya gagamitan ng endearment? Pwes.. binabawi ko na.

Gaah, I’m in need of endearment like right now! Syempre ‘yung unique dapat!

“.....Babes kaya?” Hihihi.

“Tigilan mo nga ako. Hindi babes ang pangalan ko. Kadiri ka.”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon