Chapter 8

31 3 0
                                    

"Para sa project niyo, gagawa kayo ng tula. Malaya kayo sa pagsulat ng inyong mga tula basta sarili niyong gawa. Ayoko ng mga kinuha sa internet. Alam ko kapag galing sa internet. Ngayon niyo sisimulan at bago kayo umuwi iche-check ko kung ano natapos niyo ngayong araw." sabi ni Andrei sa kaniyang mga estudyante.

Sinimulan na ng mga estudyante ang pagsulat ng kanilang mga tula maliban sa kapatid ni Samuel na si Sean. Wala itong maisip kaya imbis na magsulat, nag-drawing na lang ito.

"Tula hindi drawing!" sabi ng kaniyang katabi nang makita ang kaniyang ginagawa.

"Ang hirap! Pwede igawa mo ko kahit isang stanza lang pwede na, ako na bahala sa title para lang may maipakita ako kay Sir pag-uwi" pakiusap ni Sean sa kaniyang katabi.

"Ayoko nga gumawa ka diyan." sabi ng kaniyang katabi.

"Libre na lang kita sa canteen." at kinindatan ni Sean ang kaniyang katabi at pumayag ito.

***

Kumakain ito sa kuwarto nya habang ginagamit ang laptop. Tinitignan nito ang mga inquiries sa kaniyang business. Bubuksan nito ang isang inquiry, agad niyang sasagutin ito. Maya-maya magri-ring ang cellphone nito at sasagutin ang tawag ng client. Pagkatapos ay tinawagan niya si Medley.

Samuel: May aasikasuhin akong event. Naghahanap ng Wedding Singer ang client ko, gusto mo ba?

Hindi agad makakasagot si Medley.

Samuel: Huy! Ano?

Medley: Oo, sige saan ba?

Samuel: Sa Siargao.

Medley: Medyo malayo pero sige na nga. Kailan ba?

Samuel: Next Week.

Medley: May naisip ako, bakit di na lang kaya mag-collaborate tayo tutal yung mga event na inaasikaso mo kailangan ng mga singers. Eh, palagi naman akong available, why not?

Samuel: Eh, ikaw lang naman kasi ang inaalok ko tsaka ang kilala ko, eh.

Medley: Payag ka ba?

Samuel: Sige na nga.

***

Gabi na nang makarating si Samuel at Medley sa resort na kanilang tutuluyan sa Siargao. Pinagmamasdan nila ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

"Puntahan muna natin ang kuwarto natin para mailagay na natin ang mga gamit natin." sabi ni Samuel.

Hindi sila magkasama sa kwarto. Pagpunta ni Medley sa kaniyang kwarto inayos nito ang kaniyang mga gamit at pagkatapos ay humiga siya sa kama. Mapapansin nito ang terrace sa kaniyang kuwarto kaya pumunta ito rito. Manghang-mangha si Medley sa ganda ng nasisilayan niya.

Maaalala ni Medley na magkatabi lang sila ng kuwarto ni Samuel kaya bigla itong tumingin sa kaliwa. Nakita nya si Samuel na nasa terrace din ng kaniyang kuwarto at nakaupo ito at pinagmamasdan niya rin ang kaniyang paligid. Tinawag niya si Samuel at ngumiti ito sa kaniya.

Pinagmasdan ni Medley si Samuel.

"Ang gwapo nya pala. Ngayon ko lang sya na-appreciate kahit matagal na kaming magkasama." sabi ni Medley sa kaniyang isip.

Muling niyang maaalala ang una nilang pagkikita.

"Ngayon ko lang'to naramdaman para sa kaniya. Mukhang siya na nga pero isa na lang konti pa ,Medley" sabi niya sa kaniyang sarili.

"Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas." sabi ni Samuel kay Medley nang makita niya itong nakatitig sa kaniya. Naputol ang pagmumuni-muni ni Medley. Tumayo si Samuel sa kinauupuan niya at pumasok na sa kaniyang kuwarto.

***

Naglalakad ang dalawa sa malapit sa dalampasigan habang naghahanap ng restaurant na makakainan para sa kanilang hapunan.

"Isang kasal na naman bukas, magiging parte na naman tayo ng isang love story. Pero ano kaya feeling ng ikinakasal?" tanong ni Medley.

"Ewan, hindi ko rin alam." sagot ni Samuel

"Ikaw ano ba type mo sa isang babae?" tanong ni Medley.

"Ikaw!" ang sinisigaw ng puso ni Samuel.

"'Di ko maipaliwanag, eh, basta!" sagot ni Samuel

"Hayaan mo sa kasal mo gagandahan ko 'yung set-up" dagdag pa nito.

"Sa'yo ko gusto!" bulong ni Medley.

"Ano?" tanoong ni Samuel kahit na malinaw niyang narinig ang sinabi ni Meldey.

"Gusto ko ng kumain! Gutom na ako!" palusot ni Medley.

"Tara na nga." sabi ni Samuel.

***

Dahil wala si Samuel sa kaniyang kuwarto sa kanilang bahay, pumasok ang kapatid nitong si Sean dahil inutusan ito na maglinis ng bahay. Habang pinupunasan nito ang ibang mga gamit, napansin niya ang isang notebook. Binuklat niya ito para makita ang mga nakasulat. Nabasa niya ang mga nakasulat dito at biglang sumagi sa kaniyang isip ang project na pinapagawa sa kanila ng kaniyang guro na si Andrei. Kinuha niya ito at pumili siya ng isang pahina na kaniyang kokopyahin para sa kaniyang project.

***

Hanggang sa nakahanap sila ng restaurant at nagsimula ng kumain ang dalawa.

"Samuel Salamat ah, dahil sa'yo nakapunta ako sa ganito kagandang lugar." wika ni Medley.

"Ah, yun lang ba, wala yun." sabi ni Samuel

"Thank you din kasi ako yung pinipili mo na kasama sa mga event." dagdag ni Medley.

"Syempre kasi I choose you and I'll choose you. No matter what happens I'll keep on choosing you." pang-aasar ni Samuel.

Nasamid si Medley sa kaniyang narinig. Muling maaalala ni Medley ang kaniyang ginawa sa bookstore:

May inipit si Medley na papel na may nakasulat na "I choose you and I'll choose you. No matter what happens I'll keep on choosing you." sa libro na kaniyang nagustuhan. Nilagay niya ito para subukan kung papabor ba sa kaniya ang tadhana. Naalala niyang nasalubong niya rin no'ng araw na 'yun si Samuel at nakuha niya ang libro na iyon.



Ngayon niya naramdaman ang kakayahan ng tadhana na pumabor sa kaniyang hiling at natupad na ito ngayong gabi.

***

Naglalakad ang dalawa papunta sa kanilang kwarto.

"Saan mo ba nakuha 'yan?" 'di pa rin mapakali si Medley. Magpapanggap ito na hindi niya alam ang sinabi ni Samuel

"Sa tabi-tabi lang, biglang sumulpot. Parang ika.."

Mapuputol ang sinasabi ni Samuel nang biglang nilapit ni Wendy ang mukha nito kay Samuel at hinalikan ito sa labi. Mabibigla si Samuel. Pagkatapos nito, biglang ngingiti si Medley kay Samuel at tumakbo ito papasok sa kaniyang kuwarto.

***



Kinabukasan, ang araw ng kasal:

Nang maglalakad na ang bride sa altar, susundan ito ng tingin ni Medley hanggang sa makarating ito sa altar, ini-imagine nito ang kaniyang sarili na naglalakad sa aisle nang naka-wedding gown habang patuloy pa rin ito sapagkanta. Pagkatapos ng kasal, lumapit si Samuel kay Medley.

"Bakit nandito ka? Gusto mo rin bang kumanta?" tanong ni Medley.

"Baliw! Ayaw kong sirain ang kasal ng client ko" pabirong sagot ni Medley.

"Sige na, after ko ikaw naman tsaka nauuhaw ako, eh." dagdag pa nito.

"Ayun lang pala, eh 'di kukuha na lang kita ng tubig" palusot ni Samuel.

Tatayo na si Samuel nang biglang hatakin ni Medley ang kamay nito.

"Dito ka lang! Ayaw kitang mawala sa tabi ko" sabi ni Medley.

"Dito lang ako, sa'yo lang ako" sagot ni Samuel.

Kukuha ng maiinom si Medley, pagbalik nito madadatnan niyang nakikipaglaro si Samuel sa mga batang bisita sa kasal, mapapangiti ito sa makikita nya.

The Right SongOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz