Kabanata 20

18.1K 326 1
                                        

Kabanata 20

Kiss

Maliwanag na sinag ng araw.

I groaned when directly see the lights coming from the window.

Itinaas ko ang kamay ko para takpan ang aking mukha mula sa sinag ng araw. Nakaangat ang kamay ko sa ere ng biglang may kamay na lumapat doon at hinarangan rin ang sinag ng araw. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makita ko si Migo na nakangiti sa aking likod. Nakahiga pa ito at medyo magulo ang buhok mula sa pagkakatulog. Even his hair are messy, hindi nakabawas iyon sa kanyang pagiging guwapo. Makapal ang kanyang kilay at mahaba ang pilikmata. Ang kanyang matangos na ilong ay bumagay sa kanyang mukha. How can be a man be this handsome? Kung itatapat siguro ito sa Hollywood actors ay baka mas mangibabaw pa siya.

Blame their genes, Tali.

Napakurap ako ng maramdaman ko ang biglang pagpindot niya sa ibabaw ng aking ilong gamit ang kanyang hintuturo. He smiled widely showing his perfect set of teeth. My heart fluttered so much at the sight.

"Do I look familiar to you?" Biglang tanong nito.

Nangunot ang noo ko sa kanya. Familiar? No? Hindi ko alam.

"Hindi?" I said confused.

He laughed and pulled me to face him.

Tumagilid ako at nagtama ang aming paningin kahit na nakatingala ako ng kaunti.

"Why are you staring at me, then?" He asked.

Agad kong naramdaman ang pag-akyat ng init sa aking pisngi sa kanyang sinabi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"I need to go to the bathroom." Palusot ko.

Tinitigan lamang ako nito bago pinakawalan nang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Nang matapos akong mag-ayos ay kaagad akong bumaba ng bahay. Buti nalang at hindi na masama ang pakiramdam ko. I only feel light headed. Para akong nakalutang.

Sumalubong sa akin ang mabangong amoy na nagmumula sa kusina. I walked straight to the kitchen. Si Manang Mona ay abala sa pagluluto habang si Migo naman ay nakatayo sa gilid ng lamesa at naglalagay ng palaman sa tinapay. Agad itong nag-angat ng tingin ng makita akong napapasok sa kusina.

"Good morning." Bati nito. He smiled at me.

Ang aga aga pero ang gwapo-gwapo na nito. Gwapo rin naman ang mga pinsan at kapatid ko but Migo's handsome face is different from them. Ito yung tila nang hihila ng mga mata na kapag tinitigan mo ng buong araw ay hinding hindi ka magsasawa. Kahit anong anggulo sa kanya ay maganda. How unfair.

Paano naman iyong mga gwapo lamang dahil magaling pomorma? Walang panlaban dito kay Migo. Maybe that's why Cami can't forget him.

Umiling ako sa aking naisip. Lumapit ako sa kanilang pwesto at naupo sa upuang hinila niya para sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo, hija?" tanong ni Manang Mona habang inilalapag ang isang mangkok na may lamang chicken soup.

Ngumiti ako rito. "Okay na po, Manang. Salamat." I answered.

Dinampot ko ang kutsara at sinimulang kumain.

"Eat more. Ang payat payat mo." Saad ni Migo at nagpatong ng ilang clubhouse sandwich sa aking harap.

Sumimangot ako sa kanyang sinabi. Tama lang naman ang katawan ko! Hindi ako mataba at hindi rin naman payat. I work out every weekend. But then I remember that I stop coming to the gym simula ng mangyari ang kasal. Sumimangot ako at ibinalik ang inilapag niyang sandwich sa kanya. Nangunot ang noo niya sa ginawa ko.

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon