Introduction

768 59 8
                                    

I'm a Christian. I'm in loved with Jesus. And I love milk tea.

Okinawa ng Happy Cup ang pinaka-favorite ko. Natikman ko na rin ang Okinawa sa Dakasi, Ang Ka-Tea Mo at Pearl Milk Tea ng Zagu. Huwag na natin pag-usapan ang milk tea ng McDo at Almond Milk Tea ng Prosperitea.

Pero ang purpose ng librong 'to ay hindi para mag-promote ng kung anumang milk tea. Hindi ko alam kung na-sweet-an ka ba sa title o na-weirduhan ka. Ang importante, pinili mo pa ring magbasa.

'Pag weekends, buong araw akong nasa Church. At dahil katabi ng Church namin ang Pavilion, I end up buying Okinawa Moyen 70php Happy Cup. Sobrang babaw ng kaligayahan ko eh.

Isa sa mga best feeling. Iyong pumila ka ng mahaba. Pagka turn mo na, magbabayad ka ng order. Tapos hihintayin mong matapos si kuya na nagtitimpla. Habang maghihintay ka, kukuha ka na ng tissue at straw. "Okinawa po," abot ni kuya. Kukunin mo 'yung order sabay alis sa pila. Habang naglalakad ka, naka ilang "praise God" ka sa isip mo. Tapos dama mo pa 'yung init ng milk tea na nagtatalo sa lamig ng yelo. Kaunting hintay pa. Mga one minute paikut-ikutin ang straw. Pagka-okay na, inom na!

Tama na narration. Hindi nga pala ito nobela. So, ang purpose talaga ng librong 'to ay para i-share ko sa inyo ang some of my "kwentuhan" ko with the Lord. I just want to break the mindset na dapat "pormal" tayo kapag kausap Siya. The truth is, God wants us to have intimacy with Him. Wherever we go and whatever we do, kasama natin Siya. That means, we can talk to Him whenever we want too. Kahit habang umiinom pa tayo ng milk tea.

Ang sarap kausap ng taong mahal mo, ng taong kilala mo, at ng taong kilala ka rin. Iyong tipong kaya mong magpaka-totoo sa kaniya. Kung nag-e-enjoy tayo sa presensya ni Lord, mas nag-e-enjoy Siya sa presensya natin! Kaya kung may hawak kang milk tea, hindi ka lang dapat magpasalamat. Dapat sabihin mo, "Lord, share tayo."

March 2019

Milk Tea With JesusWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu