CHAPTER 8

139 13 3
                                    


Halos tatlong oras ang byahe namin pabalik ng QC. Pinag-baon pa kami ng embotido at atsara ni nanay para daw sa nanay ko. Pagdating namin sa bahay, nag-aabang sa may tapat namin sina kuya at si Lester, pati sila dad at mama.

"Alex!" tawag ni Lester ng makita s'ya, sabay yakap kay Alex ng mahigpit. "Kamusta ka na?"

"Long time no see, 'tol." tawag sa kan'ya ni kuya na yumakap din sa kan'ya.

"Welcome sa bahay namin, Alex." bati nila dad na isa-isa ring yumakap kay Alex.

"From now on, isipin mo nang bahay mo rin ito hanggang sa makalipat ka na sa dorm." sabi ni mama.

Teka, ba't ako lang ang 'di naka yakap sa kan'ya?!

"At ikaw! Loko ka!" tawag sa akin ni dad. "Sa susunod 'wag kang biglang pupunta kung saan nang walang paalam ha?!" sermon n'ya sa akin.

"Sorry po, 'tay." pabulong kong sinabi.

"Anyway, buti at nakauwi kayo ng maayos," singit ni mama, "Halika na sa loob at mag dinner na tayo."

Sama-sama kaming kumain, kasama si Lester na mag aalas-nueve na nang umuwi. All the while nag kamustahan kami, kuwentuhan, tawanan, at kahit medyo pilit pa ang ngiti ni Alex, at least, mukhang hindi na siya ganong kalungkot.

Later that night, napag-usapan naming dun muna s'ya sa kuwarto ko matulog, since yung guestroom namin ay ginawang bodega ni dad, at kailangan pa munang linisin. Akala ko magagalit at aayaw si Alex, pero tahimik lang siya.

Naglatag ako ng kutson sa baba ng kama at hinintay si Alex mula sa banyo. Pag dating n'ya, amoy ko pa ang mouthwash na ginamit n'ya. Pagsara n'ya ng pinto, agad ko s'yang nilapitan at niyakap.

"Oi." sabi n'ya sa akin habang yakap ko s'yang mahigpit. "Ano yan ha?"

"Hug." sagot ko. "Ang daya mo, lahat sila naka-hug sa 'yo, ako lang ang hindi."

"Ikaw lang kasi ang may ulterior motives." sabi n'ya sa akin. Pero 'di n'ya ko tinulak. Hinayaan n'ya lang akong yakapin s'ya.

"Miss mo rin ako, no?" tanong ko. Hindi s'ya sumagot.

Humiwalay ako sa kan'ya at tinitigan ang kanyang mukhang namumula. Ngumiti ako at inalis ang salamin n'ya, tapos ay hinalikan ko s'ya sa noo. Hindi s'ya nagalit. Hinalikan ko ang matangos nyang ilong. Hindi pa rin s'ya nag-react. Sunod ay hinalikan ko ang labi nyang mapupula. Napahingal s'ya at ipinikit ang kanyang mata. Nagulat s'ya ng ipasok ko ang dila ko sa loob ng kanyang bibig, napaungol, at kumapit saking dibdib.

Matapos ko s'yang halikan, nakabuka pa rin ang bibig n'ya, ang mapupungay nyang mata, nakatitig sa akin. Hinatak ko s'ya papuntang kama at iniupo sa tabi ko.

"Hindi ka galit?" tanong ko sa kan'ya habang hinihimas ang kanyang braso.

Umiling s'ya. "Hindi..." Ipinatong n'ya ang ulo n'ya sa dibdib ko. "Na miss din kita..."

Tila sumabog ang puso ko! Balak ko na s'yang itulak sa kama nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si kuya Gio na may bitbit na unan.

Agad humiwalay sa akin si Alex.

"Okay, sleep over uli!" nakangising sinabi ni kuya. "Ako sa gitna!"

"Anong gitna e dalawa lang ang kama?!" pagalit kong sinabi sa kan'ya.

"Sige, ikaw sa baba, kasya naman kami ni Alex sa kama mo eh!" sagot n'ya habang tumatawa.

Nag kuwentuhan kami buong gabi. Binisto ni kuya lahat ng kalokohan ko ng bata pa ko, at syempre binisto ko rin s'ya. Nakakatuwa ng mapatawa namin si Alex sa mga kalokohan namin. Later, natulog si kuya at Alex sa mas malaking kama habang ako naman ang nasa lapag. At least nasa gitna si Alex, at nang sigurado kaming tulog na si kuya, inabot ko s'ya, at natulog kami na magkahawak ang kamay.

Inayos nila dad ang enrollment ni Alex that week. Nag stay muna s'ya sa bahay habang inaasikaso pa nila yun, at sa wakas, pag dating ng Friday, ay nakahabol pa s'ya ng pasok. Nalinis na rin namin ang spare room sa bahay kaya may sarili na s'yang kuwarto, habang hindi pa s'ya nakakakuha ng room sa students' dorm. Well, actually, napag-usapan na rin namin na doon na s'ya patuluyin sa bahay, kaya hindi na siya nag-apply.

Mas mabuti na rin at sa bahay s'ya tumutuloy, dahil ayaw n'ya talagang gamitin ang perang iniwan sa kan'ya ng tita n'ya.

"May ipon pa naman akong natira mula sa gig natin noong Valentine's day eh, saka mula sa book signing." sabi n'ya sa amin minsan. "Yun na muna ang gagamitin ko."

Syempre ayaw naman itong tanggapin nila dad.

"Kung gusto mong bumawi sa amin, galingan mo na lang pag-aaral mo, para alam naming 'di nasasayang ang pag-alaga namin sa inyo." parinig n'ya pati sa akin.

Hindi kami magka-klase that school year.

Una, late ang enrollment ni Alex, sa last section tuloy s'ya nasama, since first come first serve ang sections sa Maybunga.

Pangalawa, ang kinuha nyang academic track ay sa Science, Technology, Engineering and Mathematics. Ang kinuha ko naman ay Accountancy, Business and Management.

Okay lang, nagkikita pa rin naman kami tuwing break, and since nasa bahay lang s'ya, pwede kaming mag practice kahit kailan namin gusto.

Ang uwi naman n'ya sa Tanay ay kada Biyernes, at sumasabay paluwas sa tito Anthony nya tuwing linggo ng hapon.

Yun ang arrangement namin. Masaya 'di ba? Pero actually, mahirap din. Lagi kaming bantay sarado ni kuya. Mukhang nakahalata s'ya sa akin. At mukhang nahalata rin ni Alex na nakahalata s'i kuya, dahil mula ng matulog sila sa kuwarto ko, hindi na s'ya uli lumapit sa akin. No more touching. No more kisses... Hindi ba mas nakakabaliw yun?!

Pero okay lang... as long as malapit s'ya sa akin, masaya na ako.

PilakWhere stories live. Discover now