Chapter 11

3 0 0
                                    

Abala sila Samuel at Gio sa pag-aayos dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasalan.

"Si Medley nasaan na ba? Sya na lang ang kulang para makapagsimula na." tanong ni Gio at 'di kaaagad makakasagot si Samuel.

"Masama pakiramdam, eh." palusot ni Samuel.

"Ngayon pa?" tanong ni Gio.

"Ako bahala gagawan ko ng paraan." sagot ni Samuel.

Susubukan tawagan ni Samuel si Medley pero 'di ito sumasagot.

"Sir, 'di pa ba tayo magsisimula? May kulang pa ba?"tanong ng isang guest kay Gio.

"Okay na po, malapit na po tayo magsimula." sabi ni Gio nang makita niyang sumenyas si Samuel mula sa malayo.

Biglang tumunog ang gitara, siya namang pagdating ni Medley. Hihinto ito sa paggalaw nang makita niya si Samuel at marinig niyang kumakanta si Samuel.

Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Take my hand

Take my whole life too

For I can't help falling in love with you

(Lyrics from: Can't Help Falling in Love by Elvis Presley)

Biglang naalala ni Medley ang kantang ito na itinuro ng kaniyang ina. Ito rin ang unang kanta na natutunan niyang tugtugin sa kaniyang gitara.

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman. Parang muling tumigil ang kaniyang mundo habang naririnig niya ang kantang ito at ang boses ni Samuel.

Sumagi rin sa kaniyang isip ang sinabi niya kay Wendy tungkol sa sign na kung sino mang makakatuluyan niya na kakantahin ang kantang "Can't Help Falling in Love" ay siya na nga ang lalaking makakasama niya habang buhay.

***

Pagkatapos ng kasal nagtungo si Samuel sa Parking Lot para kuhain sa kotse nito ang listahan ng mga guest na nakalagay sa clipboard, pabalik na ito nang makasalubog niya si Medley. Niyakap siya ni Medley. Hindi makapagsalita si Samuel sa kaniyang nakita. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nanlambot ang kaniyang tuhod.

"Ikaw na nga!" wika ni Medley.

Yayakapin din ito ni Samuel

"I'm sorry." sabi ni Samuel.

The Right SongWhere stories live. Discover now