"I wouldn't be a Samaniego, Janella if I can't get the girl I want." I gave her a lopsided smile. Damn! She's so gorgeous!

Napailing lang siya at mapakla pa ring ngumiti. Wala man lang ba siyang crush sa akin? Seriously? Well, I still doubted it!

"Anak po ako ng yayang nagpalaki sa ninyo. At hindi po siguro tamang nilalandi ninyo ang anak niya para lang paglaruan." Seryosong sabi pa niya at malalim na napabuntong-hininga.

"I can't believe you'll say that." I tried to sound hurt again. "Just because I am some player, hindi na ako puwedeng magseryoso sa babae?"

"Marami na pong naikuwento ang nanang tungkol sa kalokohan ninyo sa babae. At hindi ang tatlong babaeng nahuli lang na kasama ninyo ang involved. Madami pa." Nag-angat siya ng kilay sabay umismid. Wow... Just wow.

"Don't worry about anything, Janella. The feeling is mutual. You're not my type. I am just trying to be friendly." I lied of course. But sooner she'll fall into my hands.

"Good." Napatango pa siya at mapaklang napangiti. "Magtrabaho na lang po tayo ng maayos diba, sir?"

"Yeah, of course. You don't need to tell me that." Jeez, she's a hard one.

Tumango lang naman siya at agad na kinuha ang unan na dala niya.

"Mauna na po akong matulog sa inyo, sir. Good night." Sa kabilang direction siya humarap at niyakap ang malaking unan.

"Good night." That's it? Tama bang tulugan ako? Itong gwapo kong ito tinutulugan? Come on!

This is the first time huh, Ace? First time na may babaeng walang interest sa'yo? Hindi kaya lesbian 'tong isang 'to? But no, kahit saang anggulo tingnan, babaeng-babae siya. Mahinhin, maganda at sexy. Medyo old-fashioned manamit pero bagay naman niya. Kagulat-gulat ding maputi at makinis ang kanyang balat. She's almost perfect on the outside but she has no interest on me? Eat yourself d!cky!

********

JANELLA's POV

Sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap kay Dalton. Wala akong masabi sa kanyang kagwapuhan. Sa picture ko lang siya nakita noon pero mas iba pala talaga ang hitsura niya sa personal. Masyadong nakakahalina ang kanyang kagwapuhan at pati na rin ang ganda ng kanyang katawan na bumabakat sa suot niyang white t-shirt. Dagdag pogi points din niya ang suot na silver necklace na may cross pendant na sobrang bagay na bagay niya. Pero tama rin si nanang sa kanya, chicboy siya. Kunsabagay, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Bukod sa gwapo ay mayaman pa. Nag-iisang tagapagmana ng mga Samaniego.

"Fck! I can't sleep!" Maktol pa niya habang pilit na naghahanap nang maayos na posisyon. Gusto kong matawa dahil kanina pa siya hindi mapakali.

Malalim na ang gabi at mahaba-haba pa rin talaga ang byahe namin.

"Dammit!" Inis pang sabi niya at ginulo ang kanyang buhok. Wala pa ako sa sariling napatitig sa kanya dahil talaga namang ang ganda ng kanyang mga mata! "What?" Bahagya pa akong napaigtad dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Wala pa ako sa sariling inalog ang aking ulo! Shit! Nakakahiya!

"W-wala..." Masungit na sagot ko lang. "...ang ingay n'yo po kasi. Nagising ako." Palusot ko pa.

Umismid siya at bigay todo na isinandal ang kanyang katawan sa upuan. Pati pag-ismid niya ay nakakapanghina ng tuhod! Nang magsabog yata ng kagwapuhan si Lord sinalo naman ng lalaking 'to!

"What the fck am I going to do there?" Desperado pang sabi lang niya at lukot na lukot ang mukha.

"Maging haciendero." Simpleng sagot ko lang.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon