Chapter 2

70 8 0
                                    

Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasal. Aligaga si Samuel para sa kasal na gaganapin dahil magsisimula na ito. Nagsipagdatingan na rin ang mga guest sa kasal. Mapapansin na puno na ang venue. Makikita sina Andrei at Medley sa gilid na nag-aayos ng kanilang gamit dahil si Medley ang wedding singer. Si Andrei naman ang tutugtog ng gitara para kay Medley.

"Okay, pila na po tayo. Nandiyan na daw po yung bride." at isa-isa niyang binilang kung kumpleto na ba ang mga abay.

"Mag-ready na po kayo dahil nandiyan na yung bride."

Nag-umpisng tumugtog si Andrei bilang pagsisimula ng kasal habang si Medley naman ay kumakanta.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow

One step closer

I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

(Lyrics from: A Thousand Years by )

"Teka bakit parang iba yung kanta?" pabulong na sabi ni Samuel.

Mapapansin ni Samuel na parang iba ang kinakanta ng wedding singer kaya't sesenyasan niya ito. Hindi pinalitan ang kanta na napag-usapan hanggang matapos maglakad ang bride sa aisle. Tanging si Samuel lang ang nakakapansin na may mali sa ginawa ni Medley at Andrei. Bakas sa mukha nito ang pagka-inis.

Biglang nagbago ang mood nito nang magpalitan na ng vows ang bride at groom.

Nilapitan siya ni ni Jacob, kabilang siya sa mga kasamahan ni Samuel na organizer. Mabilis na nawala ang pagka-inis nito.

"Ready na ba yung reception? Pwedeng mahiram yung listahan ng mga guest?" tanong ni Jacob

Biglang magkukunwari si Samuel na sinisipon, tatawanan ito ni Jacob.

"Ano?" tanong ni Samuel.

"Pwedeng mahiram yung listahan ng mga guest?" pag-uulit ni Jacob

"Kasi naman kanina mo pa dapat hawak 'yan. Hilig mo kasi magpa-late, eh." sabi ni Timothy.

Agad na kukunin ni Samuel sa kaniyang bag ang listahan. Makikita ang isang journal sa loob ng bag nito ngunit 'di nito mapapansin dahil sa pagmamadali. Ibibigay niya agad ito kay Jacob

Nang matapos ang kasal muling kumanta si Medley para sa recessional song.

"Buti na lang talaga maganda boses nito." sabi ni Samuel sa kaniyang isip.

Pagkatapos ng kasal, magsisimulang mag-picture taking ang lahat ng guest. Isa-isang tinawag ang mga abay hanggang sa mga kamag-anak ng Bride at Groom. Pagkatapos ay agad na nilapitan ni Samuel ang Bride at Groom.

"Ma'am, Sir, sorry po nagka-problema kanina." bungad ni Samuel at mabibigla ang mga ito at magtitinginan

"Huh? Meron ba, mukhang wala naman kaming napansin" paglilinaw ng dalawa.

"Ma'am, Sir, iba po kasi yung wedding song na kinanta ng singer no'ng nagsimula po hanggang sa maglakad kayo sa aisle." paliwanag ni Samuel ngunit tumawa lang ang bride at ang groom.

"It's Okay" sabi ng groom.

"Actually, may kinalaman din yung kantang yun sa love story namin." paliwanag ng bride.

"'Yun kasi ang background music no'ng nag-propose ako sa kaniya." paliwanag ng groom.

"Gano'n po ba. Nakakainggit naman po ang love story nyo. Tara na po sa reception."pilit na sagot ni Samuel.



Talagang may mga kantang ibabalik tayo sa ating mga alaala. Mas ipaparamdam nito sa atin ang mensahe nito, minsan pa nga mas nabibigyan pa natin ito ng mas malalim pang kahulugan. 

The Right SongWhere stories live. Discover now