Kabanata 38

17.1K 272 10
                                        

Pursue

Halos mapatawa ako ng makita ko si Migo na may dalang dalawang plastic at nakasuot pa ng pajama at itim na shirt.

Simula ng mag-usap kami tungkol sa annulment at ipinilit kong hindi ako papayag hanggang di niya sinusunod ang gusto ko ay walang magaganap na kasal ay pumayag ito ng walang alinlangan kahit alam kong napipilitan.

Tatlong araw na mula ng bumalik kami rito.

Bumalik ako dito sa bahay ni Daddy. While Migo's in our house.

Nang sabihin kong hindi ako titira doon ay halos magmakaawa ito. Pero nagmatigas ako.

Like I said. Kung seryoso siya, gawin niya ang gusto ko.

"Here's your food, baby." Iniabot niya sa akin ang plastic.

It's five in the morning.

Tinawagan ko ito kaninang 4:30 am.

I asked him to buy me food that I am craving. Mukhang kakagising lang nito ng utusan ko pero mabilis namang tumalima.

"Ayoko na niyan. I want ice cream." Hinawakan ko pa ang aking baba at nag-isip ng gustong kainin.

Huminga siya ng malalim at ibinaba ang bitbit sa kitchen counter.

"Akala ko ba hotdog sandwich and strawberries ang gusto mo?" Bulong niya.

Tinaasan ko ito ng kilay.

I laughed in my mind. Mukhang nawawalan na ito ng pasensya sa akin.

"Ayoko na sabi. Ice cream na ang gusto ko. Kung di mo naman bibilhin, umalis ka nalang sa harap ko at huwag ng magpakita ulit sa akin! Si Silas nalang ang papabilhin ko!" Pagdadabog ko at mabilis na nagmartsa paalis sa kusina.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay naramdaman ko ang kamay niya sa aking siko.

"I'm sorry. Ako na ang bibili. Wait for me, okay?" I smiled sweetly at him.

Magulo na ang buhok niya at mukhang inaantok. Natutuwa ako sa kanya. Kahit na mukhang napipikon na ito, ginagawa niya parin naman ang gusto ko.

So evil, Tali.

"Hmmm... You're so kind, Migo... Pero kung napipilitan ka naman, okay lang" I smiled.

Kumunot ang noo niya at umiling. "No, it's okay. As long as you won't find someone to buy find your craving, I'll do it." He whispered.

"Then, go!" Pagtataboy ko at bahagya siyang tinulak at inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay.

I didn't noticed his hand.

Nakatulog ako ulit ng umalis si Migo at nagising nalang sa sunod sunod na katok sa aking pinto.

Ang akala ko ay si Migo iyon. Pero ng marinig ko ang boses ni Yazzi ay napangiti ako.

"Talitha Armelle! Gumising ka dyan at buksan mo 'tong pinto!" She shouted.

I chuckled.

"Tulog siya Yaz, balik nalang tayo mamaya." Rinig kong boses ni Kuya Oli.

Nagtalo pa sila bago ko mabuksan ang pinto.

Sunod sunod na singhap ang narinig ko ng mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto.

"Oh my God!" Tili ni Yazzi.

"Bilis ng hayup!" Dashiel said.

"Tsk tsk." Iling ni Kuya Oli.

I smiled. "Hi?" Bati ko.

I really missed them so much.

Walang ipinagbago sa mga pinsan ko. Si Kael na nakatayo sa gilid ay nakangiti katabi si Ate Lira.

"Kelan ka pa nabuntis?!" Gulat pa ring tanong ni Yazzi.

"Marupok ka!" She added.

Napatawa na ako ng tuluyan. "Two months nalang, makikita niyo na siya." Hinaplos ko ang tiyan ko.

Namilog ang mga mata nila. "Let's go shopping!" Tili ni Yazzi. Nakangisi na ito at excited sa naiisip.

Umiling ako. Migo bought so many things for the baby. Hindi na kailangan pang dagdagan. Ang iba nga ay hindi pa naman kailangan, kagaya nung bike na binili niya. Napailing ako sa naisip.

"Balita ko, nakikipaghiwalay ka raw." Saad ni Dash.

Nagngiting aso ako sa kanya. Hmm. Malamang alam rin nila iyong panliligaw ni Migo.

"Tama lang yun! Pahirapan mo ng mabuti, Tali." Boses ni Kuya Oli.

Sinundan nila ako ng maglakad ako patungo sa sala.

Sa babang kwarto na kasi ako tumuloy rito. Kabado na kasi akong mag-akyat baba pa sa hagdan ng bahay. Baka madulas at mahulog pa ako. I can't risk my baby's life.

"Hingin mo lahat ng pera niya. Para maghirap." halakhak naman ni Ate Lira.

Umupo ako sa sofa. Sumunod din sila at naupo.

"Hindi ganun, Ate. Magboyfriend ka muna ng iba, Tali." Dagdag naman ni Dashiel.

Napangiwi ako. Why would I do that? Isa pa, sino namang manliligaw saking iba, e buntis ako?

"Iwan mo ulit." Si Kael naman.

Kelan pa sila naging ganto mag-isip? Alam kong malakas ang trip nila pero hindi naman umaabot sa ganito.

Napalingon kami ng marinig namin ang hagikgik mula sa taas.

"Tito Dash!" Matinis ang boses ni Cami. Ikinakaway nito ang maliit na kamay ni Gabriela. Hers eyes are wide open.

Gabriela. That's her name.

"Oh!" Sinalubong ni Dash ng yakap ang bata.

Nagtama ang tingin namin ni Cami na nakahawak sa anak. Kinuha ni Dash ang bata mula sa bisig ni Cami.

Ngumiti ito. I nodded at her.

Hindi ko pa kayang maging komportable sa kanya. The only thing I can do for now is acknowledge her. And based on her reactions, mukhang naiintindihan naman niya.

"Speaking of the devil." Ngiwi ni Yazzi habang nakatingin sa glass window ng sala.

Mula dito sa aming pwesto ay kitang kita si Migo na kabababa lamang sa kanyang sasakyan at may dalang bouquet ng bulaklak.

Pagkapasok niya sa bahay ay kaagad na naghanap ang mata niya sa akin.

He smiled when he found it.

Naglakad siya palapit. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood siyang maglakad.

Bagong gupit ito at mas mukhang fresh kesa nung mga nakaraang araw.

"Hi!" He smiled. Iniabot niya ang bulaklak sa akin.

I can't stop myself feeling so happy. Umangat ang gilod ng labi ko.

"Thanks." I muttered looking at the tulips.

"Dapat may pagkain ring dala." Basag ni Dash ng matahimik kami.

Humalakhak sila Yazzi dahil doon. Nagkamot naman ng batok si Migo.

"Magpapadeliver nalang ako." Alanganin niyang sabi.

Napatawa ako. Mukhang mas maghihirap ang panliligaw ni Migo ngayon a!

"Seryoso talaga ang gago. Good luck on pursuing her, man! Bantay sarado ka na sa amin!" Banta ni Dash.

I glared at him. Baliw talaga.

Tumango si Kael at Kuya Oli sa narinig.

I pouted. "I'll do everything just to win her back." He answered looking at me sincerely.

Oh gosh!

I think I am falling hard!

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon