Simula

38.6K 536 45
                                    

Simula

Eavesdrop

"What's your order?" tanong ni Dash.

The whole bar is jumping at the beat of the loud music. I am tapping my foot to the bass of the song played by the DJ. Iniikot ko ang buong paningin ko sa lugar. Marami ang sumasayaw sa gitna ng dancefloor habang ang ilan ay nakaupo sa isang pabilog na lamesa. I turned my gaze to the table next to us. Tumikhim ako ng makita ko ang katuwaan nila.

They are cheering on a guy at the center of the table. I gasp when I saw his face. He has this dark aura along with his dark-looking appearance. Not literally dark, a dark intense feeling. Kita ko ang matangos niyang ilong at malalim na titig kasabay ng maliit na ngiti sa kanyang labi. I guess he has foreign blood running in his genes. German could be or Spanish.

"Go, Migo!" a woman shouted and slightly push him to the girl in the front sitting pretty with her crop top.

Napairap ako ng makita ko ang pag-abot sa kanya ng baso na may lamang alak. I am not innocent to this kind of game. Minsan na rin naming ginawa iyan noong birthday ni Yazzi. It was fun. Inalis ko ang tingin ko sa kanilang grupo nang makita na naglalakad na pabalik ang aking mga kaibigan mula sa kanilang sayawan.

"Not having fun, Tali?" Dash whispered in my ears.

Umiling ako sa kanya. I felt his hand in the back of my chair. It may seem like his arms are on top of my shoulder. Napalingon ako ulit sa kabilang grupo nang maghiyawan sila. I flinched when my gaze met his dark intense eyes. May multo ng ngiti sa kanyang labi. Napaayos ako ng upo sa nangyari. Because of the dim lights, I can't properly see his reactions. Nakita ko lang ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko.

I think because of his foreign looks, I found him good looking. Nabalik ang tingin ko kila Yazzi ng bigla nila akong abutan ng shot glass. Nawala na ang atensiyon ko sa kabilang grupo pero sinusubukan ko paring pakinggan ang nangyayari sa kanila.

"Let's play truth or dare?" saad ni Yazzi.

Tinanggap ko ang inumin mula sa kanila at hindi na ulit lumingon sa kabilang grupo, afraid to meet his gaze again. Nakakailang ikot na kami ng bote ng biglang tumapat sa akin ang dulo. Ngumiti ako sa kalokohan naming magpipinsan.

"It's your turn! Kiss a random guy out there!" paghahamon ni Yazzi.

"Yazzi, that's too much." Ani Kuya Oli na tahimik lamang kanina katabi ni Ate Lira.

Agad kong tinanggap ang shot glass at ininom ito. I have a person in my mind. Tumayo ako at nagmartsa sa kabilang table. I saw the surprise look from the guys and glares from the girls in their group. Nagtagpo ang tingin namin nung Migo. I walk near him locking my gaze making sure that he will assume that I am going to him. Madilim ang titig nito at tila may iniisip na ikinakagalit niya. Nagsalubong ang kanyang makapal na kilay. I heard Yazzi's voice cheering me. I crouched, making him lean back expecting me to get near his face, but then I kissed the other guy next to him. I heard gasps as I ended the kiss. Hindi ko na siya ulit nilingon pa at naglakad na pabalik sa aming table. Ngumisi ako ng makarinig ako ng mura mula sa kanila at ilang kantiyaw.

Rinig ko ang kantiyaw nila sa hinalikan ko pero hindi ko na pinansin. It's already midnight when we decided to go home. Tahimik akong naglakad palabas ng bar. Ako ang huling lumabas dahil pumunta pa ako sa powder room.

Akma na akong liliko ng parking space when I saw two figures next to me. Nakasandal ang isang lalaki sa dingding habang nasa harap niya ang babae. When I saw the girl's dress I immediately recognize it as the girl next to our table. Iyong hinalikan noong Migo.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Where stories live. Discover now