CHAPTER TEN

2.3K 50 7
                                    

SHORT UPDATE!!!

🏁🏁🏁

Kakatapos lang ng kanilang pag-eensayo para sa nalalapit na championship. Medyo sumakit ang buong katawan niya dahil sa ilang laps ng pakikipakarera kina Ziah at Zabelle. They switched from cars to motors, hindi nila magagamit ang speed boat dahil sobrang layo nila sa tubig para mag-ensayo. Usually, nagpupunta pa sila sa Zambales, La Union o di kaya sa kung saan nais nilang mag-ensayo at bakasyon. Kung saan-saang lugar na sila ng Pilipinas nakarating dahil sa sports na kinabibilangan nila.

"Nice one Zandra. Medyo galingan mo pa." pang-aasar sa akin ni Zabelle.

"Tss. Speed boat tayo next time." aya niya sa dalawa.

"Oh sure. My forte." nakangising wika ni Zabelle nang sumulpot si Andrew sa dinaraanan nito.

"Hay nako. Umalis ka nga diyan." Rinig niyang saway ni Zabelle kay Drew. Napailing na lamang siya nang magsimulang magsisigaw si Zabelle nang makitang binuhat ito ni Drew at isinakay ng sapilitan sa sasakyan ng lalaki.

Oh, she smells trouble.

Si Ziah naman ay bigla na lamang nawala sa paningin niya, hanggang sa makitang humarurot na papalabas ng practice area nila ang motor na ginamit nito papunta. Wala namang nagawa si Jet kundi ang habulin ang kaibigan.

"Hey." bungad sa kanya ni Raf habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Nginitian niya na lang ang lalaki pero humarang din ito sa daraanan niya.

"You owe me a date, remember?" Paalala nito sa kanya.

"Hays. Oo na. Convoy na lang."

"Nope. Sabay ka na or I can drive this car, papakuha ko na lang yung sasakyan ko dito." Suhestiyon nito. Talagang wala siyang kawala rito. Dahil sa sobrang pagod na niya ay di na siya nakipagtalo at pinaubayang ipagmaneho siya sa kung saan.

Napansin naman niya ang lihim nitong pagngisi habang inaalalayan siya sa passenger seat. Hindi nawala ang ngiti nito ng makasakay na sa driver's seat, pinaalalahanan pa siya nito na magseatbelt nang mapansin hindi pa nakasuot iyon sa kanya.

Tahimik lang ang naging byahe nila, walang nais magsalita. Tanging tugtog lang sa kanyang speaker ang nagiging ingay sa kotse.

"Where will you take me?" tanong niya. "Siguro naman you have plans." Dagdag niya.

"I was thinking of going to Tagaytay. Nasa Alabang na naman tayo." Simpleng sagot nito pero nararamdaman nito ang kaba ng lalaki.

What the hell is wrong with him?

"Relax. Bakit ka ba kinakabahan?" Tanong niya rito.

"Ano. It has been a while since we went out. I am excited." Pag-aamin nito. Napansin niyang namumula ang tenga nito papuntang batok. Mestizo si Raf kaya mapaghahalataan na namumula ito. Hindi naman niya napigilan ang mapangisi na siyang ikinanuot ng noo ng lalaki.

"Geez. We never went out at all when we were together. You don't want us to be seen in public, right?" Aniya na may bahid ng pait sa kanyang sinabi. Tila ba nagflashback ang isang eksena mula sa nakaraan.

Nakatanggap ng mensahe si Zandra mula kay Raf sa kung saan sila magkikita. Never in their times on being together na sinundo siya ni Raf sa kanilang bahay. Lagi na lamang nagrereason out ang lalaki na busy sa trabaho.

Birthday ng lola ni Zandra at gaganapin iyon sa isang 5-star hotel sa Tagaytay, imbes na sabay silang pumunta ni Raf ay sinabi nito sa party na lang sila mismo magkita.

Hanggang sa isang araw ay natanggap na niya na ayaw siyang iharap sa publiko at dumagdag lalo ang sakit noong magtaksil ang lalaki.

"I'm sorry. Let's work this out, Zandra. Let me correct all my wrong doings. I'll.."

"Stop. You don't need to say anything. Tanggap ko na kapalaran ko." To be trapped in a loveless marriage.

Napabuntong-hininga na lamang si Raf at nagfocus sa pagmamaneho. Alas syete pasado ng gabi ng makarating sila sa Tagaytay, malamig na ang simoy ng hangin dahil nasa malapit sila sa bundok. Iniwan muna siya saglit ni Rafael para asikasuhin ang reservation nito. Ineenjoy niya ang madilim na kalangitan na unti-unti natatabunan ng mga bituin.

"Let's go?" Aya ni Raf sa kanya ng makabalik ito. Pumuwesto sila sa may balcony area ng restaurant na siyang nagustuhan.

"Thank you." Aniya ng ipaghila siya nito ng upuan. Umorder muna sila ng mga kakainin dahil kanina pa siya nakakaramdam ng gutom.

Nang makaalis ang waitress ay siya namang pagdalaw ng katahimikan sa kanilang dalawa.

"So when are we going to wed? May plans ka na ba?" Pagbubukas niya ng topic.

"I was thinking of November para birth month mo." Simpleng sagot nito. He still remembers her birthday. Of course, yun din ang araw na nakilala niya ang lalaki.

"It's okay with me. Mas simple, mas okay. Close friends and few relatives lang naman." Dagdag niya.

"Okay. How about our honeymoon? Any place you like?"

"Next year na lang natin pag-isipan yan. I have other competitions to attend pati practice."

"Hindi ka ba pwedeng magpahinga kahit ilang linggo after the wedding?" Pagkukumpirma nito.

"I can't. December ang Fiesta Run. The team are invited since last year." Wala naman sa plano niya last year ang pagpapakasal kaya hindi niya pwedeng basta isuko ang mga commitments niya in terms of work.

"Look. This is all just a loveless marriage. Hindi natin need magpretend na mahal natin ang isa't isa, Raf. You never loved me. Hindi ko alam kung ano ang plano mo. Basta ako, I'm doing this for my family." Matapang niyang wika sa binata.

"Zandra... I am doing this because I realized na mahal kita. You know how much I value my freedom pero nung nawala ka para akong namatay."

"Stop that! You cheated, Rafael. If you ever loved me, never na maipapasok sa isip mo na lokohin ako. I saw with my eyes, what you did! It was disgusting!" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses, buti na lamang at nasa kalayuan sila.

Nagulat siya ng biglang kabigin ni Rafael ang kanyang batok at hinalikan siya. Tila ba nagkaroon ng mga fireworks sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Unti-unting humiwalay ang labi nila at mariing tinignan siya.

"Mahal na mahal kita, Zandra. Handa akong patunayan sa'yo iyon maniwala ka lang. I made a mistake once, I won't do it again next time. Just give me one more chance to prove that my love for you is stronger."

--END OF CHAPTER TEN--

VOTE. COMMENT

xoxo,
BitterSweetNovelist

The Triumvirate Racers (Book 1): Alexandra Vanderbilt [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon