Chapter 9

43 4 0
                                    

After 1 month

Nagme-meeting si Samuel at Medley sa coffee shop. Mayroon silang kani-kaniyang iced coffee. May dalang laptop si Samuel samantala mayroong notebook si Medley.

"At ngayong araw nga ay sisimulan na natin ang collaboration nating dalawa. May naiisip ka na bang pangalan?" tanong ni Medley

"Tsaka na muna natin isipin ang pangalan. Ang isipin natin kung paano natin mapapalawak 'yung service na ibibigay natin, kung kukuha pa ba tayo ng event photographer, videographer o kung ano pa." sagot ni Samuel.

"Sige, maghahanap tayo ng mga 'yan. Gusto ko din sana yung mag organize tayo ng iba pang event like debut bukod sa wedding." suggestion ni Medley.

"Yes! Bukod sa pag-offer natin ng full-package sa mga client kailangan natin maging active sa social media." pagsang-ayon ni Samuel.

"Ang naisip ko what if i-post din natin dun yung mga pictures and videos ng mga event natin. Yung mga teaser, pren-up videos and same-day edit videos i-post din natin." suggestion ni Medley.

"Tama 'yan!" sagot ni Samuel.

"Lalabas lang ako may bibilhin lang ako." paalam ni Medley.

Pagkaalis ni Medley, biglang matutuon ang atensyon nito sa kaniyang laptop. May isang babaeng lalapit kay Samuel at umupo ito sa tapat niya.

"Sam? Kumusta ka na? I heard busy ka diyan sa business mo sa pag-o.." sabi ng babae.

Matutulala lang si Samuel at mapapansin ito ng babae kaya hindi na nito tatapusin ang sinasabi nito.

"Mukhang busy ka. Baka maabala pa kita. Sige, mauuna na ko." sabi nito.

Ngingiti ito kay Samuel bago ito umalis at siya namang pagbalik ni Medley. Muli itong uupo sa kinauupuan niya na sya ring inupuan ng babaeng lumapit kay Samuel.

"'Di ka pa ba tapos sa ginagawa mo?" tanong ni Medley ngunit hindi kumikibo si Samuel, tulala lang ito.

***

Nakahiga si Samuel sa kaniyang kama, hindi ito mapakali dahil iniisip pa rin nito ang mga nangyari kanina. Bigla nitong kukuhain ang isang libro sa shelves nito at bubuklatin niya ito at biglang nitong makikita ang picture na kasama nya ang babaeng lumapit sa kaniya kanina sa coffee shop.

Naalala niya ang mga sandaling magkasama sila. Ito ay dati niyang kasintahan noong siya ay high school.

Isasara ni Samuel ang libro at itatago nya ang libro, ibabalik sa shelves na pinagkuhaan nya.

***

Kinabukasan,

Pumasok si Samuel sa isang restaurant nang makita niya si Medley at ang isa nitong kaklase noong highschool na si Gio na magkasama at nag-uusap. Makikita siya ni Medley at pauupuin sya nito sa tabi nya. Ikakasal ang dati nilang kaklase na si Mariel at Ivan at si Samuel ang napiling organizer.

"Kumusta ka na Gio!" bungad ni Samuel

"Okay naman, ito kami pa rin ni Stella." sagot ni Gio

"May balak na ba kayo magpakasal? Baka naman pwedeng.." sabi ni Samuel at 'di pa ito tapos sa kaniyang sinasabi nang sumagot agad si Gio.

"Oo na kaso mukang matagal pa. Ikaw talaga puro ka trabaho kaya hanggang ngayon wala kang girlfriend, eh." tugon ni Gio.

Magkakatinginan si Samuel at Medley at ngingiti sa i'sa't isa. Hahawakan ni Samuel ang kamay ni Medley. Matutulala si Gio at ngingiti na lang.

"Ayos, ah! Perfect Couple!" sabi ni Gio nang makita niya si Samuel at Medley.

"Pero Samuel kasi 'di ba kasal din ito ng kaibigan natin, 'di ko alam kung alam mo na makakasama natin si Francine. Okay lang ba sa inyo?"

Hindi pa nakakasagot si Samuel at hindi nila namamalayan na nakatayo si Francine sa tabi nila. Nang makita ni Samuel si Francine, kinabahan ito. Siya ang babae na lumapit kay Samuel sa coffee shop na dating kasintahan ni Samuel.

"Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ni Gio.

"Hindi naman." sagot ni Francine at uupo ito sa tabi ni Gio.

"By the way, I'm Francine ako yung nag-email sa'yo." pagpapakilala ni Francine kay Medley.

"Nice to meet you. I'm Medley." sagot ni Medley.

Makikipagkamay sana ito kay Francine nang biglang kinuha ni Francine ang cellphone sa bag nito matapos itong mag-ring. Ibababa na lamang ni Medley ang kamay nito. Bakas sa mukha ni Samuel ang pagkailang dahil sa sitwasyon sa paligid nya.

"Okay Guys let's start na."

Pupuntahan nila ang Restaurant ng kakilalang chef ni Gio para sa pagpili ng pagkain para sa event pati na rin ang cake.

"Guys this is Chef Andrew." pagpapakilala ni Gio

Nagpapakilala naman si Chef Andrew sa mga kasama nito. Pinapasok na sila nito at isa-isang hinain ang mga hinanda nitong mga pagkain na pagpipilian.

Sunod nilang pupuntahan ang kaibigan ni Francine na Fashion Designer na si Tasha.

"Nandito ba ang bride?" tanong ni Tasha.

"Sad to say wala siya pero nandito kami para mamili ng designs na pwedeng i-suggest." sagot ni Francine

"'Di ba ang sabi mo kasing size mo lang ang magsusuot bakit 'di niyo na rin kaya isukat yung mga iba dito sa collections ko." sabi ni Tasha.

"Ikaw na rin kaya Medley, magsukat ka na rin para na rin sa future nyo!" suggestion ni Gio.

Sisimangot si Francine, aalis ito at pupunta na lang sa fitting room.

Pagbukas ng kurtina mapapa-wow si Gio nang makita si Francine na nakasuot ng wedding gown. Susundan naman agad ni Medley, bakas sa mukha ni Samuel ang pagkamangha nito nang makita nito si Medley. Biglang babasagin ni Francine ang katahimikan.

"Anong mas gusto niyo?" tanong ni Francine

Mapapaisip si Gio at Samuel

"Francine's dress was made 3 years ago while Medley's dress is one of my latest designs." paliwanag ni Tasha.

"Mas simple kasi 'yung kay Medley pero 'yung kay Francine kasi mas maganda. Para sa akin lang, ah." opinyon ni Gio.

"Exactly, Gio! Mas gusto ko nga 'to eh kasi unique ang design niya and modern sya, ayoko kasi ng mga basta-basta lang." sagot ni Francine.

"Yes pero para sa akin mas maganda ang latest (ang bago) kesa luma." sabat ni Medley.

"Pwede rin naman kaming gumawa ng panibago na katulad din ng ganyang design." sabi ni Tasha.

"Samuel? Tatahimik ka na lang ba diyan?" tanong ni Francine nang mapansin si Samuel.

"Teka 'di ba iche-check lang naman natin ang mga design at style 'di naman tayo ang mamimili dahil una sa lahat wala naman ang bride na magsusuot?" tanong ni Samuel.

"Ayun naman pala, magpapalit na ako." sabi ni Medley at ngingiti sabay irap kay Francine matapos sumagot si Samuel.

"Masyado kasing atrebida"pabulong na dagdag nito.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Francine nang marinig ang sinabi ni Medley.

"Wala naman, ang sabi ko magpapalit na ako." sagot ni Medley.

The Right SongWhere stories live. Discover now