Kabanata 2

20.9K 355 1
                                        

Kabanata 2

Wedding

"Where are you?" Tanong ni Kuya Argus.

I am standing inside the mall while looking for a new Snickers. Kanina pa ako umalis ng bahay kasama si Yazzi pero nagkasundo kaming maghiwalay nalang ng pupuntahan at magkita nalang mamaya matapos ang isa o dalawang oras.

I am so busy looking for the things that I didn't notice his missed calls.

"Mall, Kuya. I'm with Yaz." I answered.

Natahimik siya sa kabilang linya at rinig ko ang humahalakhak na boses ni Daddy sa background. I gritted my teeth. Mukhang kasama niya si Cami base sa kaniyang boses.

"Cami's there too?"

Hindi ko mapigilan ang pagkainis ko. Hindi ko parin matanggap ang ginagawa niyang Cami. She's so damn good in acting. Antayin niya lang na makahanap ako ng ebidensya sa mga ginagawa niya. She will be busted and broke. Pagsisisihan niya ang pagkakamali niya.

"Yes. Dad is looking for you." Mahinang saad ni Kuya.

I groaned in annoyance. Kailangan ko nanamang makisama sa kanya. Ayoko sanang makita si Cami dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masabi ko ang nalalaman ko. And that would mess my plan. Kailangan ko munang simulan ang plano ko kay Miguel Madridejos bago ko hayaan ang sarili ko sa galit kay Cami.

"Just go home, Tali." Saad ni Kuya Argus gamit ang kanyang baritonong boses.

Kuya is really protective of me. After mom died he always looks after me. Siya iyong tumayo bilang magulang ko nung mga panahong nawala si Dad sa tabi namin. I love him. I would do everything for him if the time comes.

"Okay, kuya." I surrendered.

Nang maibaba ang tawag ay itinext ko naman si Yazzi na magkita na kami dahil kailangan ko ng umuwi. She immediately answered me with a yes.

Ilang minuto lang ay dumating na siya dala ang ilang paper bag mula sa mga kilalang branded stores.

Wearing her crop top and shorts she smiled at me widely.

"I really enjoy shopping!" She said in her high pitched voice.

Ngumiti at sumang-ayon rin ako sa kanya bago kami nagtungo sa parking lot na nakalaan para sa amin.

Pinatunog ko ang aking sasakyan gamit ang aking remote bago ito in-unlocked.

Nauna nang pumasok si Yazzi sa loob ng sasakyan bago ako. I already started the engine when I saw Miguel Madridejos walking to his car.

Nanlaki ang mata ko.

Huling kita ko sa kanya ay noong nakaraang linggo. What is he doing here? May date ba sila ni Cami? But Cami's in the house with dad.

Nilingon ko si Yazzi.

"Yaz, I'll just talk to someone. Wait here."

Hindi ko na inantay ang sagot niya at kaagad ng lumabas ng sasakyan. I even heard her calling my name but I ignored it. Tumakbo ako para sundan si Migueleon.

"Miguel!" I called.

My voice echoed in the whole place. Lumingon siya sa akin. Ang kanyang matangos na ilong ay mas nadepina ng makita ko ang kanyang side view. Bumagal ang kaninang mabilis niyang lakad. Nanatili ang tingin niya sa akin.

I lifted my right hand for a wave before jogging to his place.

"Hi! I didn't see you for almost a week! Guess, you're busy?"

Breaking Hearts (Altagros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon