Kabanata 15
Like
"Congratulations, Tali!" Si Yazzi.
Iniabot nito ang isang paper bag na puti sa akin habang nakangisi ng malaki. I answered her with a thank you at niyakap siya.
"Open it." Natatawa niyang sabi habang inaabot ang paper bag.
Knowing her kind of smiles alam kong kalokohan ang laman ng ibinibigay niya. Kinuha ko ito at dahan dahang binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman nito.
"What the hell, Yazzi!" Gulantang kong sigaw.
Tumawa ito ng malakas na naging dahilan ng paglingon ng ilang bisita. Nang mapansin ko ito ay ngumiti lamang ako sa kanila.
"I won't accept this! This is insane!" Pikon kong sabi.
Si Yazzi ay hindi parin makamove on sa pagtawa. Nakita ko ang paglakad ni Kael at Dash palapit sa aming pwesto.
"What did you do this time, Ate Yaz?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kael kay Yazzi.
Tumawa pa si Yazzi bago itinuro ang paper bag. Agad ko iyong inilayo sa akin at nakasimangot na ininom ang vodka sa aking shot glass.
"You're crazy, Yaz." Natatawang sabi ni Dash matapos silipin ang laman ng paper bag.
"Uso yan ngayon. Malamang manlalaki ang mata ng asawa mo!" Humagalpak siya ng makita ang masamang titig ko.
Even my heart flutter at what she said ay hindi ko parin gusto ang ibinigay niya.
"Baka nga hindi na maka-score ulit ang gago. Kung pwede lang na idivorce mo na ngayon palang." Sambit ni Dash.
I laughed at him. Naiinis ito kay Migo. My cousins are really protective. Madalas ay inis at may galit ito sa mga nagiging boyfriend namin o kaya naman ay tinatakot iyong mga manliligaw.
"Kala mo naman mangyayari yan, Dashiel." Saad ni Kuya Argus nang makalapit sa amin.
"Speaking of the devil." Bulong ni Yazzi.
Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Migo na naglalakad patungo sa aming pwesto. He's still wearing a white long sleeve polo. Ang buhok niya ay bahagya ng magulo dahil sa pagiging abala ay hindi na kami nakapagbihis.
Nang makauwi kanina ay kaagad rin kaming bumalik sa mansyon. The small reception is held at our garden. Si dad ay abala sa pagkausap sa aming mga kamag-anak. Ang sabi niya kanina ay napagod at masama ang pakiramdam ni Cami. Napataas ang kilay ko doon. I am guessing that she's bitter and can't take the sight of Migo and me.
"Hi." Bati ni Migo nang makalapit.
Tumango ang mga pinsan ko at si Kuya. Lumapit ito sa upuan ko at inilagay ang isang kamay sa likod. Nagkatinginan kami ni Yazzi sa ginawa niya. Tumikhim ako.
"Congratulations." Kael greeted. Ang kanyang medyo mahabang buhok ay hinawi bago iniabot ang kamay.
Kael is the youngest. He's a year younger than us. But his built is big than his age. Ang kanyang mukha ay mukha ring mature kaya napapagkamalan ito kaedad lamang namin nila Yazzi.
Inabot ni Migo ang kamay nito at ngumiti ng bahagya bago ibinalik ang kamay sa likod ng upuan ko. Nag-uusap lamang kami roon ng makaramdam ako ng antok at hindi na napigilan ang paghihikab na kaagad na napansin ni Migo.
"Let's rest. You're tired." Bulong nito.
Nilingon ko ang mga pinsan ko kung napansin ba nila ang paglapit niya sa akin para bumulong pero abala sila sa pag-uusap. Humarap ako ng bahagya sa kanya bago umayos ng upo.
BINABASA MO ANG
Breaking Hearts (Altagros Series #1)
RomanceLoving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck with him for the rest of your life? Is he going to love you too? (Formerly Breaking an Affair) (1/3)
